"Kumusta ka na?" Nag-aalalang tanong ni Jona. Nakaupo ako sa kama habang binabalatan niya ang orange para sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Louis.
"Not even feeling better." I told her. Hindi ko alam pero hindi parin nawawala ang sakit ng katawan ko. It's as if I've been into a war. I'm taking my medicines naman and I've been in bed all day--taking a lot of rest just like what the doctor had instructed me pero parang walang epekto. Feeling ko nga mas lumalala lang yung sakit ko eh.
"Hindi lang 'yan over-fatigue girl." Sabi niya saka inabot sa'kin ang orange na tapos na niyang balatan. Inabot ko naman ito.
"Eh ano?" Tanong ko.
"Over, over-fatigue!" She said that made me throw her a bean of the orange.
"Kadiri ka naman!" Reklamo niya saka maarteng pinagpagan ang sarili.
"Puro ka kasi kalokohan eh." I lazily said then continued eating.
She made a face. "Eh paano ba naman kasi? Deads na deads sa bestfriend niyang may girlfriend na! Malamang sa malamang ate girl, you spent nights without sleeping. Tapos kakain ka lang kapag kulang na lang eh subuan ka. Like hello? Gumagana pa ba 'yang utak mo?"
I sighed while looking at her.
"Then look at you. Have you seen yourself in the mirror? Kasi kung hindi, may dala ako dito. Pwede kitang pahiramin kung gusto mo. Na-meet ko na din ang Mama mo kanina sa school, at naku! Mas matanda ka pang tingnan kaysa sa kanya eh."
I arched a brow. Hindi ko alam kung sinesermonan niya ako o nilalait eh.
Hindi ko siya sinagot at itinuon ang atensyon sa kinakain nang bigla siyang kumanta.
"Pa'no na kaya, di sinasadya. Di kayang magtapat ang puso ko.. Bakit sa dinami rami ng kaibigan ko.. Ikaw pa? Pa'no na kaya, di sinasadya. Ba't nahihiya ang puso ko? Hirap ng umibig sa isang kaibigang di masabi ang nararamdaman.. Pa'no na kaya.."
She laughed after singing. Binato ko naman siya nung balat ng orange.
"Sinisira mo 'yung kanta eh." Sabi ko saka niya ako inirapan.
"Pero in all fairness ha!" Nilapit niya yung upuan niya sa'kin. "Kahit mukha kang manang na ilang buwang hindi nadidiligan eh may nagkakagusto parin sa'yo!" Sabi niya saka hinampas ako sa balikat.
"Aray!"
"Ay sorry.. Sorry.."
I just rolled my eyes. Ang brutal talaga ng babaeng 'to.
"Pero seriously Chi, anong naramdaman mo kanina?" She managed to asked. Tutok na tutok talaga siya sa'kin. Natawa naman ako sa itsura niya.
"Saan?"
"Doon sa narinig mo kanina."
"Wala naman."
"Anong wala?" Kunot noo niyang tanong.
"Wala akong naramdaman." Walang alinlangan kong sagot.
Tinaasan niya naman ako ng kilay at binigyan ng nang-iintrigang tingin. "Hwag kang talkshit. Hindi ka bato o robot para walang naramdaman. Yung totoo?"
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturLahat ng bagay na pinangarap kong gawin niya para sa'kin, sa iba niya ginagawa. Mahal ko siya pero ang hirap makita siyang masaya sa piling ng iba.