_Reidge’s POV_ dahil siya ang panganay
‘wah ah ah oh oh…’-miko
Inaatake na naman siya.. Si trey nakikisabay pa… Mga gagong to.
‘sige Andrei idiin mo pa’-trey
‘kanina ko pa dinidiin eh ayaw talaga’-andrei
Pati ang inosenteng si Andrei dinadamay nila.. tsk tsk tsk…
‘ako na nga lang jan.. maglilinis nga lang ng sahig hindi niyo pa magawa’ sabay agaw ko sa mop
‘opppsi may dalaw po si reidge mga kaibigan hahahaah’-trey
‘eh kasi si Andrei ang hina’-miko
‘derek’ tawag ko sa kapatid kong bingi.. kung hindi natutulog eh may nakasaksak na earphone sa tenga.. tinapunan ko ng trapo….
‘ano yun?’-derek
‘tapos ka na ba?’
‘hindi pa.. mamaya ko na lang tatapusin’-derek
‘timang ka ba?! Patapos na kaming lahat’
‘oo tatapusin na’-derek
Si trey at miko parang mga bata nilalaro ang sabon tapos gumagawa sila ng bubbles .. pati si Andrei nakisali rin..
‘reidge dali Sali ka?’-miko
Lumapit na lang ako pagkalapit ko bigla na lang ako nilagyan ni miko ng bula sa mukha.. tapos ang ungas tumawa. Parang bata ang cute nga eh.. takte! Ano ba tong mga iniisip ko…
‘ naku reidge namumula ang pisngi mo.. allergic ka siguro sa bubbles’-andrei
‘ah siguro nga’ palusot ko..
Bakit nga ba ako namula… lintik na mikong yun… naghilamos na lang ako…
‘uy reidge sorry ah’-miko
‘ok lang’
‘ai teka pagkatapos ni Derek magpunas ng salamin.. magvideoke tayo’-trey
‘baka magalit si mr.rudolf’-andrei
‘nasan ba sina diego at jolo?’-miko
_sa rooftop_
Nandito lang pala ang dalawang to
‘hoy anong ginagawa niyo jan?’
‘shhh wag kang maingay .. lika dito’-jolo
Lumapit naman ako..
‘tingnan mo.. ang sexy talaga ni ms.erica noh’-jolo
Binigay niya sakin ang telescope kaya kinuha ko naman.. nakita ko si ms.erica na nagbibihis.. kinuha agad ni jolo ang telescope..
‘teka… kanina ka pa ah ako naman’-diego
*PONG* binatukan ni trey si diego
‘hoy anong ginagawa mo huh?’-trey
‘si ms.erica’-nakangiting sagot ni diego
‘talaga!...patingin nga’-trey
*PONG* binatukan ko si trey… nakikisali pa eh..
‘wag ka ng umepal’
‘pwede ba tigilan niyo na yan .. masama yang ginagawa niyo’-andrei
‘tama si father andrei’-trey
‘nasan si miko at Derek?’
‘sa baba.. patapos na rin yun…huy kayong dalawa ,,tigilan niyo na yan magvideoke tayo’-trey
Bumaba na kami.. si Derek at miko tapos na rin sa trabaho nila…
‘magpaalam muna tayo kay mr.rudolf’-andrei
‘WAG NAH!’ kaming lahat…. Basag siya.. kanina pa niya yun sinisingit eh…
‘baka hanapin niya tayo’-andrei
‘oo nga naman.. samahan na kita andrei’-mikosige hihintayin na lang naming kayo sa labas’
Sa labas kami ng building naghintay…
_After 7 minutes_
‘ano uunahin ko ..good news o bad news?’-miko
‘yung bad news’-diego
‘yung good news na lang’-derek
‘magbotohan tayo.. sino boto sa goodnews itaas ang kamay’-miko
Tumaas kami ng kamay nina Derek at trey
‘ok tatlo ..sino sa bad news itaas ang paa’-miko
Tinaas naman nina diego at jolo ang paa nila
‘ok good news pinapayagan na tayo’-miko
‘woah yun yown’-trey
‘eh ang bad news?’-diego
‘alam mo bagay talaga sayo ang bad news… ok… ang bad news ay babalik tayo before 7’-miko
Pagkalabas namin ng school sumakay kami ng jeep…
Nagsiksikan na kami dun… etong mga babaeng to nagbubulungan… tapos ngingiti.. ang laki ng problema nila… alas 4 pa lang kaya marami pa kaming oras…
_Videoke bar_
‘mga langya.. bayaran niyo ako ah’-trey
‘oo.. babayaran ka namin’-diego
Si trey kasi ang pinagbayad namin ng pamasahe..
Pumasok na kami sa isa sa mga kwarto sa videoke bar..
‘sino unang kakanta?’-trey
Teka ganito… tayo ang mamimili ng kanta tapos ipapakanta natin’-jolo
‘kanino naman natin ipapakanta?’-diego
‘spin a bottle tayo… ang maturo siya ang kakanta’-miko
‘okey’-trey
Nakapalibot kaming pito sa mesa.. ang unang kanta ay like a virgin na pinili ni trey.. at ang nature ay si Andrei.. hahaha kawawa naman
‘huy kanta’-trey
‘like~a~virgin.. hindi ko alam eh’-reklamo ni Andrei
‘sige Derek sagipin mo si andrei’’-diego
‘sge kanta na’
At yun kumanta na silang dalawa ni Andrei kahit medyo sintunado si Andrei nakisabay na lang siya kay Derek na parang kumakanta sa lamay…
Pagdating sa kalokohan . jan kami magaling. Napatingin ako kay miko ang cute niya talagang tumawa.. nag iinit na naman ang pisngi ko…. Ano ba to?
Sa loob ng 4 na oras ng walang humpay na kantahan kailangan na naming umuwi..
Sumakay ulit kami ng jeep…
‘huy trey pamasahe natin’-miko
Kinuha ni trey ang wallet niya..
‘tae… wala na akong pera’-trey
‘ANO?!!’- kaming lahat
‘ahehehe naubos na eh’-trey
Nagkatinginan kaming lahat at kinindatan kami ni diego….
‘ah manong para’-diego
Huminto naman si manong…
‘TAKBO!!!’-sigaw ni trey
Mabilis kaming bumaba sa jeep… ang bilis gumawa ng plano ni diego at trey….
‘hoy mga tarantado bayad niyo!!!!’-manong
Mabilis kaming tumakbo.. nang makalayo kami ay naglakad na lang kami..
‘malayo lalakarin natin.. like a virgin woah touch for the very PERSTYM’-trey
Nagkantahan na lang kami habang naglalakad…
_______________________________________________________________________________
Like a virgin.. mga tengoy talaga…..
BINABASA MO ANG
Pretty Boyz(EDITING)
Adventureisang pasaway na anak si mika kaya naman ipinaubaya na siya ng kanyang mama sa kanyang tiyahin at dahil sa wala ng tumatanggap sa kanyang eskwelahan ay napilitan siyang pumasok sa isang all boys school at kailangan niyang magpanggap na lalake sa bup...