Chap. 19

1.9K 108 11
                                    

Patuloy ang suntukang nangyayari sa kalye sa pagitan nina Cholo at Marlo. May ilang kapitbahay ang pumigil sa dalawa.

"Pigilan ninyo ng maigi ang lalaking 'yan! Isang manggagantso ang lalaking 'yan!" Dinuro duro ni Cholo si Marlo.

"Hoy, wala akong alam sa pinaparatang mo!" Ayaw paring umamin ng binata.

"Ulol! H'wag mo akong gaguhin. Patay na ang totoong MARLO MONTESIÑO. Gago ka! Niloko mo pa si Anna Travis. Kaya nasiraan ng ulo dahil tinakasan mo sya pagkatapos mong lokohin at kinunan ng pera. Tapos,ngayon si Uday ang pagdidiskartehan mo!" Pinagdiinan ni Cholo.

Nabigla naman ang mga tao kaya bago pa man nakakilos si Marlo ay pinigilan sya ng mga kalalakihan na nakapalibot sa kanila. Narinig lahat ni Autumn ang mga binitawang salita ni Cholo. Halos hindi sya makapaniwala sa narinig na paratang sa nobyo.

"Bitawan nyo ako! Gawa gawa lang ng biyudong 'yan ang mga sinabi nya. Uday!! h'wag kang makinig sa kanya!!" Sigaw ni Marlo habang nagpupumiglas.

"Hoy, Marlo..este James alam namin na Modus Operandi ang ginagawa mo. Mahiya ka naman!" Singit ni Abebet sa usapan.

"P***ng Bakla ka! Isa ka pang saksakang sinungaling!!" Bulyaw ni Marlo.

"Whatever! Hindi ka makakatakas sa kamay ng batas!!" Sagot ni Abebet.

Biglang dumating ang mga pulis. Agaw pansin ng lahat. Nang biglang..

"Um!"

Inapakan ng husto ni Marlo ang paa ng dalawang lalaking humahawak sa kanya. Sabay suntok sa sikmura sa isang pang lalaki. Kaya nakawala si Marlo. Mabilis tumakbo si Marlo. Hinabol ng mga tao. Pati mga pulis ay humabol din.

"Marlo!!"

Takot na takot si Autumn nang makitang tinutugis ang nobyo.

"Uday! H'wag kang manghinayang sa gagong 'yon!! Dios ko, gusto m o bang maging katulad ni Anna..yong babaeng sumabunot sa 'yo sa mall? Kinuha ang pera at tinakasan ni Marlo."

Hindi maunawaan ni Autumn kung bakit biglaan na naman umiba ang kapalaran nya sa kanyang LOVE LIFE. Napurnadang muli.Wala s'yang nagawa kundi ang mapaupo sa lupa at napaiyak ng husto.

Inakay ng dalawa si Autumn pauwi ng bahay.

AUTUMN'S POV

Ano bang nangyayari sa love life ko? Palpak na naman!! Akala ko Happy Ending talaga ang mangyayari sa akin. Masayang masaya ako kanina nang alukin ako ni Marlo ng kasal. Pero panandalian lang pala.

"Abebet, sabihin n'yo sa akin  kung ano talaga ang dahilan." Hindi parin ako nakuntento sa sinabi ni Abebet sa akin kanina. Kahit kumakalat na ang mascara sa aking mukha dahil sa tumutulong luha pinilit ko si Abebet na isalaysay ang lahat lahat.

"Kasi ganito 'yon.." Sinimulan ni Abebet ikwento ang pangyayari sa akin.

Halos hindi ako makapaniwala sa kanilang inilahad ng salaysay.

"Uday, alam naming masasaktan ka kung malalaman mo ang lahat. Pero eto ang totoo, kailangan mong tanggapin. Pasalamat ka at natuklasan natin agad bago ka tuluyang nabiktima ng lalaking 'yon." Sabi ni Oliver sa akin. Napayakap ako ng husto sa kanya.

"Bakit ba ang malas malas ko?" Umiyak talaga ako ng husto.

Hinagod ni Oliver ang likod ko.

"Ganun talaga Uday, minsan hindi mo inaasahan ang mga bagay. Pero kahit papano nailigtas mo ang 'yong sarili sa posibleng panloloko na gagawin ni Marlo sa 'yo." Ani ni Abebet.

Maya maya dumating si Cholo. Nakita kong may kasamang pulis.

"Oli, sumama kayo sa akin. Pupunta tayo sa presinto." Nakita  ko pa na may sugat ang noo ni Cholo. Mapula ang kanyang pisngi dala ng suntok na tumama sa kanya.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon