KABANATA 40

1.3K 8 1
                                    

Lance was problematic, I know. It was written all over his face. Nagpatimpla ako kay Nanay ng kape para sa magkapatid. Magkakaharap kami ngayon sa sala ng bahay.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ko at tumango siya.

"Ano ba kasi ang nangyari, Kuya?" Tanong naman ni Louis.

'Yun din ang gusto kong malaman. I know this was a big thing dahil hindi naman sila aabot sa ganito kung maliit na bagay lang ang pinag-awayan nila.

Pero hindi siya sumagot.

"Sige, kung ayaw mong sabihin... hindi ka namin pipilitin." I told him.

"Paano ka namin matutulungan kung ayaw mong ipaalam sa'min ang nangyari?" Medyo nag-angat na ng boses si Louis kaya sinuway ko siya. "May kinalaman ba 'to doon sa nangyari sa'yo nung isang araw?"

I looked at Lance at naaalala ang nangyari.

"Nalaman ba ni Camille?"

We heard him sigh. "Iyong lalaking sumuntok sa'kin, that was Camille's father." Panimula niya at nagkatinginan kami ni Louis. "Hiwalay na sila ni Tita Vicky pero pareho lang silang ayaw sa'kin para sa anak nila."

Napaawang iyong labi ko.

"Are you sure? Bakit mabuti naman 'yung trato ni Tita sa'yo?" I asked.

"Lagi naman siyang ganun sa tuwing may ibang nakatingin. Lalo na kapag nandiyan si Camille. She'll act like she liked me for her daughter.. Na suportado niya ang relasyon namin. But truth was, no. Kasi kapag kami lang dalawa, lagi niyang sinasabi sa'kin na hindi siya boto sa'kin para sa anak niya. Dahil hindi kami bagay. Camille was famous. She has her own name in the industry she chooses to belong. May narating na ito. Habang ako, heto.. Still studying. Still proving something."

"Lance.." I uttered.

Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya.

"Noon pa man ay may gusto na silang ipakasal para kay Camille. Anak ito ng isa nilang matalik na kaibigan. Their friend has a lot of connections that can help her father's business. Maimpluwensyang tao. Siguro nga hindi sila magkasundo bilang mag-asawa but when it comes to Camille's future, alam nila kung ano ang kailangan nilang gawin." He wiped again his tears. "Pinagbantaan ako ng Daddy ni Camille. Sabi niya may mangyayari sa'king masama kapag hindi ko nilayuan ang anak niya. Hindi ako sumunod, syempre. Kaya niya ako sinuntok nung makita niyo ako."

"Pero paanong nakipaghiwalay si Camille?" Nag-aalalang tanong ko.

I saw how his jaw clenched and he balled his fist. "Kanina habang sinusundo ko siya after nung rehearsals namin, may babaeng buntis ang biglang lumapit sa'kin. Sabi niya kailangan ko daw siyang panagutan. Nabuntis ko daw siya."

My eyes widened.

"Kuya--"

"Which is not true." He cut him off. "I even don't know her or the hell did she came from! Camille was the only girl I dated. Alam niyo 'yan. Lalo na ikaw, Chienna." He pointed out and I just looked at him. "Hindi din ako pumapasok sa mga club at bar. Kaya alam kong ang tatay niya ang may pakana nito. I know he paid that girl to act in front of us. Ang galing niyang um-arte. She even cried in front of us like what she was saying was all true. Buti na nga lang nakapagpigil pa ako eh dahil kung hindi, baka kung ano pa ang nagawa ko sa kanya." Galit na sabi niya.

"At malamang sa presinto din ang bagsak mo." I sarcastically said.

Tiningnan niya ako. "Kilala niyo naman ako diba? Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira naming dalawa. Hindi ako ang ama ng batang dala niya." Frustrated na sabi niya kaya tumabi ako sa kanya at hinagod ang likod niya.

That Should Be Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon