Tikbalang Chronicle 1.0

572 10 0
                                    

A/N: Series of my PARANORMAL: Usok from I,Ache book 2.

***

Limang kabataan
Katapangang taglay ay kanilang sinubukan.
Isang gabi, sa lilim ng bilog na buwan...

“Guys, sigurado kayo dito ah? Wala ng atrasan 'to."

“Oo, ako pa ba?! Baka itong si Alicia.”

“Hay naku. Dami ninyong satsat! Kayo yata ang nababakla diyan e, dinamay nyo pa ako. Simulan niyo na kaya!”

Sa loob ng isang abandonadong tahanan,
Na nagkukubli sa gitna ng malawak na manggahan.
Doon nila napagpasyahang makipaglaro sa kadiliman,
At makipagpatentero kay kamatayan.

Sa sahig na puno ng natutulos na kandila,
Nakalatag ang isang parisukat na tabla.
Naglalaman ito ng mga numero at letra,
At isang baso na nakatayo sa gitna.

Magkakahawak ang mga kamay, habang mga mata’y nakapikit,
Orasyon at dasal ay taimtim na sinambit.

“Spirits of the past, move among us. Be guided by the light of this world and--”

Inusal na dasal ay hindi pa man tapos,
Malamig na hangin sila ay niyapos.
Baso sa gitna ay biglang kumilos,
Sanhi upang sa kanya-kanyang pagkakaupo ay matulos,
Nang takot sa bawat dibdib ay dagling bumuhos.
Kasabay ng pag-iyak ng mga kandilang paupos.

“WAAAAAAHHHHHH”

Malakas na sigaw sa bawat bibig nila'y kumawala.
Nang bilugang mga mata'y nakita,
Yaring puting usok na lumitaw sa bukas na bintana.

Takbuhan..
Tulakan..
Patungo sa makipot na pintuan, Apat na katawan ay nag-uunahan.

Ngunit sa gitna ng kaguluhan,
Isa sa kanilang lima ay naiwan.
Dahil sa labis na takot na naramdaman,
Ito ay nanigas na lamang sa kinauupuan.

Nasaksihan ng dalaga si Alicia ang paglabas ng tikbalang,
Ang demonyong kabayo sa loob ng manggahan.
Mapupulang mga mata nito’y nanlilisik,
Kasunod ang malakas na halinghing na naghihimagsik.

“Bakit ninyo ako ginambala!!”

Bilugang mga mata ng dalaga ay maluha-luha,
Nang ang tikbalang ay biglang nagsalita.

Dalaga ay hindi makasagot,
Lalamunan ay biglang nanuyot.
Dilang pakiwari nito ay nalukot.
Dala ng matinding takot,
Na sa katawan nito'y bumabalot.

Ang tikbalang dito ay lumapit,
Habang ang tabako ay agresibong hinithit.
Inikutan ang katawan nitong nanginginig,
Pag-amoy ng paulit-ulit sa pawisan nitong leeg.

Sa ginawa ng tikbalang,
Dalaga ay labis na nahintakutan,
Kaya't ito'y nahimatay na ng tuluyan.

Inosenteng mukha ng dalaga'y mariin nitong pinagmasdan,
At kalaunan,
Galit sa puso ay unti-unting naibsan.
Subalit galit dito ay biglang napalitan ng isang pagnanasa at tawag ng laman.

Nang tikbalang ay balak na itong hawakan,
Biglang bumalik ang apat nitong kaibigan.
Takot sa mga katawan ay lalong naramdaman.
Nang bumungad sa kanilanh mga mata ang higanteng tikbalang.

“Mga lapastangan!!!”

Sigaw na turan ng diyablong kabayo,
At ang apat na kabataan ay mabilis na pinaikutan nito.
Ngunit bago pa man sila mapaloob sa isang hipnotismo,
Maraming asin ay isinaboy nila rito.

KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon