Snow~♥

138 0 0
                                    

          

4 am

May naririnig akong ingay sa banyo.. Mukhang may naliligo... Feeling ko si mama...

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan yung iPhone kung may message si Kagi sa Skype...

4:02

Monday, January 04, 2016

Ay. Walang message si Kagi...

Nag unat naman ako at saka bumangon. Inayos ko din ang kama ko saka ako bumaba papuntang kusina. Nag timpla na ako para iinumin ko..Masama parin pakiramdam ko, hanggang ngayon wala parin akong gana kumain, kahit anong nakikita ko parang ako masusuka, kahit kaunting kain lang ayoko na. Mas gusto ko ng Tea kaysa sa iba. Pero kumain parin ako ng kapirasong biscuit hindi lang ako nag Tea, Tubig lang ininum ko. Makalipas ng ilang minuto, nakatapos na din si mama sa paliligo. At dahil diyan, ako naman ang sunod..

May sakit kasi ang mama ko. 2 times a week siya na punta sa hospital. Dialysis ang tawag sa sakit ng mama ko. First shift si Mama. Gusto niya ng maaga ayaw niyang ng Second Shift. Kasi aabutan ng gabi at ayaw niyang gagabihan sa pag uwi. Tuwing walang pasok, lagi ko siyang sinasamahan. Mapa Holiday, o walang pasok dahil may bagyo, at bakasyon.

Matapos ko maligo at mag bihis saka mag ayos sa sarili, hindi mawawala sa akin yung cellphone at tablet ko. Yung tablet ko kasi ay mga music. Lalo na J-Rock tulad ng One Ok Rock, My First Story, Pay Money To My Pain, at iba pang mga kanta. Lagi akong naka headset.

Nasa labas kami nag aantay ng jeep papuntang hospital. Sumakay na kami nang may jeep na dumaan papuntang hospital. 20-30 minutes lang ang sakay namin. Bago mag 6 am nag bubukas na ang Hemodialysis sa hospital. Kaya pag dating namin sa hospital. Minsan umaabot kami sa number 9. Minsan 12. 4 hours ang pag di-dialysis bawat ng mga pasyente nanduon. Dito sa Hemodialysis, kaibigan ko dito ang mga nurse, pati ung mga nag babantay ng mga sinasamahan nila na dina-dialysis.

Ang ginagawa ko ay bumibili ng pagkain sa labas, binabantayan si Mama. Habang natutulog siya, nakikinig parin ako ng mga music. Ginagamit ko din ang cellphone ni mama para makausap friends ko. Walang signal yung Globe eh, sa Smart meron. Minsan ang ginagawa ko natutulog. Tuwing malapit na matatapos si mama at 10 minutes nalang natitira, nag babayad na ako sa cashier. Pagkakatapos ni Mama sa Dialysis, Nag pa check up muna ako bago umuwi ,. Minsan, napunta kami sa Ayala Mall para kumain ng Arozcaldo o kaya gumala gala ng kaunti.

Pagkadating namin sa bahay, nag pahinga muna ako.. Nag Fa-facebook ulit ako, looking for quotes, sine-save ko. Hindi ko alam kung paano ko makakausap si Kagi. Nahihiya ako.. Hindi ko alam na nalasing pala ako. Pero sinubukan ko parin siyang kausapin...

3:00 pm

Kuminchan:Eat your breakfast and I hope you're in a good day~

Kagi:  Don't worry, I'll be fine... And you too~

Kuminchan:Are you okay right now? I'm worried about you.

Kagi:  Yeah, I'm fine now, just really cold due to the amount of snow outside.

How about you? Are you okay?

Snow... Pinakagusto kong season sa lahat. Gusto ko makita yung snow sa kanyang lugar.

Kuminchan:I want to see snow. I'm good I think?

Kagi:  When I'll walk home, I can send you a picture.

Kuminchan: Ah. I want hug you again.

Kagi:  I've got nothing against that~

Kuminchan: Is it okay?

Be With Me And I'll Be Fine (Published & Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon