Paggising ko ay wala na si Jona sa tabi ko. Agad akong bumangon at dumeretso sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Bumaba ako sa kusina nang mapansing may nagluluto.
"Talaga po? Pwedeng haluan ng mayonaise ang itlog?" Gulat na tanong ni Jona.
"Yes, paborito nga 'to ni Chienna eh." Sagot naman ni Mama.
Pareho silang nakatalikod at busy sa pagluluto kaya hindi nila ako napansin. Tahimik naman akong umupo sa isa sa mga upuan sa may island.
"Wow! Ang galing." Natutuwang ani Jona.
"Oh eto, tingnan mo ah." Sabi naman ni Mama saka nakita kong nagluluto sila ng fried rice sa isa pang kawali.
"Hala tita! Ngayon lang po ako nakakita ng ganyang fried rice."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.
"Hindi po kasi ako mahilig sa mga ganyan eh. Hehe."
Natawa si Mama. "Nako, you should try this."
"Oo naman po! Mukhang masarap eh. Saka isang pong karangalan na maipagluto ni Mrs. Martha Ocampo."
Ang aga-aga, nambobola.
"Ayanggandako!" Gulat na sabi ni Jona nang makita ako. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Buang ka? Eh wala nga akong ginagawa."
"Wow. Good morning din sa'yo ah?" Sarkastikong aniya pa.
"Bakit hindi mo naman sinabing may bisita ka pala kagabi, Chi?" Baling ni Mama sa'kin.
"Hindi naman niya sinabing maglalayas siya. Saka tulog ka na nung dumating siya." Sabi ko saka kumuha ng plato.
"Naglayas ka?" Kunot noong tanong ni Mama sa kanya.
"Uhmm.." Napakamot siya sa batok. "Okay lang ho bang dumito muna ako? Pasensya na po talaga ah? Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Wala kasi akong ibang maisip na pwedeng puntahan eh. Ayoko namang pumunta kina Louis. Saka wala naman kaming kamag-anak sa malapit--"
"Ano ka ba. Okay lang. You're my daughter's friend and I can see no problem with you staying here." Nakangiting sabi ni Mama sa kanya.
She smiled and hugged her. "Thank you po ng marami, Mrs. Ocampo!"
"I told you, just call me Tita."
"Okay po, Tita. Thank you po talaga."
"No problem. But please promise me na as soon as possible, kakausapin mo ang parents mo. Magulang din ako, iha. Alam ko ang pakiramdam ng magulang na nag-aalala."
"Sige po." She nodded.
"Pwede na ba tayong kumain? I'm hungry." Singit ko. May hawak na akong kutsara't tinidor.
"Ay, gutom na pala ang senyorita."
"Oh, sige na umupo ka na Jona at kakain na tayo."
Nagsimula na kaming kumain at panay ang pakikipagdaldalan ni Jona kay Mama. Masaya namang nakikinig si Mama sa mga kwento nito habang ako ay tahimik na sumusubo.
"Hindi ko na ata nakikita si Lance na sinusundo ka?" Bigla ay tanong ni Mama sakin. Pareho silang nakatingin sa'kin ni Jona at naghihintay ng sagot.
"Nag-away po kasi sila." Natatawang sagot ni Jona nang hindi ako magsalita.
"Why?" Intersadong tanong ni Mama.
"LQ po."
Pinandilatan ko siya ng mata.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (COMPLETED)
General FictionLahat ng bagay na pinangarap kong gawin niya para sa'kin, sa iba niya ginagawa. Mahal ko siya pero ang hirap makita siyang masaya sa piling ng iba.