"Good morning kids!" Bati ni Mama sa mga batang nakaupo sa harap namin. "As you wished, kasama ko ngayon si Ate Chienna n'yo. Say hi to her." Nakangiting sabi ni Mama.
"Hi Ate Chienna!" Masayang bati naman sa'kin ng mga bata.
"Hello. Kumusta kayo?" Tanong ko.
"Okay lang po." They all answered in unison.
"Ang ganda mo naman po." Sabi ng batang naka mask sa harapan.
Nilapitan ko siya at yumuko para magkapantay kami. "Salamat." Sabi ko nang nakangiti. "Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Joy po." Sagot niya.
"Hello Joy. Gusto mong maglaro?" Tanong ko saka siya tumango.
"Sige, laro tayo mamaya, okay?" Masayang tanong ko sa kanya.
"Ako din po!" Sabi nung batang lalaki sa tabi niya. Nakakatuwa kasi tinaas niya pa ang isang kamay.
Natawa ako saka tumayo. "Oh sige, maglalaro tayo mamaya basta ba behave lang kayo?"
"Opo! Mabait po kami!" Sabi nung bata sa likod. "Diba Nanay Martha?" Tanong niya pa kay Mama.
Tumango naman si Mama at bahagyang natawa.
Bago maglaro ay tinuruan ko na muna sila. Tinanong ko sila kung anong mga subjects ang pinag-aaralan nila at talaga namang naggamit ko ang mga natutunan ko sa klase. Nung matapos ko na silang turuan ay nagsimula naman kaming maglaro. Naghahabulan kami sa may ground nila at pinapanood lang kami nina Mama. Maya maya pa ay tinawag na nila ang mga bata dahil oras na para kumain.
"Mukhang enjoy na enjoy ka ah?" Puna ni Mama habang pinapanood namin ang mga batang kumakain.
"Lagi kong naririnig na ang sarap sa pakiramdam pag may natutulungan ka at napapasaya. Pero iba pa rin pala talaga pag ikaw na mismo ang nakaramdam." Sagot ko nang nakangiti habang nasa mga bata pa rin ang paningin.
"As you can see, masaya din naman sila. Masaya sila dahil may mga taong handa silang tulungan sa kabila ng kalagayan nila."
"Pakiramdam ko ang bait bait ko." Natatawang sabi ko.
"Dahil mabait ka naman talaga, and you have a pure heart that is willing to help others who are in need." Sabi niya saka ako tiningnan. "Thank you at pinagbigyan mo 'ko ngayon." Nakangiting aniya. Ngiti lang din ang itinugon ko.
"Kumusta na nga pala kayo ni Lance?" Pag-iiba niya ng usapan. Bigla ko naman siyang naalala at mapait na ngumiti.
"Walang 'kami' Ma."
Naging matunog naman ang pagtawa niya saka napailing. "Mga kabataan nga naman ngayon, oo." Sabi niya saka ako napabuntong hininga at muling pinanood ang mga bata. "Ang ibig ko kasing sabihin ay kayong magkaibigan. Saka pati na din yung madaldal niyang kapatid? Louis diba?" Nakangiti niya na namang tanong.
"Okay naman sila. Gano'n pa rin."
"Hmm. Hindi ko na ata kayo nakikitang gumagala. Eh nung mga nagdaang linggo eh hindi kayo mapaghiwalay." Sabi niya. Hindi ko alam na napapansin niya pala yo'n.
"We're busy." Pasimple kong sagot.
"From what?"
Tiningnan ko siya saka sumagot. "Sa school, at sa kanya kanya naming buhay." Sagot ko saka yumuko.
Nung pauwi na ay panay ang buntong hininga ko. Nakita ko kasing may pinost si Lance sa twitter niya. Sinamahan niya si Camille sa isa nitong photoshoot. Bakit gano'n? Parang hindi parin ako sanay na may girlfriend na siya. Hindi ko matanggap, dahil hindi ko kaya at ayoko.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (COMPLETED)
General FictionLahat ng bagay na pinangarap kong gawin niya para sa'kin, sa iba niya ginagawa. Mahal ko siya pero ang hirap makita siyang masaya sa piling ng iba.