Chap. 9

1.7K 103 6
                                    

AN : May deperensya yata ang Watty ulit. Ayaw lumabas ng notification tuwing may update. Tapos ang hirap mag-save ng update or mag-edit. Laging Buffering ang lumalabas sa screen.

Para malaman ninyo kung may update sa mga inaabangan nyong kwento; Try ninyong magLog-out  tapos Sign-in ulit.
--------------------------------------

Sa States..

"Hi, Dad. What are you doing?" Lumapit si Lou sa kanyang ama nang makita nitong nakaupo ito sa may balkonahe ng bahay nila.

"Oh, I'm making my paper cranes and Hearts. Do you want to join me?"

"No, Dad. I don't believe in wishes.
Reality is better."

"Lou, I'm sorry. I understand what you feel. Everything happens for a reason."

Kunting katahimikan ang kasunod.

"Buhat nang ikinasal kami ng ina mo, gumagawa na ako ng origami. Tinuruan ako ng Lolo ko noon. Sabi nya natutupad ang mga hiling; kung makakagawa ka ng isang libo. All my wishes came true. Kasali ka sa mga hiling ko na 'yon." Sabay ng ngiti ni Cholo.

Napayakap si Lou sa kanyang ama.

"You're such a wonderful father..A good man..Mom chose you because she knew you're kind and a loving person. At Hindi mo ako iniwan sa kabila ng lahat."

"There's no reason for me to leave you. Mahal kita, anak. Tandaan mo yan." Hinawakan ni Cholo ang kamay ng anak at pinunasan ang luha ni Lou.

"Daddy, I'm sorry. I really don't know how to help you. Everything is so unfair."

"Shhhh...that's enough. Don't feel sorry for me. This is God's will. I cannot against with it. But I know one day this pain will end. Now, I want you to be strong. Just like me. Life must go on. Lou, this is only the beginning. May mas masakit; at may mas mahirap ang naghihintay sa buhay ng bawat tao. Hindi ko alam kung masasamahan pa kita sa mga sandaling 'yon. Kaya matuto kang lumaban..Just always remember DON'T GIVE UP."

Nakita ni Lou ang tiyaga ng ama na gumagawa ng mga origami cranes at hearts. Sinisilid nito sa isang plastic na botelya. Naging palaisipan kay Lou ang walang sawang paggawa ng ama ng mga origami. Parang isang panata na di dapat maputol. Tila merong malalim na kahulugan ang lahat.

----------------------------

Isang araw, habang nagnunuod ng pelikula ang mag-ama. Napapasulyap si Lou kay Cholo. Napansin naman ito ng kanyang ama.

"What's up Lou?" Agad na tanong ni Cholo sa anak.

"Dad, when are we going back to the Philippines?"

"You're so excited."

"Yup. I want to meet my other relatives there. I miss Lolo and Lola too."

Ngumiti lang si Cholo ngunit parang nag-aalanganin.

"Dad, bakit ba ni minsan hindi mo naikwento 'yong dating bahay na kinalakihan mo?"

Biglang napakunot ang noo ni Cholo.

"How did you know that?"

"Yaya, told me about the place."

Napalunok ng laway si Cholo.

"Ahmmm..I don't want you to go there. "

"I want to go there."

"No. Hanggang Assuncion ka lang. Nandoon 'yong pamilya ng Mommy mo."

"Wala naman sigurong masama kung pupunta tayo doon. At least, we could visit the old house."

Napahugot ng malalim na paghinga si Cholo. At napatingin sa anak.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon