KABANATA 42

1.3K 11 0
                                    

"Dahan dahan lang sa pagmamaneho, ha?" Muling paalala ni Nanay kay Mama.

Tumango naman si Mama saka ngumiti. Niyakap naman ako ni Nanay ng mahigpit.

"Susunod din ako sa next week. Pakabait habang wala ako ha?" Baling naman niya sa'kin.

"Si Nanay naman, mabait kaya ako lagi." Biro ko at tumawa lang siya.

"Sige, sabi mo eh. Oh, wala na ba kayong nakalimutan?" Muli ay tanong niya. Umiling naman si Mama.

"Wala na. Tsaka nai-check na din ang sasakyan. Wala namang problema." Sabi ni Mama at inihatid na nila kami sa kotse. Nakita ko namang lumabas ng bahay si Ekay at magmadaling lumapit sa'kin saka may inabot na malaking plastic.

"Nakalimutan mo 'yung mais na bigay ko." Nakangiting aniya.

"Hala, oo nga pala. Salamat ah. Lulutuin ko 'to tsaka ipapatikim sa friends ko." Sabi ko.

"Sorry nga pala kahapon ah."

"Ayos lang." Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Hindi mo naman alam na matatakutin ako." Sabi ko kaya natawa kami.

"Oh sige na, sumakay na kayo't malayo pa ang biyahe niyo. Baka abutin kayo ng dilim sa daan." Sabi ni Nanay at sumakay na kami ni Mama sa kotse. Muli pa kaming kumaway sa kanila at nagpasalamat naman sila sa'min. Nag flying kiss pa ako kay Nanay at Ekay bago tuluyang isinara ni Mama ang bintana. Bumusina pa siya bago kami tuluyang umalis.

Kami lang ni Mama ang babalik ng Manila. Hinayaan niya na muna kasing manatili si Nanay sa pamilya niya. Aasikasuhin din daw kasi nila ang mga naiwan ng anak niya. All through out the ride ay gising ako. Nag-uusap din kasi kami ni Mama para huwag siyang antukin. Nag-enjoy naman akong panuorin ang view ng bawat lugar na madaanan namin. Pagdating ng bahay ay nagpaalam agad ako kay Mama na magpapahinga muna. Agad naman kaming sinalubong ni Ate Agnes at kinuha ang mga gulay na padala ni Nanay.

Kinabukasan ay nagsimba kami ni Mama. Pagkatapos ay pinuntahan namin 'yung lugar na paborito naming puntahan nung nabubuhay pa si Papa. We had a long day kaya naman nakalimutan kong e-text sina Jona.

Dumating ang Lunes at maaga akong pumasok. At dahil nga super aga ko, ako pa mag-isa sa room at dahil naalala ko na naman 'yung sinabi ni Ekay, mabilis akong tumayo at lumabas. Naisipan ko namang pumunta muna sa cafe sa labas ng school at um-order ng milk shake. Tumambay muna ako saglit at tiningnan ang pictures na kuha ko nung nasa probinsya kami. Bigla ko tuloy na-miss si Ekay nung makita ko ang picture namin nung nanguha kami ng mais at nung pumunta kami sa sapa.

Nang malapit na mag time ay bumalik na ako. Marami ng studyante ang nagkalat sa main ground at sa hallway. Pagdating sa room ay nandoon na lahat--even Jona. I smiled at her pero inirapan niya lang ako--which was expected ko na kasi nga hindi ko pa nasasabi kung bakit missing in action ako bigla last week. Siya pa naman 'yung taong gusto updated sa lahat. Hindi ko na siya nakausap pa dahil biglang dumating na 'yung prof tsaka nag discuss agad. Dahil ginanahan siyang magturo, naabutan pa siya nung sunod naming lecturer. Humingi naman siya ng paumanhin dito. Mabilis naman niyang sinimulan ang klase kasi late ng lumabas ang nasundan niyang prof. Hindi ko ulit nakausap si Jona dahil nagkaroon kami ng group activity at hindi kami magkagrupo. Naging busy naman kami sa tasks namin.

Nang makalabas na ang lecturer namin ay agad akong bumalik sa upuan ko at kinalabit si Jona--pero ayaw niya akong pansinin. Dinidedma niya lang ako sa tuwing kinakausap o kinakalabit ko siya.

"Ano ba Jona? Hindi mo na agad ako papansinin? Hindi mo pa nga naririnig 'yung paliwanag ko." Sumbat ko sa kanya. Nakakainis na kasi ang kaartehan niya.

Tiningnan niya ako saka inirapan ulit.

"Namatayan si Nanay. Kailangan namin siyang samahan kaya biglaan din ang pag-alis namin." Paliwanag ko. Kahit naman hindi niya ako pinapansin ay alam kong nakikinig siya sa'kin.

That Should Be Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon