Sa Paghalik ng Kawalan

9 0 0
                                    


Alam kong ipokrita,
ngunit ito na ang pakiramdam.
Naalala kita noon sa bawat along
humahampas sa dalampasigan.
Sa bawat dampi ng hanging
amihan.
Sa bawat musikang lakip sa liriko
ang kalungkutan.
Pilit tutulo ang luhang, pilit ding
pinipigilan.
Sa bawat pigil mas lalong nasasaktan.

Napapangiti tuwing naalala ang
panandaliang masasayang alaala.
Kahit nga mas marami pa ang
nagpapaluha.
Gustuhin mang ulitin, ngunit
mas lamang ang aasa pa rin.
Ilang araw pa, buwan at oras ang
dumaan.
Pilit umaahon kahit pilit mang
binabaon.
Sa bawat sakit, saya at galit,
naalala ang kahit isang saglit.

Ngunit sa paghalik ng kawalan,
sa paghalik ng ubos na ang
pakiramdam.
Ang bawat masakit, masaya, at
malungkot na alaala.
Lumalayo at pilit inaanod ng
along minsan nagpasaya.
Ang bawat dampi ng hangin ngayo'y biglang naging normal,
nakalimutan ang minsang naging
hangal.
Ang bawat musikang
nagpapalungkot, ngayo'y kahit
liriko'y biglang bumaluktot.

Sa paghalik ng kawalan, unti-
unting inaanod ang kalungkutan.
Unti-unting naging payapa ang
bawat along humahampas.
Unti-unting ang hangin ay
lumalagpas.
Sa bawat halik ng kawalan, unti-
unting pangalan ay
nakakalimutan.
Unti-unting.. ngiti mo ay normal
na lang.

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon