Chap. 15

1.6K 103 6
                                    

AN : MAIKSI LANG ITO..RUSH PA...



Araw ng Lingo napagpasyahan nina Lou at Cholo ang pumunta ng simbahan.

"Lou, salamat ha."

Napatingin si Lou sa ama.

"Bakit?"

"Sa mga kakulitan mo. Alam mo kahit matigas ang ulo mo namimiss ko 'yon. Napakaswerte ko at naging anak kita. Paano pa kaya kung wala ka? I can't imagine my life with full of emptiness."

"And I'm so lucky to have a father like you."

At niyakap ni Lou ng mahigpit ang ama.

Pumasok sila sa loob ng simbahan. Dumalo sila sa misa. Taimting nagdasal ang mag-ama. Matapos nun ay napagpasyahan nilang maglakad sa park na makikita malapit sa simbahan.

"Dad, madalas mo bang dinadala dito si Tita Autumn noon?"

"Mmmmm..hindi dito ang madalas naming pasyalan eh..sa Botanical Garden."

"Really? I wanna go there."

"Okay, let's go."

Masaya si Cholo na dinala ang anak sa dating pinapasyalan nila ni Autumn. Minsan pa naaalala n'ya ang nakaraan nila. May kunting kirot sa kanyang dibdib ngunit hindi na lamang nito pinapakita sa kanyang anak. Tahimik silang naglalakad. Natutuwa naman si Lou sa mga bulaklak sa paligid.

"Dad, you look so emotional." Biglang nasabi ni Lou.

Tumingin si Cholo sa anak nito.

"Bakit mo naman nasabi 'yon?"

"Because you're sad. And you're holding my hands so tight. Dad, your eyes are getting red." Turo ni Lou

Napatikum ng bibig si Cholo. Kinurap kurap pa nya ang kanyang mga mata.

"I think I shouldn't come here." Nasabi ni Cholo.

Nalungkot naman si Lou sa reaksyon ng ama.

"Dad, mabuti pa siguro kausapin ko sya. Kasi hindi mo kaya s'yang harapin. Siguro papayag s'yang kausapin ako."

"No, Lou. Thank you. I'll be the one to find the way." May lungkot sa boses ni Cholo.

Nagpatuloy silang naglakad. Nakita ni Cholo ang dating puno na madalas nilang upuan ni Autumn. Maging ang mga bulaklak ng gumamela ay nanduroon parin. Pumitas ng isang bulaklak si Cholo at inipit sa gilid ng tenga ni Lou.

"Madalas mo bang ginagawa ito sa kanya noon?"

Ngumiti si Cholo.

Naupo sila sa lilim ng puno.

"Dad, I was hurt when Carlson died. Akala ko noon s'ya ang soulmate ko. But you know what, in this life we cannot express our love to each other. But I made a promise that I will wait for him for another 1000 years. Where we could live together; express our deepest affection..Our Destiny drifted us apart but it doesn't mean we will stop. Kahit mapagod pa ang Dios sa kakulitan ko; I will ask him to redesign our fate over and over again. Hanggang ang mundo ay mundo."

"Anak, h'wag kang magsalita ng ganyan. Mas lalong malulungkot si Carlson kung mag-iisa ka hanggang sa pagtanda. I don't want you to become a spinster. Lou, I want you to build your own family. Live and be happy. Don't live behind the shadow of your old relationship. Mahihirapan si Carlson sa kabilang buhay dahil kinulong mo ang 'yong sarili sa kanya."

"But Dad I love him."

Umiling si Cholo.

"Lou, gusto kong magkaapo sa 'yo. "

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon