C:12

57 3 0
                                    


***

Alexa POV'S

Nakauwi na kami sa bahay, 10 am kami nakauwi. Kasi pinakain pa kami eh ni Jai, swerte ng mapapangasawa nun! Nasa kuwarto ako ngayon at nakaupo sa kama, ano nang gagawin ko? Tumayo ako at naghalungkat sa mga nakatambak na box. Sabi ni tita, wag na wag ko daw 'tong pakialaman. Doon talaga ako nagtaka, bakit? 

Pero dahil pasaway ako, hinalungkat ko pa rin. Nakakita naman ako ng isang notebook doon at umupo muna ako sa kama bago ko binuklat.

My Diary

Teka.. kanino 'to? Pumunta ako sa second page,

Dear Diary,

Third year na ako! Kanina diary, may nakasalubong ako! Grabe ang yabang nya Diary! Si Mr. Zacarte Perez! Ang yabang yabang! Hay nako diary! Tinawag nya akong nerd kahit hindi naman! Wala akong salamin, duuh! Pero hayaan mona, baka may sapak lang sa utak yun!

Love,

Carms at your service! 

Zacarte? Carms? Sino 'to? Pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan ko nabasa 'to. Pinunta ko ang page nung notebook sa last page, 

Dear Diary, 

Nakakatawang isipin na nahulog ang loob ko sakanya, unexpected. Pero bawal eh, bawal. Hindi kami pwede, mayaman sya at mahirap ako, may girlfriend at soon-to-be-fiance din sya. Bakit ko pa kasi diary hinayaan na mahulog ako sa maling tao? Sa taong kailanman di ako mamahalin, sa taong hinding hindi magiging akin. Nung time na hinarap nya ako at sabihin na hindi nya ako mahal, masakit diary eh. Hindi ko ineexpect na mahal nya ako pero kahit gusto wala, ano pala yung mga pinagsasabi nya sakin? Nagkukunwari sya para mahulog ako at pagkatapos iiwan ako? Pucha. Gasgas na! Maging sa storya ay nabasa ko na 'yan! Ngayon nararamdaman ko na ang hinanakit ng babaeng bida, kasi ngayon ako naman ang nakaranas. Magpapakalayo muna ako, thank you sa lahat diary. Maraming salamat

Love,

Carm Valuente

Sino ba 'to? Bakit nagpapaalam? Namatay ba sya? Anong ginawa nya? Ang daming tanong sa utak ko na si Carm lang ang makakasagot, pero hindi ko sya kilala eh. Pumunta ulit ako sa box at nakakita ako ng rose na bulok na, may nakasabit din na sulat pero parang pinunit. Meron pang teddy bear, at cards. Swerte naman nito, ang dami nagmamahal sakanya. Binalik ko lahat ng iyon sa box at bumaba, pero nagulat akong walang tao sa cafe at may kausap si Tita. Ayokong maging chismosa pero may pumipilit saakin na makinig kaya nagstay ako.

" Andito si Carm " Sabi ni tita, tinignan ko ang kausap nya at nagulat ako kasi balot ito, may shades na itim, cap na itim at mask na itim. Sino sya? At andito si Carm?

" Kailan mo balak sabihin ang totoo kay Carm? " Hindi pamilyar ang boses nya saakin.

" Hindi ko alam. At wala akong balak, masaya na sya ngayon, huwag ka nang bumalik pa. " Seryosong sabi ni tita. Pero humalakhak ang babae

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Nelly? Malalaman't-malalaman nya ang totoo sa ayaw mo o sa hindi" Biglang seryoso sabi ng babae.

" Alam ko Kein! Huwag mo ako diktahan! Mas nakabubuti na wala syang alam! " Pasigaw na sabi ni tita. Kein? Pamilyar.

" Ano? Bakit mo pinapaniwala si Carm na walang kwenta ang magulang nya? Ha? Kapatid ko si Mau! Nelly gustong-gusto nya makita ang anak nya! Bakit ba ayaw mo? " Naiinis ng sabi nya.

" Kein, makakaalis ka na. " Sabi ni tita

" No way! I wont! Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita si Carm! " Sino ba si Carm kasi? Para makaalis na baka atakihin si tita ng high blood!

" Umalis ka na." Seryosong sabi ni tita

" CARM! Where are you! Carm! " Sigaw nito at tila ba nililibot ang paligid, hanggang sa napunta ang tingin nya saakin. Ngumisi sya. Tumakbo ako pataas ngunit agad nya akong napigilan, "Wait, " sigaw nya at napahinto ako. Lumingon ako kay tita at nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata, sumenyas ang babaeng si Kein na bumaba ako at wala sa sarili namang sumunod ako.

" T-tita.. " tawag ko kay tita ng makalapit ako,

" What's your name? " Hindi ko man makita pero ngumiti ito, 

" A-alexa po. " Tinanggal nya ang shades nya at bumungad saakin ang singkit nitong mata. Pamilyar sya! 

" A-alexa? Nelly, can you please fucking explain? " Nagulat naman ako sa malutong na pagmura nya. 

" Tita? Sino po si Carm? " Naguguluhang tanong ko, naguguluhan na talaga ako! 

" A-ah.. " uutal-utal na sagot ni tita. Napabuntong hininga naman ako.

" Let me tell you a story darling, once a upon a time.. there was a princess named Carm. Si Carm ay galing Canada, she's a adorable princess. Mayaman, sikat at lahi ng magaganda't-guwapo ang pamilya nila. Pero ang mama ni Carm na si Mau at ang mama naman ni Mau ay nagkaroon ng hindi magandang pagkakaintindihan, kaya't dinala ni Mau si Carm sa Pinas----" hindi natuloy ang sinasabi ni Kein dahil sumigaw si tita ng pagkalakas-lakas.

" TAMA NA! " Sigaw nya, maging ako ay kinalibutan.

" T-tita, k-kwento lang po 'yon.. " pinapahinahon ko si tita.

" Tumaas ka na A-alexa. " Seryosong sabi ni tita at tumaas naman ako agad, bakit ba parang apektado si tita? Eh kwento lang naman 'yon! Tsaka hindi totoo 'yon! May prinsesa bang pinadala sa pinas? Ang weird ni tita ha! 


*** 

Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon