"Goodmorning Mam, ano po'ng atin?"
Ana Samonte asked, pagkaupo niya sa bakanteng silya sa harap ng PR Manager niyang si Mrs. Sanchez.
"Goodmorning. Pinatawag kita, Ms. Samonte for your new assignment."
Ana Samonte is a reporter sa isang local TV network, marami na siyang nasuong na baha, bagyo, lindol, sunog o ano pa mang krimen at pangyayari upang makapaghatid ng eksakto at totoong balita sa mga manunood. She love her work, and gave her very best out of it. Kaya hindi maikakaila na siya ang pagkatiwalaan ng mga boss sa mga exclusive assignments.
"Uy, nice. Sige Mam, shoot."
"Gusto kong makunan mo ng exclusive interview ang anak ni Mr. Robson Sr."
Nagulat si Ana sa narinig.
"What the---! Yung taong ahas, mam?! Oh good lord! Akala ko pa naman nabaon na rin sa hukay ang ang istoryang yan kasama ni Mr. Robson Sr., hindi pa pala. 3 years ago pa yan, susme!"
"Unfortunately Ms. Samonte as you can hear it again, hindi pa. At mas active pa daw ito ngayon, sabi ng legit source ko. And I want you to handle that case, by hook or by crook. Kailangan ikaw ang unang makakuha ng interview sa kanya. Or kahit makunan mo lang ng footage na totoo nga siya o hindi."
"Pero mam, baka parte lang 'to ng promotions nila. Magbubukas ang Robson Mall ng bagong branch sa Ayala diba? Same old tactics, 3 years ago. Papatulan ba natin 'to?"
"Oo. Dahil yan ang trending topics ngayon. And still, wala tayong pinanghahawakang resibo. We have to clean the mind of the people for all this gossips. Yun ang trabaho natin bilang mamahayag. Ipakalat kung ano ang totoo, at alam mo yan. So ano, are we good Ms. Samonte?"
She sighed. "Eh pa'no po if i-decline ko 'to?"
Ms. Sanchez smiled. Awfully.
"Simple lang. Wala ka ng trabaho bukas."
"Po!? Grabe kayo sa'kin Mam. Alam nyo naman na ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Kapag nawalan ako ng trabaho, wala kaming kakainin. Pag tinanggap ko naman 'to. Baka ako ang lamunin ng taong ahas na yun. Mam naman?" Untag ni Ana, dahil sa pagkadismaya at pagka-inis. She knows her worth at hindi ang isang 'to ang dapat niyang patulan. Sa buong talambuhay niya bilang mamahayag, ngayon lang siya tumanggi. Tapos firing squad agad ang sasaluhin niya, if she decline the assignment. Nakakaputa! She thought.
"Pero sabi mo, tsismis lang yun right? Bakit ang OA mo dyan?! It's your call kung papano mo gagawin. Here's your vid cam. Goodluck, and I'm expecting your interview next week. You can go."
"Shit you!" Her silent cursed, habang bagsak ang balikat na lumabas ng opisina ng boss niya. Hindi talaga siya nito binigyan ng pagkakataong tumanggi.
She sighed harshly.
"O, sis. Anyare?" Tanong ni Beca, katsismisan niya sa opisina.
"New assignment." Walang gana niyang sagot.
"Oh edi congratulations! Baka promotions na yan pagkatapos."
She just smiled bitterly, sa appraisal nito.
"Promotions? Huh. Muntik na nga akong mawalan ng trabaho nang tinanggihan ko ang binigay niyang assignment sa'kin."