Chap. 8

1.8K 98 10
                                    

AUTUMN'S POV

Nandito na kami sa pyestahan. Nakadalawang bahay palang kami. Halos hindi ko na kakayanin pa ang kumain ng kumain. Busog na talaga ako. Pero itong mga kasama ko ang sisiba talaga. Ang titibay ng mga tiyan. Talagang nag-enjoy sila sa okasyon na'to.

Nakakaloka sina Mader at Pader, paano ako makakahanap ng magiging syota kung parati ba namang nakaupo magkabilaan sa tabi ko. Kung tatayo ako; tatayo si Pader. O kung hindi naman si Mader. Nagsasalit salitan lang sila. Heto pa, kung lalapit ako para kukuha ng pagkain aba'y convoy pa kaming tatlo. Ano ba naman itong mga magulang ko? Hindi yata nila naaalala na mataas na ang edad ko.  Ginagawa parin akong Neneng. Juscolored!

Gumala ang mga mata ko sa paligid. Anak ng tokwa! Ni isang matinong mukha wala akong natitipuhan. Mga mukhang goons ang mga lalaking nasa paligid ko. Wala na ba talagang iba?

Lihim akong napapasimangot dito. Wala man lang akong makitang mapagkainteresan na makilala. Waley na, ONLINE DATING na talaga ang lagpak ko nito. Naisipan kong umalis muna ng pansamantala, naglakad ako sa labas. Gusto kong lumanghap ng hangin. Sa di kalayuan napansin kong madaming mga taong nag-uumpukan.

Nagkainteres akong pumunta.

"Kung sino ang gustong sumali sa habulan ng biik, pumunta lamang dito at magpatala." Sabi ng isang lalaki sa microphone.

Napansin ko halos mga babae ang nagpatala sa mesang malapit sa announcer. Napataas pa nga ang kilay ko. Ewan ko at nainganyo akong lumapit.

"Excuse me, pwede bang sumali ang isang dayo lang?" Tanong ko.

"Aba'y pwede." Sagot sa akin ng announcer. Kaya kumuha ako ng shorts na binibigay nila at t-shirt. Pumunta ako sa isang kubo na kung saan nagbibihis din ang mga kababaihan.

"Oh my God, si Marlo Montesino sasali sa habulan ng biik. Shit! ayaw ko ng biik ang hahabulin ko kundi si Marlo na mismo." Sabay ng maharot na tawa ng babae.

"Kaya nga, mahawakan ko lang ang abs nya..sigurado hihimatayin na ako." At sabay tumawa ang dalawa.

Hindi ko nalang pinansin ang lalaking tinutukoy nila. Pero sa totoo lang bukang bibig ng mga babae ang pangalan na Marlo Montesino.

Pumunta kami sa maputik na kural. Malawak naman ang kural.Lahat kami ay pinapunta sa gitna. Pero napansin ko halos karamihan sa amin mga babae. 3 lang ang lalaki..pero mga bading.

"Nasaan si Marlo?" Bulongan na naman ng mga babae kong kasama.

"Sasali 'yon di ba?"

Bulongan ulit.

"Hoy, bruha matira ang matibay sa atin ha?" Sabi ng isang bakla.

"Bakla, tumabi nalang kayo. Hindi liligaya si Marlo sa inyo." Sagot ng isang babae.

"Bruha, bakit sa tingin mo papansinin ka nya? eh isa ka pang mukhang tilapia d'yan." Tinarayan agad ng bakla ang babae.

"Asus, bakit sa tingin mo maganda ka? Hoy, ayusin mo 'yang mga mata mo. Napagkakamalan kang kabayo na nakawala sa sariling hawla." Banat ng babae.

Hihirit sana ang bakla nang biglang naghiyawan ang mga babaeng kasama ko.

"Marlo!!"

Napalingon ako..Shit!!!!Napanganga ako..Hindi ko magawang itikum ang bunganga ko..

"S'ya pala si Marlo Montesino...ANG GWAFO!!!" Napabulong ako sa sarili ko.

Shit! hinagud ng mga mata ko ang lalaking pumasok sa loob ng kural. Adonis de Milo ang dating n'ya, ang ganda ng pangangatawan..ang sarap hawakan ng abs nya..so sexy pa! My gosh, parang model. Napahawak pa ako sa baklang katabi ko.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon