SECOND

165 12 6
                                    

Choi Seung Cheol

Nakaupo na kami habang umiinom ng tsaa.

Pero natatawa parin ako sa sinabi ni lolo kanina.

"Lolo, ako? Kasama sa 13 Diyos sa mitolohiya? Nagkakamali yata po kayo eh. Mitolohiya lang po yun, 'lo."sabi ko.

"Kung talagang mitolohiya lang yan, bakit may marka ka ng simbolo nila sa kamay mo?"

Nagulat ako sa sinabi ni lolo.

P-paano niya nalaman yun?

Oo, may marka ako ng parang numerong 17 sa kamay ko. Tinatakpan ko lang ito ng gloves na pang-gangster or kung ano mang tawag dun. Hindi ko alam ang tawag dun.

"P-paano nyo po nalaman?"tanong ko.

"Syempre iho, naka-gloves ka. Hinihinalaan lang kita. Meron ka nga, iho?"

"O-opo."
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko na may marka. Tinanggal niya ang gloves na suot ko. Nagulat siya.

"Ikaw na nga iyan, Diyos ng apat na elemento."sabi niya sabay bow.

"Naku 'lo! Wag na po kayong mag-bow! Nakakailang po."sabi ko. Nakakahiya rin lalo na't matanda na siya at ako dapat ang magba-bow sa kanya.

"Maraming salamat at dumating ka na. Kailangan ka na talaga namin, kasama ng labingdalawa pa."

"Pero 'lo, hindi parin po ako naniniwala sa inyo. Kahit na may marka nga ako sa kaliwang kamay ko, still hindi pa rin po yun sapat para maging patunay yun. Wala nga po akong kapangyarihan ng apat na elemento eh."sabi ko.

"Sandali lang iho. May kukunin lang ako."sabi ni lolo sabay tayo.

Bumalik naman siya kaagad. May dala siyang bote mg alak na may laman na kulay rosas na inumin.

"Siguro, ikaw muna ang uminom nito, dahil ikaw ang una kong nahanap."sabi niya.

"Ano po iyan? Juice? Alak? Tubig na may food color?"

Napatawa ang matanda.

"Ikaw talaga, nagbago ka na talaga dahil sa modernisasyon. Isa itong inumin na siyang magpapabalik ng ala-ala mo bilang Diyos. Ginawa ito ng Diyos ng mahika ilang dantaon na ang nakaraan."

Nagulat ako. Ilang dantaon na ang inumin na yun? Bigla akong napalunok. Ano kayang lasa nun? Panis na yata yun.

"E-eh... Kailangan ko po talagang inumin yan?"tanong ko ulit.

Tumango siya.

Napalunok ulit ako. Jusmeh, baka malason ako nito.

Pero try ko lang, para patunayan na totoo nga ang sinasabi ni lolo. Baka modus ito, pagnakawan pa ako.

"Sige, 'lo. Iinom ako niyan. May magbabago po ba kapag nakainom po ako nito?"

"Maaalala mo ang lahat-lahat na may kinalaman sa pagiging Diyos mo, iho. Magigising rin ang kapangyarihan na nagtataglay sa iyo. Pero hindi na magbabago ang nakasanayan mo na rito sa siglong ito."sabi niya habang isinasalin niya ang inumin sa isang mangkok.

Napalunok ulit ako. Naku-curious ako kung anong lasa nito.

Kinuha ko ang mangkok at inilapit sa bibig ko. Iinom ba talaga ako nito? Nakatingin lang sa akin si lolo nang inosente. Baka trip lang ito ni lolo, ha? Baka mamatay ako nang wala sa oras.

Jusko, bahala ka na Jisoos sa akin. Haha.

Sinimulan kong inumin ang inumin. Nilasahan ko ang bawat likido na dumadaloy sa dila ko papunta sa lalamunan ko.

Wow ha, kahit ilang dantaon na ito, masarap naman, lasang strawberry.

Pagkaubos ko ng inumin, biglang sumakit ang ulo ko. Napasapo ako, dahil parang may paparating na bagyo sa isip ko.

Hanggang sa...

Naaalala ko na ang lahat. Ang pulong namin noon, ang pagliligtas naming 13 sa mundong ito, ang responsibilidad namin, pati na rin ang pagkamatay namin, naaalala ko na.

"'Lo, tama nga kayo. Ako nga ang Diyos ng apat na elemento. Salamat dahil ipinaalala niyo sakin kung bakit ulit ako nabuhay rito. Hehe."

"Walang anuman, iho. 12 na lang ang kailangan kong hanapin."sabi niya.

"Ako na po ang maghahanap, 'lo. Tutal, ako naman po ang pinakanaunang nahanap niyo, siguro po eh oras na para ako ang kumumpleto sa aming tropa. Haha. Gusto ko pa naman po ang adventure. Hehe."

"Salamat ulit, iho. Dalhin mo itong inumin, para ipaalala sa kanila ang nakaraan nila."

Kailangan pa bang ipaalala ang nakaraan, kung ito ang nagdulot sakin ng sakit? Jowk. Nahugot lang si Pareng Coups.

"Sige po. Salamat po ulit! Aalis na po ako, para umuwi at kumuha ng iba ko pang gamit."sabi ko sabay lagay ng bote sa bag ko.

"Sige, iho. Mag-iingat ka."

Yun, umalis na ako at bumaba sa bundok.

Jusmeh. Tunay kayang may kapangyarihan ako? Ma-try pala.

Inisip ko na gusto kong maglabas ng apoy. Tapos ipinuwesto ko ang kamay ko sa may halaman, at ipinakawala ang apoy.

Umapoy kamay ko! Huhu! Yung bolang apoy na nabuo ko ay pumunta sa halaman. Yun, umapoy.

"Luhh??"hala! Paano na?!?

Kumawala ako ng tubig sa may umaapoy na halaman.

Jusko lolo. Ganito pala ang mangyayari sakin. Imortal na ako.

I tried to control the wind and the nature. Gumana naman. May powers na ang magilagid nyong kuya.

May bago na ulit akong adventure.

Find the 12 more Gods.

Uuwi muna ako para magpahinga sandali, at kinabukasan ay maglalakbay na ulit ako.

Magpapaalam na ulit ako kay bespren Jihoon.

Teka...

Diba si Jihoon ay may marka rin sa kaliwang kamay na tulad ng akin? Alam ko yun kasi matalik kaming magkaibigan.

Siguro, isa rin siya sa 13 Diyos.

Ipapainom ko sa kanya ang inumin, para patunayan na isa nga siya roon.

Pero bago muna yun, uuwi muna nga ako! Pagod na ako.

--------------------**

Thanks a lot and full credits to itscholine for my yeppudang book name! Siya kasi ang nag-isip nun dahil boplaks ako minsan. Haha.

Enjoyy!

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon