Gano'n pala..

8 0 0
                                    


Gano'n pala? Gano'n pala ang pakiramdam ng minsa'y may nag-alala.
Gano'n pala ang pakiramdam ng kiligin ka.
Gano'n pala ang pakiramdam ng makuntento kang hawakan lang niya ang iyong mga kamay.
Gano'n pala ang pakiramdam ng pusong muntikan mo ng ialay.
Gano'n pala ang pakiramdam ng sa bawat titig niya ay kalakip ang pag-asa.
Ngunit gano'n din pala, gano'n pala dahil lumagapak ka.

Gano'n pala, gano'n pala ang pakiramdam ng hindi ka sinalo.
Kasi may iba siyang sinasalo.
Akala mo siya na, ngunit gano'n pala, gano'n pala ang lahat..
Papangitiin ka lang ng minsan bukas luluha ka na lang kasama sa boses mong minalat.

Gano'n pala.. Gano'n pala ang pakiramdam ng hawakan at bitiwan niya.
Na animo'y ang sarap ng baklasin ng puso mong minaga.
Ngunit gano'n din pala, gano'n pala na di kaya mong magsisi dahil naging masaya ka.
Sa ganun pa man ay matapang ka, dahil iyong kinaya.
Nakaya mong tanggapin na ikaw at siya hindi para sa isa't-isa.

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon