C:13

54 3 0
                                    

Chapter Twelve's quote:

P.S. I decided na every chapter lalagyan ko ng quote para magkasilbi ang story na 'to, syempre pangstatus! Haha! 


****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****

Alexa.

1 week ang nakalipas matapos ang intense na sagutan na 'yon. Hindi na muli pumunta ang babaeng 'yon dito, maging si tita ay hindi din naging madaldal sa mga nagdaan na araw. At sa ngayon, andito kami ngayon ni Nash sa Music room at nagprapractice. Remember the role play thingy?

" Oh God! Flynn! Flynn! Come back! " I said,

" I'm sorry, Rapunzel. I cannot handle anymore, " he shouted back and he left me without any idea why he did that.

My legs got weak and I found myself sitting in the ground, and the bad witch came. 

" Oh darling! Darling! My beloved Rapunzel! Come with me and I'll protect you! " She's a bad witch once became my beloved mother.

I smirked and I fixed myself and stand up,

" No mother, I'll never go with you. Not ever again. " 

" I said come with me! " She shouted and she takes out her sword and she pointed it to me. " Come with me or you'll die? " She said, but before I react someone appeared and pulled me and hugged me tight.

" Kill me first, " Flynn said.

" What a good lovers should I kill both of you now? huh? " She smirked. But before she attack, Flynn takes out his sword and stab it to her stomach. The bad witch fell on the ground and act like she's dead. 

And again, he hugged me and after that our eyes met. He kissed me in my forehead and he takes out his scissor and cuts my hair. I acted that I got shocked, and after that he kissed me in cheeks and it came out that we're kissing. 


" 1...2...3.... CUT! " Sabi ng nagtuturo at napatigil naman kami, " Great job guys! Nice, nice! I'm so happy for you guys! " Hinalikan nya ang mga pisngi namin gamit ang pisngi nya. 

Ako si Rapunzel, si Nash si Flynn at ang bad witch? Si Mika. Nakakatawa nga eh, para talagang planado ang nangyayari pero hindi. 

" Gosh! " Tumayo si Mika, " bakit pa kasi sa dinami-daming tao ako pa ang napili na maging bad witch? Do I really look witch, huh? At bakit sa dinami-daming role ay bad witch pa! I can be Rapunzel! Kainis! " Naiinis na sabi ni Mika na pumapadyak-padyak pa. Natatawa tuloy ako.

" Hindi kasi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Hindi lahat ng hinahangad mo, napapasaiyo. " Doubleng kahulugang sabi ni Ma'am Becks, nagtuturo saamin. 

" Konek? Tse! Tapos na ba?! " Naiiritang usal muli ni Mika.

" Oo tapos na! Layas! " Babakla-baklang sabi ni Ma'am becks. At lumayas na nga si Mika, " Hoy kayong dalawa! Ang sweet nyo! Kainis! Pero nice work guys! I'm so proud kasi ako ang navolunteer na magturo sainyo, meron pa akong klase. Bye! " Sabi nya at umalis,

Inayos ko ang bag ko at nilagay sa likod, nagtali rin ako ng buhok kasi masyadong mainit. Hindi kasi nila binuksan ang aircon dito sa music room eh.

" A-aah A-alexa, " palabas na ako nang narinig ko ang boses nya. Nakangiti ko itong nilingon,

" Hmm? " Usal ko,

" S-sabay t-tayo? Lunch? " Tanong nya na ikinabigla ko, bakit bigla syang nagaaya? Kasama ko sila Shar eh! " Please?.. " kalungkot naman kung tatanggihan ko 'to, hays.

" Sure. " Nakangiting sabi ko at tuluyang umalis sa room na 'yon, intense! Grabe! Isang subject nalang kasi at lunch na, kahit isang sub sana makahabol naman ako. Di pa naman late e.

Hinintay ko lumabas ang guro sa loob bago pumasok, tinignan ko si Shar at nanlalaki ang mata nito habang nakatingin saakin. Kinawayan ko 'to at umupo sa upuan ko, dumating ang guro at nagsimulang magturo. Hindi sya pumasok. 

Pinukpok ko ang ulo ko dahil sa kabaliwan ko, ano namang pake ko? Ha? Wala! Naninibago lang ako! Oo! Naninibago! 

Saibihin mo lang, gusto mo syang makasama

Hoy! Sinong nagsabi non? Hindi ah! Hindi! Naninibago lang ako! Paulit-ulit akong umiiling dahil parang may bumulong saakin non, sino 'yon? Sasapakin ko! Natapos ang asignaturang iyon na puro iling lamang ang ginagawa ko, ano bang nangyayari saakin? 

" Hoy! " Sabi ni Shar na nasa harap ko na pala, tinaasan ko lamang 'to ng kilay. " Anong nangyayari sayo? Kanina pa kita nakikitang umiiling ah! May sapak ka na ba sa utak? Ano tawag na ako ng 911? Ha? " Dere-deretsong sabi nya,

" Ehh! Shar! Hindi ako kriminal para tumawag ka ng 911! " Bumuntong hininga ako at napakamot naman sya ng ulo, mali nanaman 'tong babaeng 'to. " Kasabay ko si Nash ngayon, " sabi ko na ikinabigla nya.

" Ano? Tapos iiwan mo nanaman ako kay Jai? Utang na loob! Ayokong makasama 'yon! " Naiinis na sabi nya, I smell something ah.. 

" Bakit? May nangyari ba? " Ngumisi ako, balisa 'tong babaeng 'to. Something happened. 

" Nako! Wala, wala! Sige na! Payag na ako! Tsupii! Layasss! " Naiinis na sabi nya, napatawa naman ako at lumabas ng room. Malalaman ko rin 'yan Shar, *inserts evil laugh na super evil*

Bumungad saakin si Nash pagkalabas ng room, nagulat naman ako doon. Taray! Ang bango ah? Ngumiti sya at sinuklian ko rin, hindi ako maldita eh lalo na snabera. Di naman kasi maganda.

" Tara? " Nakangiting alok nya at tumango ako, taray ulit! Ano 'to? date? Napatawa naman ako sa naisip ko, para akong baliw.

Pagkapasok namin ng canteen ay bulungan agad ang bungad, hindi ko na pinakinggan dahil puro negative din naman. Mainggit kayo! Umupo kami ni Nash sa bandang dulo na hindi sakop ng maraming tao. 

" Anong gusto mo? " Sige iisipin ko nalang may menu akong hawak at puro mamahaling chicken andun! 

" Kahit ano nalang," syempre pahumble. 

" Sige. " At umalis sya, di talaga ako pinilit? Sige! Pag hindi ko nagustuhan ang inorder nya, hindi ko 'yon kakainin! Sensitive kaya ako! Chos! 

Samahan mo,

Ayan nanaman! May parang baliw nanaman na nagbulong! Konsensya is that you? Sorry na oh! Wag ka lang susulpot bigla! Nakakagulat kaya! At the same time, nakakagulat din ang sinasabi mo! Dobleng gulat jusko! Tinanggal ko ang suot kong salamin at pinunas iyon sa palda, trip ko lang. Hindi naman malabo kasi hindi mahamog at hindi din maulan, pinupunas ko 'yon nang biglang dumating si Nash. Sinuot ko naman agad ang salamin ko,

" Bilis ah? " Nakangiti kong sabi dito

" Cut, haha. " Sabi nya na pinupunasan ang noo nya, feeling hot eh? Joke!

Kumain na kami at sa gitna nang aming pagkain ay bigla syang nagsalita.

" Kilala mo si Carm? " Natigilan naman ako,

" Hindi. Pero pamilyar eh " totoo ang sinabi ko, pamilyar ang pangalan at di ko alam kung saan ko 'yon nakita o narinig. Bumuntong hininga naman sya,

" Paano kung isa ka palang mayaman na nagmamayari ng isang palasyo? " Tanong nito na kinibigla ko. Mayaman?

" Ha? Hmm.. syempre magugulat ako, kasi grabe! Tagal ko tiniis oh! Pero labo naman mangyari, super labo-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang magsalita sya.

" You're Carm Valuente, "

I froze. A-ano daw?


***

Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon