'Pag Ito'y Dumating

55 3 0
                                    


Ang pag-ibig talaga kung minsan nakakagulat. 

Dadating nalang ng 'di mo inaasahan at 'di mo maipaliwanag.

Pwedeng makasama mo sa jeep o dikaya'y makatabi mo nalang sa lamesa habang ika'y kumakain o kung ika'y nakatulala lang.

Pwede namang na-traffic lang o dikaya'y nandyan lang naman pala hindi mo lang namamalayan.

Pero isa lang ang dapat mong tandaan, ang pag-ibig dadating 'yan.

Pagdating niyan, sigurado, aabot ng langit ang iyong saya. 

Pero maari ka ring masaktan nang sobra-sobra.

Alinman sa dalawang 'yan, 'wag kang mag-alala at ihanda mo nalang ang iyong sarili kasi ang pag-ibig, darating at darating 'yan ng hindi mo nalalaman. 

At pag dumating 'yan, wala ka ng kawala.

Thoughts (Collection of Short Poetries)Where stories live. Discover now