ELEVENTH

82 4 1
                                    

Lee Ji Hoon

Tangna.

Ang sikip naman dito sa kinatatayuan ko.

Paano ba naman kasi, in-offer ni Soonyoung ang sasakyan niya para sa paghahanap namin ng iba pa.

Hindi ko talaga akalain na ganito palang kaliit sasakyan niya.

Tapos ilan kami?

We're just TEN. In-emphasize ko pa para dama.

"Wag ka namang malikot, Kabs! Hindi ako makapag-drive ng ayos kingina!"sigaw ni Soonyoung.

Hindi namin namalayan na napadaan na kami sa isang Welcome Post.

'Welcome to Jeollakbu-do, South Korea'

Napadpad na pala kami sa Jeollakbu-do.

---------------

Ang haba ng byahe namin. Bwiset.

Katabi ko lang naman si Coups na panay hilik. Tulog.

Sikip talaga. Punyeta.

Biglang su-mide view si Seokmin nang tulog na naging dahilan ng paghilig nito kay Soonyoung.

Napahilis naman ang sasakyan, dahil nga nasagi ito ni Kabs.

"DK naman eh!Puta umayos ka!! Hindi ako makahilis!"

Habang gumegewang ang sasakyan, bigla kong napansin na madadaanan namin ang isang eskwelahan.

Biglang may lumabas mula sa gate na isang estudyante ng school na dinaanan namin.

Sh*t. Mababangga na namin.

Bigla akong nag-panic.

"Soonyoung!"sigaw ko kaya nagising ang lahat, pati si Kabs.

"Kingina! Brake!"sigaw ni DK kaya ibine-rake niya yun.

Hay. Relief.

Akala ko pa naman, may mapapatay na kami.

"Soonyoung naman eh! Hindi ka yata marunong mag-drive eh!"bulyaw ni DK.

Bunatukan ko naman si Kabs.

"Tangna mo. Ikaw kaya ang may kasalanan kung bakit hindi niya maayos ang pag-drive niya. Kung makahilig ka, wagas."sabi ko.

Bumaba kami para tingnan ang estudyante na muntik na naming mabangga.

Nung nakita ko siya... I saw his left hand. May gloves din.

"Are you okay?"tanong ni Hansol sa lalaki.

"I'm okay."sabi niya sabay ngiti.

"Cute."sabi ni Jeonghan.

"By the way, I'm Lee Chan. Dino na lang."

----------------

Nandito kami ngayon kina Dino. Actually ulila na siya so he used to live alone. May kaya naman siya sa buhay.

"Gusto nyo ba ng juice, cola, or what?"tanong samin ni Dino.

"Strawberry juice nalang."sabi ni Cheol. Hmmm... Parang alam ko na ang plano ng gilagid na ito.

"Sige, Cheol. Gagawa lang ako ng strawberry juice nyo."

"Dapat meron ka rin ha?"sabat ni The8.

"Sige na nga, Hao. Haha."sabi ni Dino sabay punta sa kusina.

"Huhu, bakit strawberry juice pa? Bakit hindi nalang cola?"sambit ni Soonyoung kaya binatukan siya ng Seokmin.

"Linchak. Syempre dahil alam natin na isa siya sa atin!"

"Tumpak."sabi ni Jeonghan.

Bumalik na si Dino, dala ang 10 baso ng strawberry juice.

"Ay wait lang. Magdadala na rin pala ako ng biscuit dito. Sandali lang ha?"sabi nito sabay punta ulit sa kusina.

Ibinahagi ko na ang strawberry juice sa kanila. Tig-iisa.

Tapos yung juice ni Dino eh iniaro ni Wonwoo kay Mingyu.

"Inumin mo na yan daliiiiiiiiiiiiiiii!!!"histerikal na sabi ni Wonwoo kaya sinsid ni Mingyu ang juice. Muntik na nga siyang masamid. Yung mukha niya, pfffft.

Agad namang isinalin ni Seungcheol ang inumin na kagagawa pa lang ni Mingyu. Ubos na kasi yung isa.

Halos kahawig ito ng strawberry juice.

Bumalik na si Dino, dala ang mga biscuit.

"Heto na."

Nag-cheers na kami tapos ininom namin yung juice.

Biglang natigilan si Dino.

Sabi ko na nga ba. He's one of us.

"Hai. Ako si Dino. God of Beast. Yea."

"Hala? Bata ka pa pero ikaw ang God of Beast!?!"sabi ni Jun.

"Pake mo ba? Eh yun ako eh."



Dalawa na lang.

-----*

#BoomBoom_Seventeen

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon