Minsan..

25 1 0
                                    


Minsan..

Minsan naranasan mong kumabog ng mabilis ang puso mo,
Sa bawat tibok, may pag-asa,
Sa bawat tibok, kaakibat ang sakit.
Minsan, naranasan mong mapansin ang mga bagay na wala namang kwenta.
Ngumingiti kang parang tanga kasi alam mong andyan siya.
Minsan, nakakilig ang bawat salita sa isang kanta,
Kasi sinasalin mo sa bawat ganap ng araw niyo.
Ang hindi mo alam panandalian lamang ito.

Minsan nasabi mong siya na, hindi pa pala.
Minsan nasabi niyang : "Seryoso ako." sabay hawak ng mahigpit sa kamay mo,
Yun pala sanay na siya.
Sanay na siyang magsalita ng ganun sa bawat babaeng ginogoyo niya.
At naniwala ka naman kasi baguhan ka pa lang.
Hindi ka pa sanay, hindi ka pa sanay sa mga galawan niyang ganun.
Galawang pa-fall, puta!
At ikaw pa ang mali!
Ikaw pa ang makapal ang mukha kasi nag-assume ka.
Sinabi na niya eh! Sinabi niyang 'wag kang mag-expect.
Pero makakaya mo ba?
Sa bawat galaw at salita niyang dala ay pag-asa,
makakaya mo bang huwag umasa?

Minsan, ang sarap niyang kulamin di ba?
Pero kasalanan mo pa rin kasi umasa ka.
Nasa puntong sinabi niyang : "Akala mo kung sino kang maganda!"
Pero kahit ba hindi maganda, walang karapatang umasa at masaktan?

Minsan, nasabi mong "Pakyu ka! Shet!"
Pero bawal ba? Lalo na kung sobra na ang sakit?
Nagalit daw nobya niya na isa ring tanga kasi naniwala sa ka-pestehan niya.
Sana magising lang siya na sira ulo pala ang kinakasama niya.

Pero ayos lang, kaya pa naman.
Panandalian lang kahihiyan at ang minsan ka niyang sinaktan.
Ganun naman di ba?
Kakayanin mo kasi hindi siya at nireserba ka sa taong hindi ka ni minsan kayang saktan,
sa pagdating niya handa ka na.
Handa ka na buong puso mo at minsan susugal ka na naman.
Makikinig ka na naman sa puso mong wala namang utak pero nakakayang pakiligin at pa-ibigin ka.

Tandaan mo buong buhay mo maganda ka, minsan ka lang sinabihan ng ganun kaya't wag kang mawalan ng pag-asa.
Ganun naman di ba?
Aasa tayo, umasa nga tayo sa miminsan lamang.
Minsan lang yan.
Gagaling din ang minsang masakit na pangyayari, kaya ngiti ka na.
Ayos na.

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon