C:11

123 6 2
                                    

Remind ko lang, binago ko ang cover nito x) maganda ba? hahaha

-

" ANO? ISASAMA NYO AKO? ANO AKO? THIRD WHEEL? " Sinabi ko kasi na sama sya na sa pag-mall namin ni Jai at manood sa bahay nila ng movie. Ang awkward kapag kami lang dalawa.

" Please Shar!! Please please " halos magkandarapa na ako sa pagpipilit sakanya

" Ayoko " masungit nyang sabi

" Please Shar. Promise di na ako magpapasama sayo sa library " 

" Talaga? " tumango ako. Nagkaroon ng abot langit na ngiti sa muka nya ng tumango ako. Grabe sya, ansama nya talaga.

" Sige tara! anong oras? " mas excited sya saakin ngayon, weirdo

" 3 pm sige bye! " Sabi ko at kinawayan sya. Uwian narin kasi, yun di ko na sya nilingon pero alam kong mas excited na sya kesa saakin 

Pumipili ako ng isusuot ko, really nigga? Wala akong mapiling damit, ngayon lang ako na curious sa isusuot ko, tinawagan ko si Shar at tinanong kung anong susuotin nya. Sabi nya crop top daw tas jeans. Hayp. Sabagay payat naman sya. Inend call ko yung tawag na yun at pumili ulit ng damit. Try ko kayang mag crop top? ay teka, wala nga pala akong ganun. Jeans nalang at yung hello kitty shirt? yaas. Meron na akong susuotin, yun nalang. Nagulat ako ng makitang 2:30 na pala, teka asan na yung lalaking yun?

*buzz*buzz*

Nagulat ako ng may tumatawag, vinabrate ko kasi ang phone ko, ayoko ng masyadong maingay.

" Yes? " bungad ko

" Hoy asan ka nang babaita ka? nasa labas ako ng mall! bilis-bilisan mo! nakikita ko na si Jai! nako pag-" di ko tinuloy ang sasabihin nya ng magsalita ako

" Oo na eto na po oh " sabi ko at binaba ang tawag. Lecheng lalaking yun! Akala ko susunduin ako!

" Hoy ang tagal mo naman? " Bungad saakin ni Shar ng makapunta ako sa entrance ng mall

" Busy " tipid kong sabi

" Nako! tigil-tigilan mo ako! Di mo ako maloloko! " Sabi nya at humalakhak

" Bat di mo tinatanggal ang salamin mo? " Sabi ni Jai

" Personal reason " tipid kong sabi

" Kasi ayaw nya mag contact lens, yan tuloy! " Sabi ni Shar at humalakhak ulit

" Busy ka? Ano namang pagkakabusy-han mo? " Tanong ni Jai, sasagot sana ako ngunit sumagot si Shar

" Di yan busy! Naghahanap ng magandang idadamit! " Sabi nya at muling humalakhak

" bakit? Masyado bang importante ang araw na to sayo? " Tanong ni Jai. Akmang sasagot na sana ulit ako ngunit naunahan ulit ako ni Shar

" Eh paano ba naman kasi? For the first time in the history! May yumaya na sakanya na makipagdate o lumabas! " Sabi ni Shar at humalakhak

" Talaga? Ngayon lang? " Tanong ni Jai at abot langit ang ngiti. Akmang magrarason ulit ako ngunit naunahan ako ni Shar, sige sya na

" Oo! Tas alam mo ba? Ikaw lang din ang nagyaya saaming lumabas! Well ikaw lang na lalaki " Sabi ni Shar at humalakhak ulit, bumuntong hininga ako

" Sige ikaw na Shar, kwento mo talambuhay ko. " Sabi ko sakanya

" Opps sorry " sabi nya at nag peace sign.

" Tara na? " Tanong ni Jai, tumango kami at sumunod

Pumunta kami sa Tom's World para maglaro. Si Jai na ang nanlibre ng tokens, silang dalawa sa basketball at humiwalay ako sakanila dala ang sampung tokens. Pumunta ako sa may mga teddy bears, gusto kong makuha ang pulang teddy bear. Yah, I can do this. At mukang ako pa ang third wheel ngayon ah? Sana pala di na ako sumama, moment nila to maygash! Tinry ko ang isang token. Nagumpisa na ang laro, tinapat ko sa pula ang nasa itaas para kuhain ang teddy bear. Pinindot ko ang pulang pindutan para makuha ang pulang teddy bear, pero di ko nakuha. Psh, maduga talaga tong Tom's world eh! 

Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon