Chap. 6

1.7K 106 7
                                    

Tuwing may nilalakad ako sa bangko o kung anong transaksyon ang ginagawa ko napapadaan talaga ako sa Parlor ni Oliver. Doon kasi ang madalas na tambayan ng kanyang mga pinsan at iba naming mga dating kaibigan at mga kakilala.

"Sista, mabuti dinalaw mo ako dito. Musta na ang byuti mo? Nakahanap kana ba ng fafa?" Agad na sinalubong sa akin ni Oliver.

"Wala pa. Pero etong darating na Fiesta sa San Isoldor sasama ako kina Kuya para makapag-hunting ng mga boylets doon. Malay mo, taga doon na ang magiging kapalaran ko." Sagot ko sa kanya at agad naupo sa isang upuan.

"Ah ha ha ha ha ha ganern? Hunter kana pala ngayon. Bagong career."  Sabay halakhak ni Oliver.

"Ay naku, gagawin ko na talaga ang lahat lahat. Ayaw kong matuyo ang kagandahan ko." Sinabayan ko rin ng maharot na halakhak.

"Char! Naku, desperada ang drama. Aminin, tigang kana talaga." Tuloy ang tawa ni Oliver.

Napaisip akong bigla..

"Oo nga ano.. halos dalawang dekada rin nanahimik buhay ko. Hindi kaya babalik ng pagkavirgin itong flower ko?"

"Ay ha ah aha ha ha..Gaga! syempre kikipot ang kaloob looban mo. After a long period of abstinence, it may take time to stretch the vaginal tissues, so that it can accomodate a penis." Nakangiti pa si oliver na pinagsabihan ako.

"Bakit alam mo ang bagay na 'yan?"

"Ha ha ha ha sayang ang pinagkaloob na mga mata sa akin; kung hindi ko gagamitin sa pagbabasa." Umirap pa sa akin si Oliver.

"Oli, Maghanap na lang kaya ako sa mga DATING SITE? " Agad kong naisip.

"Bruha, mas delikado 'yon. Hindi mo kilala ang taong makikilala mo. Maraming manggagantso sa mga DATING SITE." Sabi ni Oliver.

"Eh, hindi ako makakahanap ng boypren ."

"Ano ka ba naman Autumn, just wait and see. Tsaka, di ba LAST TICKET MO NA SA LOVE? Magpakasiguro kana. H'wag kanang maniwala sa mga PANGAKO."

Napanguso ako kay Oliver.

"Tandaan mo ito Autumn; pag ang lalaki nangakong ibibigay sa iyo ang mga BITUIN ibig sabihin n'yan mabubukolan ka lang. Kapag pinangakuan ka ng LANGIT aba'y tumakbo kana kasi sigurado LALAMAYAN KA. Imagine maliban sa pera mo sa bangko, ari-arian at malaking pera sa mga insurances mo..sinong lalaki ang di masisilaw n'yan? Wala nang TRUE LOVE. Merong TRAGIC LOVE STORY madami."

Napangiwi ako sa mga sinabi ni Oliver.

"Paano na?" Tanong ko.

"Aba'y kilatisin mo ng maigi ang mga lalaking manligaw sa 'yo. Mahirap na at baka maonse ka ulit."

Napatakip ako ng mukha matapos sinabi ni Oliver 'yon.

"Alam mo, ayaw ko ng maalala 'yon. Pero minsan, pumapasok parin sa isipan ko. Lalo na't may mga bagay bagay akong nakikita na makapag papaalala sa akin sa mga nangyari..gusto kong saktan s'ya..sampalin..hambalusin ng kahit anong bagay. Para maramdaman nya ang sakit nadinulot nya sa akin noon. Sa tingin mo magkikita pa kaya kami? Uuwi pa kaya sya dito?"

"Aba'y natural. Habang nakatirik ang bahay ng kanyang Lolo at Lola malapit sa bahay ninyo ;uuwi 'yon doon. Nakita mo namang meron ng Security Camera sa labas.Meron pang mga guardia na umiikot tuwing gabi. Alagang alaga ang bahay. 'Yon nga lang walang CHOLO na dumating upang tignan. Sa tingin ko takot rin sya sa 'yo at sa pamilya mo." Sabi ni Oliver sa akin.

Napasinghap ako.

"Kung sana natuloy ang pagbubuntis ko noon; di sana may dalaga o binatang anak ako ngayon." Mahina kong sinabi.

"H'wag kang mag-alala, malayo ka pa sa menopause magkakaanak ka parin. Imagine si Janet Jackson nga nabuntis sa edad na 50. Keribels mo 'yan, Girl." Muling natawa si oliver.

CHOLO'S POV

Here I go again. Aalis na naman ako para sa isang Business Trip sa Singapore. Maiiwan ko  na naman si Lou. My poor daughter, I know she needs me. But I have many things to do. Gusto kong ayusin muna ang lahat bago kami babalik ng Pilipinas. Ang tagal na napanahon na di sya nakauwi doon. Maging ako rin. Mabuti nalang at napag-usapan namin ng aking mga pinsan; na ako nalang ang hahawak ng kompanya namin sa Pilipinas.
I'm going to run our Paper Company in Assuncion. I hope my wife's family will come and visit my daughter, since Loula needs more support. Nagkaroon ng depresyon ang anak ko, dahil INIWAN NA SYA NG KANYANG BOYFRIEND/ BEST FRIEND. She was so in love with that guy since she was in Elementary.But  their relationship didn't last. Her boyfriend got into accident and died. She was there...she witnessed everything.
Pero hindi lang 'yon ang naging dahilan na halos ikabaliw nya. Sobrang sakit ang dinanas nya. Maging ako nagulat rin sa aming natuklasan na katotohanan sa likod ng lahat. Kaya gusto akong palayain ni Lou sa lahat ng sakit.

Sino nga ba ang sisihin ng lahat ng ito..kundi ang ASAWA ko.

----------------------------------------

LOU'S POV

Daddy is leaving me again. As usual, I'm with my  nanny. Yeah, until now meron parin akong yaya. She's my second mom/ lola. My nanny stays with me since then. We have a strong attachment to each other. Mas nauunawaan nya pa nga ako at inaalagaan ng husto kesa sa aking ina. My nanny said: she will stay with me as long as she's able to move. Because of that, pinaghandaan namin ni Daddy ang lahat. Balak nga namin ni Daddy na umuwi ng Pilipinas eh. Para naman makita ni Yaya ang kanyang pamilya. Sabi rin kasi ni Yaya, gusto nyang mamatay sa Bansang Sinilangan. Hindi sya nasilaw sa American Style.

Kung wala si Daddy..kung wala si Yaya hindi ko kakayanin ang ganitong sakit na nararamdaman ko.
Mabuti nalang nandyan silang dalawa. Matindi ang naging epekto ng mga pangyayari sa akin.

Gusto kong magalit kay Mommy. Pero hindi ko na magawa. Half of my brain hated her so much. The other half is confused. Tuwing nakikita ko si Daddy masasabi kong, nakakaawa ang ama ko. Bakit? Dahil minahal nya ako ng sobra. Hindi nya ako iniwan. Noon pa man marami akong katanungan na napapansin sa mga pinapakita nila ni Mommy sa isa't isa. Ako ang dahilan na ayaw nyang masira ang buhay ko. Pero talagang dumating yong panahon na dapat tumigil na ang lahat...
Yon yong panahon na halos di ko matanggap ang ginawa ni Mommy sa amin ni Daddy.. Tinago nya ( Mommy )ang lahat ng kasinungalingan nya. Siguro kagustohan narin ng Dios, para maputol ang pagsasama nila. At upang mamulat ako sa katotohanan. Upang matuklasan din ang isang bagay sa pagkatao ng boyfriend ko. Na mauuwi sana sa panibagong kamalian.

-----------------------------------

AN : Madlang Pipol medyo matatagalan ang next update. Alam kong bitin ang kwento. Babawi ako sa susunod. NGAYON, magmuni muni kayo sa mga posibleng pangyayari.

HINDI KO SIGURADO ANG HABA NG AABUTIN NG KWENTO. MATIRA ANG MATIBAY SA PAGBABASA NITO.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon