FOURTEENTH

64 3 9
                                    

Choi Seung Cheol

Sa wakas, kumpleto na ang tropa.

After naming mahanap si Joshua, na Diyos ng Emosyon, dumiretso na kaagad kami sa templo kung saan ko nadiskubre ang tunay kong pagkatao.

Nandito na kami ngayon, nakaupo sa sahig, umiinom ng tsaa at kaharap ang dalawang matandang magkamukha, or let's say KAMBAL.

Yung matanda na nakasalamuha ko dati ay nandito rin, kaya lang ay gumagawa pa ng tsaa eh.

"Grabe ang kisig ko pala dati wahahaha"sabi ni Seungkwan nang may pagmamayabang.

"Hindi nga lang halata ngayon sayo biik"sabat naman ni Seokmin. Napatawa si Seungkwan, tapos sumimangot. Abnormal.

"HA HA HA. Kafal naman ng fezzlak mo. Eh yun ngang itsura mo dito sa painting eh sobrang layo sa ngayon, Kabs"

"Urur. Sobrang layo dahil mas lalo akong gumwapo?"

"Buhusan kita ng tsaa eh. Kapal."sabat ni Soonyoung.

Grabe. Hindi ko aakalain na naging Diyos sila.

Nagkakagulo ang SoonSeokKwan nang nakarinig ako ng mga yabag.

Dumating na pala si lolo.

"'Lo, nandito na kami. Kumpleto na."sabi ko.

Umupo si Lolo sa gitna ng magkambal na matanda.

"Maraming salamat, iho, dahil natupad mo ang iyong pagpresenta na makumpleto kayo."sabi ni Lolo.

"Isang pagpapala ang makaharap ang 13 Diyos na magliligtas sa mundong ito. Ikinagagalak ko kayong makilala."sabay na sabi ng magkambal sabay bow sa harapan namin.

Nagkarambola kaming lahat dahil dun.

"Naku Lo nakakahiya naman!"

"Hala? Lolo tama na hindi nyo po dapat gawin yan!"

"Stand up. Don't do that po!"

Ayan. Kagulo sa pagpapatayo sa kanila.

Tumunghay ang tatlo at napangiti.

"Kahit kailan talaga ang mga kabataan."

"Lo, isang napakalaking responsibilidad ang pagliligtas namin sa mundo. Pero paano po namin sisimulan ang unang hakbang?"tanong ni Jihoon.

"Kailangan nyo muna ng isang buwang pagsasanay upang mas mahubog ang inyong kakayahan sa pagkontrol sa kapangyarihan nyo at sa pakikipaglaban."sabi ng isang kakambal.

"Yes nemen. Dala ko ang nunchunks ko haha"masayang sabi ni The8.

"Dala ko rin ang wushu stick ko hahaha!"sabi naman ni Jun.

"Ayos. Buti nalang at nakakuha ako ng isang bag ng karayom."masayang tugon ni Jeonghan.

"Saan mo naman gagamitin yun?"tanong ni Mingyu.

"Pang-atake, malamang. Palulutangin ko sila sabay strike sa kalaban. Bull's eye."

"Wow. Talino naman. Ikaw na."sabi ni The8.

"Ay sandali Han, saan naman galing ang mga karayom na yan?"takang tanong ni Jun.

Tumingin sakin si Jeonghan at ngumisi.

Hindi kaya...

"Hay naku Jeonghan. Kaya pala pangiyak-ngiyak na si Lola kakahanap sa mga karayom niya, nasa iyo pala. Tsk tsk tsk."

Nag-peace sign nalang si Jeonghan.

"Ay syanga pala Lolo, sino po ang magte-train samin?"tanong ni Joshua.

Napatunghay naman kami kay lolo.

Oo nga. Sino nga ba?

"Ang magkambal ang magsasanay sa inyo. Ako ang taga-gabay ninyo."

Ehh? Sila?

Kaya pa ba nila?

Hindi naman sa minamaliit ang mga matatanda, pero diba medyo ma-physical ang pagsasanay?

Paano kung madiagrasya sila? Delikado kasi eh, lalo na't matatanda na sila.

"Alam kong nagdududa kayo. Kami nga ang magsasanay sa inyo."sabi ng isa pang kakambal.

"Lo, okay lang po sa inyo yun?"takang tanong ni Minghao.

"Ah.. Eto nalang."sabi ni Lolo sabay snap.

Umusok ang paligid ni Lolo, at...

Nagtransform?

Teka...

Si Yoongi! Siya yung matanda!

"Yoongi?"tawag ni Woozi.

"Oo. Ako nga hehe."

"Musta na?"sabi ni Hansol.

"Heto, gwapo parin, at tsaka tagagabay parin nyo ako hamggang ngayon."

Na-miss namin ang magilagid na glutang ito.

"Ahh syanga pala, eto ang tagapagsanay ninyo."pakilala ni Yoongi sa magkambal na matatanda na nag-snap rin at nag-transform rin.

Teka, ang magkambal na sina Wonho at Hyungwon!

"Wow, isang opportunity ito!"sigaw ni Seungkwan, dahil ang magkambal na ito ang pinakamalakas na tagapagsanay sa mga Diyos.

"Excited na meehh!"sigaw ni Soonyoung.

"Magsimula na tayo wahhhh!"sigaw pa ni Seokmin.

"Ahh--"

Napatingin kami kay Jeonghan na nakapikit ngayon nang mariin.

"Ahm... Jeonghan?"tawag ko pero hindi natinag si Han.

Umimik si Han bigla.

"Nandito na ang Emperador ng Galaxia Lauratiano. At nasa paligid lang natin ito."

Bigla akong natigilan.

Nasa paligid lang namin?

Pero sino?

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon