Mundo

4 0 0
                                    


Mundo

Masaya ako, masayang-masaya ako.
Ramdam kita palagi sa tabi ko, napapatawa, napapakilig at napapaiyak mo ako.
Ang sarap isiping alam kong nariyan ka lang, hinihintay, nakikinig, at natutuwa sa presensya ko.
Inspirado akong bumangon, mag-aral, at kung sa ano pang ginagawang alam kong suportado mo.
Nag-aaway, nag-bibiruan ag nagpapalitan ng mga pangakong kamatayan lamang ang papako.
Sa bawat pagtambay natin sa tagpuang tayo lamang ang hari't reyna, nakikita ko yung forever na tayo.
Ang sarap makinig sa kanta mong para akong hinihele, lirikong nagbibitaw ng pangakong panghahawakan ko.
Ang ganda ng mundo, ang gwapo mo, ang ganda ko.
Ang ganda ko po kasi alam kong ako lang ang nagpapakinang sa mata mo.
Ang gwapo mo po kasi walang-wala ang mga artista sa feeling na ibinibigay mo.
Ang kompleto ko, ang kompleto ng bawat araw.
Alam ko kasing hindi ka bibitaw.
Alam ko yun, alam na alam ko yun, kasi sinabi mo di ba?
Kasi pinangako mo di ba?

Ang gulo, ang gulo na nitong mundo ko.
Away dito, galit at poot doon.
Mistulang munting ningas na kumakalat sa bawat pangarap na ginagawa natin.
Akala ko nung una isa lamang mahinang bagyo, hindi ko alam, unti-unti na palang sumisira ito sa mundo ko.
Ang text, tawag, pagkikita'y dumalang.
Ang damdaming masaya ngayo'y napapalitan.
Ang pangako'y napalitan ng mura at kasinungalingan.
Ang kanta'y naging bungangaan.
Yung forever? Naging "hanggang dito nalang tayo together",
Yung inspirado? Naging kalungkutan ko.
Ang kilig na sa ating dalawa naghari, biglang naging lumbay at ngayo'y humahati.
Ang hari at reyna ng tagpuang para lamang sa ating dalawa, napalitan na ng bagong prinsesa.
Na-delete ang reyna at ngayo'y naglalakad ng mag-isa, nakasiklop ang dating hawak mong mga kamay.
Ang pangit ko, ang pangit ko kasi, yung kinang ng mga mata mong sa akin lamang ngayo'y kumikinang sa ibang kagandahan.
Ang gwapo mo pa rin, kasi napapasaya mo pa rin ako kahit sa iba na ang ngiti mo.
Ang damot, ang sakit, wasak agad ang mundo ko habang sa iyo'y patuloy ang pag-yabong.
Ramdam ang lamig na noo'y mainit mong pagyakap.
Tulala at hindi makapagsimula, binagsak mo kasi ang salitang, "Pasensiya na, mas mahal ko na siya.."
Bumitaw ka na.
Ang lungkot ko, ang lungkot-lungkot ng mundo ko.

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon