KABANATA 5

2K 15 1
                                    

Pagdating ng bahay ay hindi ko inaasahang maabutan ko si Mama sa sala habang pinagsisilbihan ni Ate Agnes ng kape. Hindi ko siya binati at dederetso na sana ng kwarto nang bigla siyang magsalita.

"Oh, dumating ka na pala."

"Obviously, yes." Walang galang kong sagot.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Pagtataray niya.

"Sa anong paraan mo gustong batiin?" Sarkastiko kong tanong.

Tahimik namang bumalik si Ate Agnes sa kusina.

"Akala ko ba hanggang 5pm lang ang klase mo. San ka galing?" Tanong niya pa.

"And now you care?" Kunwari gulat kong tanong.

"Of course! I am your mother!"

"Iparamdam mo kasi. Nagkakalimutan eh." Sabi ko at walang ano-ano'y umakyat na papuntang kwarto at padabog na isinara ang pinto. Bastos na kung bastos. Wala na akong pakialam sa kanya. Tutal naman matagal na rin siyang walang pakialam sakin. Kwits lang.

Ayoko nang magkwento kung bakit kami humantong sa ganito ni Mama. Mayayamot lang ako.

Pagkatapos kong mag half bath kay nagpahatid ako kay Ate Agnes ng gatas. Kung si Nanay kasi, for sure pagsasabihan na naman ako nun tungkol kay Mama.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong sagot sagutin siya ng ganun. Nagsimula lang naman akong maging ganito nung mawalan siya ng oras sa'kin. Bakit yung ibang parents kahit anong busy nila, they always make time to bond with their kids? Kahit naman nasa legal age na ako kailangan ko parin ng kalinga ng magulang. Nung nawala ang Papa, parang nawalan na rin ako ng Mama.

At dahil I have no more time for any drama, mabilis ko ng inubos ang gatas at natulog.

         -   K I N A B U K A S A N  -

Pagkababa ko ay naabutan ko si Nanay na naghahanda ng pagkain.

"O, gising ka na pala. Halika na't kumain."

Mabilis naman akong umupo't nagsimulang pagsilbihan ang sarili.

"Maagang umalis ang Mama mo. May maaga daw silang meeting ngayon." Dagdag niya.

"Nasan po sina Ate Agnes at Kuya Jun? Sabayan nyo na po akong kumain." Sabi ko para maiba ang usapan. Alam ko na kasi kung saan to papunta.

"Hindi mo na sana siya sinagot ng ganun. Minsan na nga lang kayong magkita." Hindi niya pamamansin sa sinabi ko.

"Nay, please. Hwag ho ngayon." Pakiusap ko. Pakiramdam ko kasi walang makakaintindi sa'kin pag si Mama na ang usapan at ang pagiging ina niya sa'kin.

Hindi na muling nagsalita pa si Nanay. Mabilis ko namang inubos ang pagkain at nagpahatid na papuntang school.

SCHOOL

"May dalaw ka ba ha?" Tanong ni Lance sa'kin. Kasalukuyan kaming nasa canteen dahil breaktime.

"Wala, bakit?" Tanong ko din habang nilalaro ang straw nung coke ko.

"Nararamdaman ko na naman kasi yung dark aura mo eh." Kunwari natatakot niyang sabi.

"Naiinis ako kay Mama. Naabutan ko siya kahapon." Honest kong sagot. Alam niya naman yung mga hinanakit ko sa nanay ko eh. Kasi nga open na kami sa isa't-isa.

"Na naman? Alam mo kas-"

"Manahimik ka. Wala ako sa mood para makinig sa words of wisdom mo." I cut him off bago pa siya may masabing iba. Tss.

"Okay!" Pagsuko niya. Nakataas pa ang dalawang kamay. "Ano kayang pwede kong gawin para mawala ang inis ng maganda kong girl friend?" Nakangiti niyang tanong habang hinihimas ang baba.

