Chap. 22

1.9K 113 16
                                    

AN : SUPER HABA PO NG CHAPTER NA ITO..YONG VOTES HWAG KALIMUTAN!!

-------------♡♡♡♡♡------------

Nagmadaling inasikaso ni Hendrix ang muling pagbalik nya sa Amerika.

"Wala akong pakialam kung si Cholo ang tinuturing na ama ng anak ko. Akin ang anak ko. Kukunin ko ang anak ko sa kanila kahit sa anong paraan." Tumatakbo sa isipan ni Hendrix. Kahit wala pa syang kasiguraduhan.

FAST FORWARD

Nang dumating si Hendrix nagulat naman ang mag-ina sa muling pagbalik nito.

"Why are you here? Pwede ba h'wag kana lang tumuloy dito. Ang daming hotels dyan." Sabi ni Carlson.

"Shut up." Sagot ni Hendrix.

"Hendrix bakit bumalik ka kaagad? Hindi pa naman aalis si Carlson papuntang New York."

"So what? Bahay ko itong tinitirhan ninyo. Kaya hwag nyo akong pagbawalan. At ikaw Carlson, dahan dahan ka sa pananalita mo sa akin." Dinuro ni Hendrix ang binata.

"H'wag kang mag-alala hindi ko sasayangin ang pinagtustos mo sa akin. Babayaran din kita balang araw." Maangas na sagot ni Carlson.

Ilang oras ang dumaan kumain ng panghapunan sina Hanna..tahimik si Hendrix at Carlson. Hindi nag-iimikan.

"Hendrix, kakilala mo pala si Mrs. Nerine  Vien."

Napahinto sa pagkain si Hendrix.

Pinakita ni Hanna ang larawan nilang dalawa ni Nerine.

"Yeah..paano mo sya nakilala?"

Kinabahan ng bahagya si Hendrix.

"Because she's the mother of my Girlfriend." Sagot ni Carlson.

"What?!"tumaas ang boses ni Hendrix.

Nabitawan ni Hendrix ang kutsara at tinidor.

Napatigil sa pagkain ang dalawa dahil sa naging reaksyon ni Hendrix.

"Bakit ganun ang reaksyon mo? Binasted ka ba ng ina ni Nerine?" Pangiti ngiti pa si Carlson. Kakaibang reaksyon ang makikita sa mukha ni Hendrix.

"Carlson, I think you'd better stop before you break her heart." Mahinang boses ni Hendrix.

"No way."Maiksing sagot ng binata.

Tulad ni Nerine hindi magawang sagutin ni Hendrix ang binata tumayo ito at..

"Nawala ang gutom ko. Excuse me." Umalis si Hendrix.

Nagkatitigan ang mag-ina. Nasa labas lamang ng bahay si Hendrix at malalim ang iniisip. Lumabas si Hanna.

"Hendrix ano bang problema mo kanina? Naitriga tuloy si Carlson sa 'yo."

"Ate, kausapin mo ng maigi si Carlson. Tigilan nya ang pakikipagrelasyon sa anak ni Nerine."

"Hindi  pwede."

"At bakit?"

"Hindi ganun kadali na ipaghiwalay sila. They are so much in love. Hayaan natin ang panahon ang kusang madesisyon kung talagang hindi sila pwedeng ipagsama."

"No. I can't wait for that."

"Ano bang nangyayari sa 'yo Hendrix?!" Bulyaw ni Hanna.

"Ibigay mo sa akin ang address ng bahay ni Nerine. Kakausapin ko sya."

"Ano ba talaga ang problema Hendrix?!"

Hindi magawang sabihin ni Hendrix ang totoong nasa isip.

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon