HULING KABANATA

3.1K 44 6
                                    

5 years later...

"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Mama habang pareho naming tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.

Unti-unti akong tumango habang nakangiti rin.

"You're so beautiful. Bagay na bagay sa'yo 'yang suot mo." Dagdag niya pa kaya natawa ako. "Tara na, nasa simbahan na daw ang lahat at ang bride na lang ang hinihintay nila." Sabi ni Mama tsaka ako tinulungan sa pagbaba.

"Ang ganda niyo naman Ma'am Chi." papuri sa'kin ni Kiya Jun matapos kaming pagbuksan ng pinto.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko.

Habang papunta kami sa simbahan ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Mama sa'kin.

"Opo. Medyo kinakabahan lang." Sagot ko naman at hinawakan niya lang ang kamay ko.

Pagdating sa simbahan ay pinapwesto na agad kami at nasa dulo ako. Naririnig ko na ang simula ng awitin. Hudyat na nagsisimula na ang seremonya.

I was looking at him while walking down the aisle. Naiiyak siya pero alam ko masaya siya. Masaya siya dahil 'yung matagal niyang pinangarap ay nagkatotoo na. Pati ako naiiyak na rin. I smiled at him and he smiled back. I mouthed congrats to him at tumango siya habang nakangiti. Naramdaman ko ang pagsara ng pinto ng simbahan sa likod ko bago ako nakarating sa harap. Pumunta ako sa pwesto ko at lahat kami ay natuon ang atensyon sa pintuang sarado. May mga babaeng lumapit dito at muling binuksan ang pinto at dahan dahan nitong iniluwa ang bride..

She was very beautiful with her white wedding gown. It suits her well. Happiness is all over her face. Obvious kasi kahit may belo siya. Sinalubong siya ni Lance na naiiyak na. Pinunasan naman ni Camille ang luha niya tsaka niya ito inalalayan papunta sa harap ng altar. The ceremony went on.

Sa loob ng limang taon, pinatunayan ni Lance sa mga magulang ni Camille na karapat dapat siya para sa anak nila. Hindi naman siya nabigo. His efforts were paid off. Deserve naman kasi nila ang isa't-isa. At masaya ako para sa kanila.

I guess being your best friend's maid of honor is not bad after all.

"You may now kiss the bride." Anunsyo ng pari at humarap sila sa isa't-isa. Maingat namang iniangat ni Lance ang belo at hinalikan ang misis niya.

Masaya naman kaming pumalakpak.

Matapos ang picture taking sa simbahan ay dumeretso na kami sa reception.

Kasama ko sa mesa si Nico, isa sa mga groomsmen at sina Jona at 'yung boyfriend niyang nakilala niya sa dating app sa internet. Mabait naman si Andrei kaya kampante akong hindi niya lolokohin ang kaibigan ko. Nakatanggap na nga 'yan ng threat sa'kin eh. Pero hindi alam ni Jona. Naninigurado lang naman akong hindi siya ngangawa sa harap ko kapag niloko siya ng boyfriend niya.

Matapos kumain ay lumabas ako para magpahangin. Maganda din pala ang view dito sa reception hall na napili nila.

Napaisip ako. Limang taon. Masyado nang matagal. Ngayon, parepareho na kaming teacher nina Lance at Jona. Pero sa magkakaibang schools kami nagtuturo. Sabi ko nga nagsasawa na akong makita ang pagmumukha nila dahil lagi kaming magkasama nung nag-aaral pa lang kami. Masaya naman kami sa mga ginagawa namin. Si Camille naman ay patuloy lang sa pag-aartista. Hindi naman siya pinahinto ni Lance since it has been her passion.

Such a supportive husband.

Nagulat ako nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko bago tuluyang dumilim ang paligid ko.

*****

"Pakawalan niyo 'ko! Ano ba! Pag ako nakawala dito, lagot talaga kayo sa'kin bubugbugin ko kayo hanggang sa lalo kayong pumanget!" Sigaw ko pero wala akong ibang naririnig kung hindi ang echo ko lang din.

That Should Be Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon