"Grabe ang manhid mo naman." Komento ni Jona habang panay ang kain nung pizza na in-order namin.
"Eh malay ko ba kung ano ang ginagawa niya? I thought he was just doing something important kaya hindi na ako nag-abala pa na magtanong." Depensa ko.
"Hindi ka ba nagi-guilty?"
"Bakit?"
"Kasi isang araw ka lang nawala, grabe na 'yung level ng pag-aalala niya. Tapos nung siya ang nawala, pinaabot mo pa ng isang linggo bago mo hinanap." Sabi niya.
Natigilan ako. It's been a week since we came back at isang linggo ko na ring hindi nakikita ang boyfriend ko. Ayoko namang maging OA sa paghahanap sa kanya dahil baka may importante lang siyang ginagawa at ayaw niyang magpa-istorbo kaya hinayaan ko na lang. Tsaka isa pa, we're in a fake relationship. Hindi namin kailangan malaman ang lahat ng whereabouts ng isa't-isa. Pero nagi-guilty parin ako dahil doon sa sinabi ni Jona.
"Bakit kasi hindi mo sinabi?" Tanong ko.
Isa din 'tong mga 'to eh. Alam ko naman na alam nila kung nasaan si Louis, pero hindi parin nila sinasabi.
"Nagtanong ka ba?" Ganting tanong niya.
"Grabe.." I uttered. So nasa kay Louis na ang loyalty niya ngayon?
"He told us kasi not to tell you unless you ask." She explained.
"Oh, ngayon nagtatanong na ako. Sabihin mo na." Utos ko.
"Bakit gusto mong malaman?" Nang-iintrigang tanong niya.
"Because he's a friend. I'm a bit worried." Sagot ko naman.
"A bit lang?" Naniniguradong aniya. Tumango naman ako. Tiningnan niya ako na parang may tinitimbang. "Hindi ako naniniwala." Sabi niya saka ibinalik ang atensyon sa kinakain.
Maya maya naman ay kumatok si Ate Agnes at inihatid ang pinaluto naming pancakes. Mabilis namang tumayo si Jona at kinuha ang tray na dala nito. Mabilis ko naman itong binawi pati ang pizza na kalahati pa lang ang nauubos. Pati lahat ng chips na nagkalat ay nilipat ko sa side ko.
"Uuuuyyy! 'Yung foods ko!" Reklamo niya tsaka bumalik sa pwesto niya kanina.
"Sabihin mo muna kung nasaan si Louis." Utos ko. Tiningnan naman niya ako. "Ayaw mo talagang sabihin?" Pero hindi parin siya umimik. "Sige, kami na lang ni Ate Agnes ang kakain nitong paborito mong pancakes at pizza." Sabi ko at tumayo dala ang tray ng pancakes at box ng pizza.
Malapit na ako sa pintuan nang marinig ko siyang magsalita.
"He's in Canada." Deretsong sabi niya kaya napahinto ako. I was expecting her to say more pero wala akong narinig. I took another step. "Totoo!" Rinig kong sabi niya. "Nung Biyernes ng hapon."
Napalingon ako sa kanya. I can't see anything through her but pure seriousness. Biglang nanghina ang tuhod ko kaya inalalayan niya ako.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nanghihinang tanong ko pero hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako na parang naaawa siya sa'kin.
Biglang namuo ang mga luha ko.
Bakit?
Bakit biglaan?
Akala ko tatapusin pa niya ang semester na 'to.
Bakit hindi man lang niya ako hinintay?
May nagawa ba akong mali?
Okay naman kami nung huli.
Ang dami kong tanong pero ang tangi ko lang nagawa ay ang umiyak. Alam ko kasi hindi na siya babalik. I know he's back for good.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (COMPLETED)
General FictionLahat ng bagay na pinangarap kong gawin niya para sa'kin, sa iba niya ginagawa. Mahal ko siya pero ang hirap makita siyang masaya sa piling ng iba.