Chap. 7

1.9K 110 26
                                    

AUTUMN'S POV

Ngayong araw na ito aalis kami papuntang San Isoldor. Halatang excited ang mga kasama ko na makarating sa pyestahan. Lalo na sina Mader at Pader. Mahigit isang oras lang naman ang biyahe namin papunta doon. Excited din ako makapunta dahil baka may makilala pa akong boylets doon. He he he he napapaisip rin naman ako sa sinabi ni Oliver sa akin. Dapat daw hwag ako padalus dalos sa pagtanggap ng mga lalaki. Dios ko, alam ko naman 'yon eh. Pero sana meron nang dumating sa akin. Para naman makalimutan ko na ng tuluyan yong nakaraan. Tama, wala na akong dapat pang ipangamba. Kung sakali mang hindi ako maging maligaya sa pag-aasawa ang importante magkaanak man lang. Hay, ang hirap palang humanap ng maging kapartner for life. At kung sakaling wala man akong magustohan doon; susubukan ko ang Online Dating.

CHOLO'S POV

Katatapos lang ng Business trip namin. Pabalik na ako ng States. Tinawagan ko narin ang Tiyuhin ko na maayos na ang mga new Business partner namin. Papasok na naman ng malaking pera sa Kompanya namin ang mga investors. Siguro naman wala nang masasabi ang Tiyuhin ko. Ang Paper Company lamang sa Assuncion ang tanging maliit na kompanya na pag-aari ng aking Tiyuhin. Kung sabagay, malaking pagsisikap ang ginawa ng Tiyuhin ko upang lumaki ang kompanya nya. Walang hilig kasi sa negosyo ang ama't ina ko. Pareho silang mga guro. Nasa dugo na nga namin ang pagiging guro dahil maging ang nakakatanda kong kapatid na lalaki ay isang professor sa isang Unibersidad. Ako naman, ay sadyang umiba ng linya sa buhay..ayaw kong maging guro kaya nang malaman ng tiyuhin ko na may potensyal ako sa negosyo, agad nya akong ipinasok sa kompanya nya. Hindi na daw kakayanin ng kanyang tatlong anak ang kaliwa't kanan na pagpapatakbo sa lumalaki nyang negosyo. Kaya 'yong ibang pinsan ko, at mga kamag-anak ay pumasok narin. Nagkaisa na ang lahat at pinagsama sama. Pangarap ng tiyuhin ko na maging Multinational Conglomerate ang kompanya ng aming pamilya.

Nakakapagod at nakakalula ang mabilis na paglipad. Bahagi ako doon pero sa oras na mag-isa ako masasabi kong " Gaano man katayog ang lipad na narating ko..Gaano man lumalakas ang halakhak ko. Sa sandaling sumapit ang gabi at mag-isa ako sa aking silid..Nararamdaman ko ang di mapapantayang lungkot. Gusto ko mang hilain pabalik ang panahon, hindi ko na magagawa pa. Si Lou, ang nagsilbing lakas ko sa araw-araw na pagsulong ng buhay ko.

Tuwing naaalala ko si Lou, hindi ko maiwasang balikan ang dahilan kung bakit ako umalis ng Santa Catalina..

FLASHBACK

Madalas akong abala noon sa opisina ko. Dati Supervisor pa lamang ako sa Production Company namin. Dahil nga maraming kakilalang negosyante ang tiyuhin ko, madalas n'ya akong sinasama sa mga lakaran. Nakilala ko ang ilang mga negosyante sa Santa Catalina at Assuncion. Isang gabi noon, dinala ako ng tiyuhin ko sa isang Birthday Party ng isa n'yang matalik na kaibigan.

Pinakilala ako ng Tiyuhin ko. Hindi ko naman akalaing makita ko ang dati kong crush noong nasa High School ako..si Nerine Santuaño.

Nerine and I were classmates during High School. She's pretty, sweet and funny. But some of my classmates hated her because of her provocative personality. Sa tingin ko nga katropa nya sina Paris Hilton; sa ganung edad inaabutan ng madaling araw sa mga club. Hindi ko rin matandaan kung bakit naging close din kami. We had same common friends. Inaamin ko crush ko si Nerine. Nakikipag unahan pa nga ako noong magpadala ng mga bulaklak sa kanya. Oh well, those were the days that I was so attracted with her like my other friends. Pero ayaw kong ipaalam sa kanya o sa kanino man dahil alam kong HINDI N'YA AKO PAPANSININ. Why? Because I was just an average guy. Hanggang pakikipag kaibigan lang talaga ang status namin sa isa't isa.

Marami na akong nababalitaan sa kanya noon. Sakit daw si Nerine sa ulo ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Her father is a Business Tycoon and her mother is Socialite. May sariling kompanya na pinatakbo ang kanyang ina. They had no time for their children. Lumaki si Nerine na arogante at matigas ang ulo. Pinabayaan na lang nila si Nerine, they believed that Nerine would change her life later on. But they were wrong.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon