.
.
.
.
.
.Pagkauwi ko from abroad, I went back to Dinagat Island. Because there was something missing in me when she left. I was thinking that the island would give me peace.
While on the top of the Ferry boat, I closed my eyes and filled my thoughts with memories. And suddenly remembered a name....
"Giday....."
Her name was Bea Sanz Gutierrez.
FLASHBACK
"Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sayo eh." Galit na ang boses ni Giday sa telepono.
"Ah may pupuntahan lang ako mahal, niyaya ako sa binyag eh." atubiling sagot ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan? Hindi ka man lang nagpaalam?"
"Ah biglaan kasi mahal eh, sorry po." Nauutal na sagot ko.
Ang totoo papunta ako kina Raffy. Totoong may binyag pero hindi ko na ipinaalam kay Giday dahil siguradong magagalit ito.
"Saan yan? Pupunta ako." Matigas na sagot nito.
"Mahal wag na po, saglit lang naman ako eh. Antayin mo nalang ako sa dorm ha?"
"Yung totoo Maya nasaan ka?" Mukhang galit na ito dahil tinawag na ako sa pangalan ko.
"Mahal naman, mamaya nalang po tayo mag-usap pag-uwi ko? Please?"
"Pag hindi mo sinabi at hindi ka umuwi ngayon din, hindi mo na ako maaabutan dito sa bahay!" Sigaw nito sa telepono.
"Mahal naman?" Pagsusumamo ko.
"Mahal mo na ba talaga ako Maya? Or still it was Raffy? Sa kanila ang punta mo ngayon hindi ba?" Mahinahon na ang boses nito at malungkot.
"Mahal kita! Totoong mahal kita. maniwala ka naman please?"
"How about Raffy? Nakalimutam mo na ba talaga siya?" :(
Hindi agad ako nakasagot. Somehow, hindi ko naman nakalimutan si Raffy.
She will be remembered as someone i have loved. Pero yung nararamdaman ko sa kanya, nawala na yun eh. Lahat natabunan na ni Giday.
Naputol ang pagmumuni ko ng maalalang kausap ko pala si Giday, magsasalita na sana ako ulit ngunit wala na pala siya sa kabilang linya.
"Hayyyy." Yun lang ang lumabas sa mga labi ko. Dumeretso parin ako kina Raffy. Tiwala kasi ako na hindi naman aalis ng bahay si Giday at hihintayin parin ako.
Kinagabihan na nang matapos ang binyag. Nang pauwi na ako hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi kasi nagrereply si Giday sa mga text ko.
Pagdating, lalo akong kinabahan dahil madilim sa labas ng dorm.
"Hindi kaya...." Bulong ko. "Giday?" Sigaw ko.
Pagkapasok, wala na ang mga gamit niya. Wala na rin si Giday :(
Napaupo ako bigla sa sahig.
"Giday nasaan ka." Naiiyak na sabi ko sa sarili ko. Pagtingin ko sa kama may iniwan na sulat si Giday.
Maya,
Akala ko noon, magagawa kong tulungan ka na makalimutan na siya. Pero akala ko lang pala yun.
Hanggang ngayon siya parin pala talaga ang mahal mo. Hindi ko talaga siya napantayan :( Hindi ka nga natakot na mawala ako sa buhay mo eh.
Masyado akong nangarap. Akala ko din masaya na tayo at wala ng problema. Pero lahat pala akala ko lang :(