Chap. 11

1.6K 104 9
                                    

Dalawang buwan ang lumipas..

AUTUMN'S POV

Magmula noong kaarawan ko napapadalas na ang pagdalaw ni Marlo dito sa bahay namin. Sa totoo lang gusto ko s'yang pagtaguan eh. Ewan ko ba, hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, kaso nga lang nag-aalanganin ako sa kanya. Siguro dahil narin sa naranasan ko noon. Naging malaking mitsa sa buhay ko ang pangyayaring 'yon. At hanggang ngayon naging dahilan pa na parang aatras ako. Sabi pa nga nina Mader pansinin ko naman si Marlo at pakisamahan.

"Ehem, Uday halika pumunta tayo sa syudad ng Guatavala. Balita ko may bagong Mall na itinayo doon." Niyaya ako ni Marlo.

"Ha? Ah eh..malayo 'yon. Tsaka ayaw kong pumunta doon." Sagot ko sa kanya.

"Ayaw mo ba sa akin?"

"Hindi naman sa ganun. Totoo namang malayo 'yong lugar."

"Alam mo Uday, alam ko namang iniiwasan mo lang talaga ako eh. Pasensya kana, kung nakukulitan ka sa akin. Ganito talaga ako, sinusubukan ko ang lahat kahit alam kong malabo ang kinalalabasan."

Mahinang boses ni Marlo.

"Magkaibigan na lang muna tayo Marlo. Kasi sa totoo lang, nabibigla kasi ako sa mga pinapakita mo eh. Hayaan na muna nating kilalanin ang sarili sa isa't isa bilang kaibigan muna. Siguro kung maayos talaga.. e di sige." Napalunok pa ako ng laway ko.

"Uday, baka naman aabutin pa tayo ng sampung taon bago maging tayo."

"Nagmamadali ka talaga ano?" Tanong ko.

"Ahmm, natural. Iniisip ko kasi ang edad natin."

"Marlo, kung talagang maging tayo..kahit lumiko at maging malubak ang lahat sa ating dalawa..magiging tayo sa bandang huli. Pero kung sadyang hindi..wala tayong magagawa kundi ang maghanap ng iba. Ako hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling wala. Pero ikaw, kung may pagkakataong may makilala kang mas higit sa akin; o di kaya yong tipong hindi mo na kailangang maghintay..aba'y Go kana!"

Napayuko si Marlo sa sinabi ko.

"Ayaw ko kasing umasa ka. Hayaan mong magbago ang lahat ng kusa. Kung napapagod ka at di ka makapaghintay..Iwasan mo nang makipagkita sa akin." Tuloy na pinaunawa ko sa kanya.

Pero umiling s'ya.

"Uday, walang matigas na pandesal sa mainit na kape."

"Pak na pak! FPJ ang linya mo." Bigla kong nasabi sabay tawa. Takte naman! Umaarangkada si Marlo sa pahugot lines.

"Seryoso ako. Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo. Kung gusto mo ipakilala kita sa mga magulang ko." Agad na sinabi ni Marlo.

"Hoy, h'wag kang ganyan. FriendZone muna tayo. H'wag mo akong biglain ng ganyan." Kinabahan agad ako. My ghaaad! Ayaw ko ng ganitong style -- PANGATAL.

Napahugot pa sya ng malalim na paghinga.

"I'm not joking. I know you can heal the wounds of my past. Please Uday, be my girlfriend. I will take care of you; I will never hurt you. And I will love you 'til we grow old."

Touch naman ako. Mukhang seryoso na s'ya. Waaaaaa..kinabahan na ako ng bongga!

DUB DUB DUB DUB

Hinawakan nya ang balikat ko. Dahan dahan s'yang yumuko..napasalubong agad ang mga kilay ko.

Anong ibig sabihin nito.. SMACK agad sa nguso ang punterya n'ya? Ganern. Pero mabilis ang kamay ko..hinarangan ng palad ko ang nguso n'yang parang jet na bubulusok sa aking labi..charot!

PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon