C:4

180 9 0
                                    


After an hour bla bla blah. Ayokong lumabas dahil tinignan ko ang sarili ko sa salamin at pahamak ang salamin ko -_- pero napilitan akong lumabas ng sumigaw si Nash

" Tagal mo naman! " Iritado nyang sabi.

Lumabas ako at nakita ko syang napanganga. Tsk tsk. Ganda ko talaga eh no? Pfft. 

" Tanggalin mo yung salamin mo. " Seryoso nyang sabi. Hindi ko alam pero.. saan ako kukuha ng contact lens? 

" Meron kang contact lens? " Tanong ko tumango sya

" kunin ko lang. " Sabi nya at lumabas. Nilibot ko ang kwarto nya, color brown theme ng kwarto nya, bawat detalye ay mahalaga. May nakita akong picture ni Nash na kasama ang babaeng nakatalikod sa picture. Nakayakap si Nash sa babae mula sa likod at halatang masaya silang dalawa, hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko. 

Hindi ko namalayan andito na pala sya, at halatang hinigal pa.

" Here. " Sabay abot nya saakin ng isang contact lens na bago, kahit hindi ako sanay gumamit ay tinry ko ito. Nilagay ko ang isa sa isa kong mata at mahapdi.

" Ouch. " Naisigaw ko sa hapdi.

" Karma. " Sabay ngisi nya. Psh -_- 

Pagkatapos nun ay lumabas na kami sa kwarto nya. Nang lumabas kami sinalubong kami ng tatay ata ni Nash?

" Son? Girlfriend mo? " Tanong nung lalaki na gwapo pero halatang nasa 40's na.

" Yes pa. " Nagulat ako sa sinabi nya at kinurot ko sya sa balikat. Malakas na kurot.

" Aray! " Naisabi nya. Natawa naman ako ng palihim

" bakit? " Tanong ng papa nya

" Wala dad. " Simpleng sabi nya at tumingin saakin ng nakakatakot na tingin. Nag-peace sign ako bwahahaha. " Asan si mom, dad? " Tanong ni Nash

" Andun sa room. Nirereplay ang showtime kahapon, tawa ng tawa kay Vice. " Nanlaki ang mata ko at di maiwasang mapasabat sa usapan nila

" si Vice ho? Paborito ko ho yun! " Masayang sabi ko ^o^

" Ohh? Really? Haha magkakasundo kayo ng darling ko. " Nagulat ako. Bakit minsan antanga mo Alexa? 

" Hehe " Napatungo ako dahil sa hiya

*edited*

Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon