"Ayos ka lang?" Tanong ni Jona sa'kin matapos makita ang suot ko. Ngayon na namin pupuntahan ang mga bata. Nauna na doon sina Mama at Nanay Miling. Sabay-sabay naman kami nina Chelsea, Jona, at Louis.
"Sino ba talaga ang may birthday? Ikaw or kami?" Nakataas kilay na aniya pa.
"Bakit?" Kunot noo ko namang tanong.
"Magpalit ka ng damit, couz." Utos ni Chelsea.
"Bakit?"
"Tingnan mo nga 'yang suot mo."
Nagbaba naman ako ng tingin sa suot ko. I was just wearing a jeans and an oversized maroon t-shirt. Tinupi ko ang magkabilang manggas nito. Sinuot ko din iyong dirty white sneakers ko. Nagtaas naman ako ng tingin sa kanila. Chelsea was wearing an off-shoulder blue dress, na pinarisan din ng blue na sandals. May nakasabit din na blue sling bag sa balikat niya. Mahilig talaga siya sa pagteterno ng suot.
Jona was also wearing a dress. Sleeveless ito at mabulaklak ang disenyo. Pinarisan niya naman ito ng yellow flat shoes. Kinulot naman niya ang mahaba niyang buhok at hinayaang ilugay. Si Louis naman ay naka jeans lang din and naka-hoodie.
"Bakit nga ba ganyan ang suot n'yo? Eh hindi naman kayo ang may birthday." Tanong ko. "Tara na, baka hinihintay na nila tayo." Sabi ko saka kinuha ang bag ko.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagbibihis." Pigil nila sa'kin.
Kinunutan ko naman sila ng noo. "Seriously? Hindi naman big deal 'yung suot ko diba?" Sabi ko saka nagsimula nang humakbang nang harangan na naman nila ako.
"Ano ba?" Angil ko.
"Magpalit na kasi."
"Ayoko."
"Edi hindi tayo makakaalis." Nakapamewang na sabi ni Jona.
I rolled my eyes.
"Ayaw mo parin?"
"Ano ba kasing problema n'yo sa suot ko?" Inis kong tanong.
"Marami. At kung iisa-isahin pa namin? Baka mamayang hapon pa tayo makaalis." Ani Chelsea.
"Birthday mo. Baka naman gusto mong mag-ayos kahit konti. Konti lang naman." Pang-aasar ni Jona.
Nilingon ko si Louis as if asking for help pero.. "Magpalit ka na." Deretsong sabi niya.
Napanguso naman ako saka ko narinig na tumawa sina Chelsea at Jona.
Bumalik ako ng kwarto at naghanap ng pwedeng masusuot.
"Porke't naka dress sila, hindi na ako pwedeng mag-jeans? Wow."
"Hobby mo talaga ang kausapin ang sarili mo 'no?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Chelsea mula sa likod ko. May dala siyang paper bag. "Ito ang suotin mo. Binilin sa'kin ni Tita 'yan kanina." Inabot ko naman 'to. "Go, magbihis ka na at aayusan pa kita."
Mabilis naman akong kumilos. Pumasok ako sa banyo at napangiwi nang makita ang laman ng paper bag. Nakabusangot ako habang isinusuot ito hanggang sa makalabas ako.
"Oh, anong mukha 'yan?" Natatawang tanong ni Chelsea sa'kin.
"Ang ikli naman nito." Reklamo ko. I was wearing a red skirt na pinarisan ng peach top. Sleeveless ito at may kakaibang disensyo sa may dibdib. Pero hindi naman siya gaanong revealing.
"Umupo ka na at aayusan pa kita." Utos niya.
"Kailangan pa ba?"
She rolled her eyes.
"Cous, please.. Maki-cooperate ka na lang." Sabi niya saka hinila ang upuan.
Nakailang buntong hininga pa muna ako bago naupo. Arguing with her doesn't make any sense. 'Yung gusto niya pa rin ang masusunod sa huli.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (COMPLETED)
General FictionLahat ng bagay na pinangarap kong gawin niya para sa'kin, sa iba niya ginagawa. Mahal ko siya pero ang hirap makita siyang masaya sa piling ng iba.