Napako naman ako sa kinauupuan. Lihim naman akong kinilig kahit hindi pa kumpirmado kung tama ba ang dinig ko.

"Girlfriend?" Taka kong tanong.

"Babaeng kaibigan, ganun!" Inosente naman niyang sagot.

Siya paasa, ako naman assuming. Tss! Perfect match. Isn't it?

"Libre mo kong kwek-kwek mamaya, tatlo!" Inis kong sabi. "With buko juice ah! Yung malaki!" Dagdag ko pa.

Natawa naman siya. "Sure! Basta ikaw. Wait, bili lang akong candy." Sabi at pumunta na sa pila.

Hanggang ngayon hindi ko parin maamin sa kanyang may gusto ako sa kanya. Baka kasi magalit siya at iwasan ako. Masaya ako sa kung ano mang meron kami ngayon at ayokong mawala yun.

Pinagmasdan ko siya habang bumibili. Nakangiti siya habang inaabot ang bayad niya sa tindera. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. Napangiti ako. Wala naman kasi siyang nababanggit na may gusto siyang babae o nililigawan. Di rin naman siya bakla.

"You look good today." Puri ko sa kanya nang makabalik na siya sa table namin.

"Ngayon lang?" Parang disappointed niyang tanong.

"Actually everyday, pero iba yung glow mo ngayon. Blooming ka, for short." Sabi ko. Iba kasi talaga yung aura niya ngayon. Kung akin black, sa kanya naman pink. Hehe.

"Lakas naman makabakla 'nun." Nagbabakla-baklaan niyang sabi. Pareho naman kaming natawa.

"Pero seryoso Lancelot, kwento naman diyan!" Siniko ko pa siya.

"Malalaman mo rin anytime, soon." Nakangiti niyang sabi.

Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

"Nga pala, bukas walang pasok. Labas tayo." Sabi niya. Natawa naman ako dahil dun. Ewan!

"Sure." Sagot ko nalang. Sa isip koy magdi-date kami.

"I want you to meet my brother." Seryosong sabi niya. Ayan na naman.

"Bakit ba gusto mong magkakilala kami? Like duh? Alam mo namang pili lang ang mga taong pinakikisamahan ko ng maayos diba? Saka tunog palang ng pangalan ng kapatid mo, sigurado na akong hindi kami magkakasundo nun." Litanya ko. Hindi ko parin kasi makalimutan na sinabi niyang bagay kami.

Kung alam lang niya kung sino talaga ang gusto ko.

"Andami mo talagang alam eh, noh?" Aniya.

"Matalino eh." Sabay din naming sabi. Pero syempre may tunog ng kayabangan  yung akin.

"Hwag ka ng maraming arte. Ipapakilala ka lang naman." Balik na naman siya sa pagiging serious.

"Bahala ka." Sagot ko nalang.

Sa totoo lang kahit di ko naman tinanong, sinabi niya sa'king galing Canada yung kapatid niya. They both grew up there but when he turned 17, their parents sent him here in the Philippines para dito na magpatuloy sa kolehiyo. Magaling na siya magtagalog kasi pag sa bahay lang daw sila, nagtatagalog lang sila.

Naiwan naman sa Canada ang rest of the family. May bahay sila doon kaya parito't paroon lang ang parents nila. Andito daw ngayon ang kapatid niya para magbakasyon.

Bigla ko namang naalala na finals na pala next week. Nako naman!

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ni Lance sa kanya-kanya naming room. After an hour I decided to go home. May biglaang meeting kasi lahat ng teachers kaya wala ng klase.

Early dismissal baby!

Pagdating sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay nag logged in muna ako sa facebook ko saglit. Tingin tingin lang kung anong latest.

After a few more minutes, nagstretching pa muna ako bago isa isang binabasa ang lahat ng nakasulat sa notes ko.

Nagpatimpla naman ako ng kape kay Nanay dahil siguradong mapupuyat ako sa kakareview.

That Should Be Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon