A/N: Tula version ng horror confession na nabasa ko sa FB.
**
Sarili ay nagising
mula sa malalim na pagkakahimbing.
Nang maramdamang tila sa akin ay may nakatingin.Dahan-dahang idinilat
mga matang mabibigat.
Ngunit natigilan sa kung sino ang nasipat.
Kapatid kong nakatalukbong ng kumot sa aking harap."Ano ka ba naman!? Sa takot ko sa'yo muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan!"
"Pasensya na Ate..masama ang napaginipan ko kasi. Pwede bang...patabi?"
Kahit anong tindi ng pagka-irita't inis.
Siya ay hindi naman matitiis.
Kaya't sa aking pagtango siya'y biglang tumalilis.
Humiga sa aking tabi at nagtalukbong ng kay bilis.
Hanggang sa...
sumapit ang alas-tres.
Ako'y gising pa at pintig ng puso'y biglang bumilis.
Sapagkat mula sa itaas ng pang dalawahang kama,
kapatid ko'y bumababa.
Binuksan ang pinto at pumunta ng kusina.
Sabay ng katanungan sa isipan na, "Da-dalawa? Ka-kapatid ko'y dalawa?"Ulo'y dahan-dahang ipinilig paharap sa katabi.
Habang nangangatal ang sariling mga labi
Lumulunok ng paunti-unti
takot ay hindi na maisantabi.
Sa kapatid na nakatalukbong ng puting kumot.
Nang muling pumasok
ang isa pa taglay ang noo na nakakunot."Ate, sino yang katabi mo?"
Tanong nito
Na lalong nagpasidhi sa takot ko't silakbo.
Kaya't mabilis na lamang bumangon at tumakbo.
Tumalilis palabas ng kwarto.
Habang sumigaw ng saklolo."Bukas ko na iisipin kung sino kapatid ko! At...at ang bra ko! Waaaaaah!!!"