Realidad ng Bawat Umiibig at Iniibig

2 0 0
                                    


Bakit nga ba kung may gusto ka, siyang ayaw sa iyo?
Bakit nga ba kung may nagkakagusto sa iyo, siyang ayaw mo?
Alam mong katangahan na aminin sa kanya ang iyong nararamdaman kahit alam mong ito'y walang patutunguhan at paroroonan.
Alam mong walang saysay ang paligoy-ligoy na usapan kaya't pinili mong wakasan din agad-agaran.

Pero bakit nga ba ganoon? Bakit magulo ang mundong pilit mong pinadadali? Bakit sa tuwing ika'y nagmamahal, s'yang ikaw ri'y ang nasasaktan?
Nakakabaliw ngunit pilit pa rin tayong umaasa.
Nakakatawa dahil no'ng akala mo'y dumating na, s'ya ring pagtigil ng puso mong magtiwala.

Sabi nila, "Give chance." Oo, madaling sabihin ngunit mahirap gawin, bakit ka nga ba pagmamadaliin?
Masama ba? Masama bang magpahinga ka muna sapagkat pilit mo, pilit mong tinatahi ang sugat, sugat na iniwan ng isang taong akala mo'y pangmatagalan?
I wanted to say, "Been there, done that." Pero nakakatawa lang kasi, ako lang naman yung nagmahal! Ako lang naman yung nag-assume, ako lang naman yung talunang tangang kanyang pinagtatawanan.

Kung kaya't 'wag please? 'Wag mong madaliin.. 'wag mong biglain.. kasi.. Hindi mo pa kilala, hindi mo pa napagdaan ang masakit na karanasan na iyon. Hindi ako robot, eh.. Hindi ako robot na de susi na pwede mong susihan at susunod agad sa mga gusto mo. Tao ako, tao akong may hawak sa sarili ko, hindi ako nabuhay para lang e-demand mo, ni hindi nga ako ma-demand ng magulang ko, ikaw pa kaya?

Sabi nila, kapag daw ang isang ibon ay napakawalan ng matagal sa kawalan, mahirap na daw itong hulihin at muli'y amuhin. Kaya naman kailangan ng pasensya, kailangang makuha mo ang kanyang tiwala, tiwala na hindi mo siya ikukulong muli'y sa hawla at hindi mo siya sasaktan.

Alam mo? Minsan mas gustuhin ko nalang na magmahal ng malandi, well? depende yun huh? It depends kung kaya mo, kaya ng puso mong makitang nanlalandi siya ngunit at the end of the day sa iyo siyan But back to being inlove with a malandi, oo, mas magmahal ka ng malandi kesa sa seryoso. Kasi alam mo ang seryoso? Panandalian mo lang saktan, susuko na yan. Pero yung taong malandi kuno? Pag yan sinaktan, balewala lang dyan, kasi nga hindi naman siya seryoso sa'yo di ba? Tatanggapin ka niyan kahit alam niyang lahat sa'yo ay panandalian lamang.

Kaya naman? Oo, magmamahal ka, pero piliin mo kung ano ang sinisigaw ng puso mo, kung saan kaya mong maging kumportable, kung saan, tanggap niyo ang mga differences niyo, ang flaws ang sakit na ibinabato niyo sa isa't-isa. Pero siguruhin mo rin, siguruhin mo rin na kaya mo na, kaya mo ng panindigan ang mga desisyon mo kapag ikaw ay nagmamahal, hindi yung pangkatuwaan lamang, para lang may mapaglaruan, para lang may mapalabasan ng init sa iyong katawan, para lang may matawag kang "syota" na ipinagyayabang mo sa iyong mga kaibigan at higit sa lahat para sa ego mong palaging gutom.

Kaya magmahal ka, libre ang magmahal, pero tandaan mo rin! Libre lang din ang masaktan. 

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon