Alexa
Nagulat ako ng makita na dito rin pala nagaaral ang lalaking yun, si Jai.
" Diba si pogi yun? " sabi nya tapos kaway kay Jai
" Huy! di naman tayo close sakanya! tigil-tigilan mo nga sya! " suway ko sakanya
" Ano ka ba! yan na sya oh! papunta na dito! " sabi nya
" Hi Jai! " bati ni Shar
" Oh dito pala kayo nagaaral? " tanong ni Jai ng makalapit na sya saamin
" Oo eh, teka?.. Anong section ka? at grade? di kita nakikita dito ah? "
" Kalma, magkasing-level lang tayo, pero ako nasa last section " sabi nya at humalakhak
" Psh. Bad boy pala " sabi ni Shar
" Good kaya ako " sabi ni Jai at humalakhak ulit
" Ewan ko sayo! " sabi ni Shar at nag walk out, lecheng babaeng yun! iniwan ako sa lalaking di ko kilala!
" Oh? bakit ka tumitingin? " nakakairita pag may tumitingin pramis
" Tanggalin mo kaya ang salamin mo? mas maganda ka dun! pramis! " sabi nya at humalakhak. Di mo alam kung matatawa ka o maiinis eh
" Ewan ko sayo " sabi ko at nilagpasan sya.
" Hey! " sigaw ni Jai pero di ko sya pinansin
Malas... Nakita ko pa sila na ang sweet sa isa't-isa.. Teka, bakit ako nasasaktan? leche.
" Huy! nagjojoke lang naman ako " sabi nya at inakbayan ako
Nagtama ang tingin namin ni Nash... Bigla akong umiwas ng tingin
" Babe, saan tayo mamaya? " di ko alam pero parang nasaktan ako nung tinawag ni Mika si Nash ng.. Babe.
" Dunno babe " dumoble nung tinawag nya rin sya ng ganun. Shems, bakit?
" Huy! "Jai.
" Saan tayo mamaya, Jai? " di ko alam pero yan ang lumabas sa bibig ko
" anong saan " sabi nya pero parang alam nya kung bakit ako nagtanong sakanya "Hmm.. Try nating mag mall? at sa bahay manood ng movie? " sabi nya " I guess masaya yun. Sama mo si Shar, para third wheel " sabi nya at humagalpak sa tawa.
" Ha.Ha.Ha sinama mo pa bestfriend ko eh dyan ka na nga " mataray kong sabi sakanya at nag simulang naglakad. Di na nya ako sinundan, buti naman.
" LEX! " sigaw ni Shar na ikinagulat ko. Paano ba naman kasi? kakapasok ko palang yan agad ang bumungad saakin! tinignan ko sya ng masama. Leche to, wala na nga ako sa mood mangagaganyan sya?
" Tigil-tigilan mo ako wala ako sa mood " sabi ko sakanya at umupo sa upuan ko
Malas, katabi ko pa sya. At mas malas, classmate ko pa si Mika!
Diba Nashlexa na? bakit may Mikash pa?
omaygash.. Mika is here, wala ng Nashlexa!
ugly duckling, Alexa
masyado kasing feeler yang si Alexa!
basta! Mikash ako kahit anong mangyari!
nagsimula silang magbulungan ng dumating silang dalawa sa room. Umupo si Nash sa tabi ko at si Mika sa upuan nya. Kinuha ang phone ko at kunwaring may tinatawagan, para hindi naman awkward.
" Hello Jai? ah oo magsisimula na, napatawag ako kasi tuloy nga yung sa mall!.. ah yun? ah oo, sa bahay nyo ha? HAHAHHAHAHA patawa ka? geh bye na, mamaya na. Sige, bbye! " sabi ko kunwaring may kausap pero wala, baliw na ako.
" Kayo na ni Jai? " tanong ng katabi ko, Nash.
" I can't answer your question, you can answer your question " sabi ko sakanya at tinago ko ang cellphone ko para hindi na makita ng guro namin
" Lexa, totoo ba? kayo na ni Jai? " nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Shar
Tinitigan ko sya ng matagal hanggang sa magets nya ang gusto kong iparating, tumango-tango naman sya. At bumalik sa upuan nya.
Maya't-maya ay dumating narin ang guro at nagturo. Lutang ang isipan ko bawat subject, ewan ko kung bakit, basta. Lutang. Ni-hindi ko nga namalayan na recess na at hinila ako ni Shar palayo sa room at pumunta sa cafeteria. Nays, nays.
Umupo ako sa isang upuan at si Shar na ang nagorder, may umupo sa harapan ko
" Oh Shar- " napatigil ako ng makita ang pagmumuka ni Jai
" Bat ka andito? " tanong ko dito
" malamang, recess din namin " sabi nya
" Tuloy mamaya ang mall at sa bahay ah? " sabi nya at nanlaki ang mata ko
" ANO? JOKE LANG NAMAN YUN EH! " sabi ko
" Walang joke saakin, Alexa " sabi nya at naging seryoso ang muka nya. Tapos humalakhak, nakakatawa. Ha.ha.ha -_-
" Basta. Tuloy. " Sabi nya at di na ako umimik.
-
A/N:
Di ko alam kung hanggang kelan kami tatagal sa bakasyon >_< pero try kong mag UD this coming days. Don't worry, di kami tatagal dun at babawi ako. Sorry rin sa naguluhan, 2014 ko to ginawa at pinagpatuloy ko ngayong 2016. Kaya jeje days pa ako ng 2014. Sana maintindihan nyo ^_ Salamat din sa sumuporta sa storyang ito hanggang ngayon. Nagulat ako ng may bumabasa parin pala nito? kaya itutuloy ko nalang. Masaya ako at umabot ito sa 1k readers, although hindi ito ang pinakamataas kong readers, salamat parin. Nakalimutan ko pass. ng account kong perksforme sa wattpad kaya tinamad na akong mag-wattpad at bumalik ulit ngayong 2016. Kung ii-stalk nyo ang perksforme ko, pinakamataas kong readers ay 8k pero hindi rin maganda ang storyang iyon kasi nga jeje ako nung mga araw na yun. Kaya ipagpaumanhin nyo ang di magandang simula nitong storyang ito. At salamat sa nagbasa nito :3 ^_^ naghihinayang parin ako sa account kong iyon kasi pwede kong I-improve ang mga storya ko pero handa ulit akong magsimula ng bagong storya ^_^ kaya sana suportahan nyo itong storyang ito hanggang sa huli. Maikli man, di ko parin alam kung maganda ang takbo ng storyang ito. Pero salamat parin ^_^

BINABASA MO ANG
Nerdy Girl - Nashlexa Fanfic -
Novela JuvenilShe's Alexa. The Nerd one, trying not to fall in love with the guy named Nash. Can Alexa stop falling for Nash or she's too late because she already fall for him? * Completed *