Tahi

4 0 0
                                    


Naalala ko no'ng di pa kita kilala,
naalala ko ang bawat pag-tahi ko sa wasak na pagkatao mula sa nauna.
Naalala ko ang bawat ngiti ko'ng wala ng kilig maramdaman, kundi kontento lamang.
Naalala ko ang pagdating mo, animo bagyong rumaragasa.
Akala ko'y tulong sa pagtahi at nagbigay pag-asa sa katauhan kong wasak na wasak na.
Isa ka rin lamang palang ilusyong pilit pinaniniwalaan ngunit bibitaw lang din naman.
Isa ka rin lamang palang bagyong hirap akong pigilan kaya't ngayo'y salanta yaring damdamin.
Akala ko tapos na, akala ko wala na, ngunit heto ka't nagbabalik kasama ang mga nakakagulong galawang di maintindihan.
Kasama ang pag-asang muli meron pa pero pakiramdam ko ay wala na.
Ang sakit isipin, ang sakit intindihin na parang pilit kong bubulagin at bibingihin ang sarili at paniniwalain na baka nga, na baka sakali lang naman.. meron pa.
Ang hirap makitang masaya ka sa iba, ang hirap gawin ang lahat kahit di mo makita.
Ang hirap intindihin ang mga galaw mong kalakip ay sugat ang 'rating.
Masaya ka ba? Masaya ka bang makitang naguguluhan yaring tao?
Pakiusap, o mahal ko.. Ito'y masakit ngunit di ko mapilit.
Ako'y lalayo nalang at poprotektahan yaring puso'y kailangan na namang tahiin.
Tatahiin ko na naman sapagkat sa pagkakataong ito, hahanap ng sinulid na babaon sa mga sakit na bigay mo.
Tahi na naman pero pakiusap lang, wag mo na akong balikan, wag mo na akong kausapin, o di kaya ay kusang lalayo na lang.
Pagod na yaring pusong wasak na wasak pati isip na gulong-gulo na.
Salamat sa kilig , salamat sa pait at sakit.
Sarili'y tatahiin at pahihilumin muna.

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon