EPILOGUE

3.2K 166 37
                                    

CHOLO'S POV

Nandito ako ngayon sa dalampasigan. Naglalakad akong mag-isa. Sinasariwa ko ang mga ala-ala ng akong kabataan. Sa mga ala-ala na 'yon malinaw pa sa akin noong una kong makita si Uday.

Hindi ko na matandaan kung ilang taong gulang ako noon nang dumating dito sa Pilipinas, iniuwi ako ng mga magulang ko sa bahay ng Tiyuhin ko sa Assuncion. Pero nang tumagal ninais kong makasama sina Lolo't Lola. Kaya iniuwi ako sa Santa Catalina. Nakikita ko na ang grupo ng mga bata noon.. Agaw pansin sa akin ang isang batang madaldal. Basta't naalala ko s'ya ang unang bata na napansin ko na naglalaro sa tapat ng bahay namin. Sa unang tingin ko palang sa kanya bigla nalang napako ang atensyon ko sa kanya. Ako mismo ay nalito at nanibago sa sarili ko. Hindi na maalis alis ang tingin ko sa kanya. Lumapit pa nga si Lolo sa akin at tinanong ako kung gusto kong makipagkaibigan sa kanila..

""Cholo, do you want to talk to them?"

"Yes, Lolo."

Tinawag ni Lolo ang mga bata at pinakilala ako. Pero hindi ako interesadong malaman ang pangalan ng ibang bata..maliban kay..

"Ako si UDAY."

Sinabayan nya pa ng ngiti. Lalong bumibilis ang pintig ng puso ko nang mga sandaling 'yon. Hindi ko masabi sabi kay Lolo dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.

"Mga bata, pwede bang kausapin ninyo si Cholo? Gusto nyang makipagkaibigan sa inyo eh. Nalulungkot kasi s'ya." Paliwanag ni Lolo.

Nabubulong bulongan pa sila dahil nga matanda ako kesa sa kanila.

"Okay lang po, basta't h'wag syang mag-i-ENGLISH sa amin. Kasi dumudugo ang ilong namin." Sagot ni Uday.

"Marunong magTagalog si Cholo..Baluktot nga lang. Di bale, masasanay din sya sa inyo." Sabi pa ni Lolo sa kanila. At doon nagsimula ang lahat.

Nang umuwi ako ng bahay tinanong ako ni Lola kung sino sa kanila ang natatandaan ko ang pangalan..wala akong matandaan na ibang pangalan kundi tanging si..

"Uday.."

"She's cute, right?" Tanong ni Lola.

"Yeah.." Tango ako ng tango.

Araw-araw galing eskwelahan, nakaabang na agad ako sa harap ng gate. Hinihintay kong makita si Uday na mapapadaan sa tapat ng bahay. Palihim lamang ang lahat na paghanga ko sa kanya. Kasi nga mas matanda ako kay Uday.

Isinantabi ko ang lahat habang tumatakbo ang panahon; kasi nga inisip kong darating din ang sandaling LILIGAWAN KO SYA..AT HINDI KO IISIPIN KUNG BATA MAN SYA KESA SA AKIN. BINILANG KO NA ANG EDAD NYA SA EDAD KO. WALANG PROBLEMA.

Papansinin man nya o hindi; gusto ko lang maparating sa kanya na gustong gusto ko sya. Kaya ko nga kinaibigan noon ang mga kapatid nya para makadalaw man lang sa kanilang bahay. Kung sabagay KUYA CHOLO ang tawag ng lahat sa akin hindi na nila mapapansin.

Mula elementarya hanggang tumungtong sya ng High School, lihim kong sinusundan si Uday sa kanilang paaralan. Kahit sinu-sino na ang naging girlfriend ko, isinantabi ko ang seryosong relasyon kasi hinihintay ko talaga si Uday. Pasalamat nalang ako kina Lolo at Lola dahil tinutukso nila ako sa kanya. Pero gustong gusto ko naman. S'yempre, ayaw kong ipahalata sa dalawang matanda at baka sabihin pa nila kay Uday. 'Yon pa ang magiging dahilan na iwasan nya ako.

Noong sinagot nya ako, umapaw ang saya ko. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ako na ang nagmamay-ari kay AUTUMN ELIZALDE. At walang pwedeng aagaw sa kanya.

Pero talagang mahirap makipaglaro sa kapalaran namin..INAGAW AKO NI NERINE SA KANYA. NASAKTAN KO SYA NG LUBOS. PINAGDURUSAHAN KO ANG NAGAWA KONG PAGSISINUNGALING SA KANYA NOON. LALO PANG NADAGDAGAN ANG KASALANAN KO DAHIL NAWALA ANG MAGIGING ANAK SANA NAMIN. ALAM KONG MAHIHIRAPAN AKONG HUMINGI NG KAPATAWARAN SA KANYA.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon