Hi ako nga pala..

12 0 0
                                    


Hi! Ako nga pala ito! Naalala mo pa ba? Ako nga pala yung minsang naging kaibigan mo, yung minsang na-inlove sa'yo. Alam mo? Sasabihin ko na, oo, ako yun! Ako yung muntikan ng maging tanga pero piniling tanggapin ang masasakit mong salita kesa habang buhay akong mabulag at patuloy na nakakaramdam ng sakit. I choose saving myself than killing myself. Grabe naman kasi! Sa lahat ng pagbubuhusan ko ng damdamin at muntikan ko ng paglaanan ng poreber sa iyo pa.. Sa iyo pa na sugarcoated lahat ng salita, grabe lang baii!! Naniwala ako nung niyakap mo ako, naniwala ako nung hinawakan mo ang kamay ko pero say whut? Ayunn! naubos ako.. Lintek naman kasi yung miminsan ka lang maglandee sa taong sanay pang makipaglandian sa kambing! Sht! Pasintabi sa mga kambing.

Hi! Ako nga pala! Ako nga pala yung nalilito dahil sa bawat pagtanggap kong di tayo para sa isa't-isa, heto si tadhana, gumagawa ng ka-etchosang di ko maintindihan. I know, alam ko, alam kong isa kang pinagbabawal na prutas sa Eden muntikan ko pang pitasin dahil sinunod ko ang ahas kong damdamin. Pero buti na lang talaga, salamat sa alak na siyang nagpalabas ng sa demonyo kong ugali ayun at napalabas ang mala-satanas mo pa palang ugali! Pero infairness! Di ko mapigil ang puso kong kiligin sa bawat pagkikita natin. Hindi ko rin maintindihan eh! Pero ang sarap e-congratulate ng sarili ko, kasi kahit gaano mabaliw ang puso ko tuwing nakikita ka, nakayanan ko pa ring dedmahin ka. Parang sarap koronahan nating dalawa. King and Queen of As if we don't know each other! Promise! Panalo tayo do'n! May pa-contest bang ganun?

Hi! Hanggang dito na lang pala! Ewan ko kung may sequel pa ang ating storya, pero promise? Sa sequel na yun malay mo, tayo pa rin pero bagong tao ka na at bagong tao na rin ako. Mature ka na mag-isip at nawa'y ako din. Hi! Sana maging masaya ka, kasi ako kahit masakit heto at babangon pa rin tapos ngingiti! Ingat ka ha? Mamahalin pa kita! Tatanggapin ng buong puso at hihintayin ang tamang pagkakataon. Dito na lang! Para na at baba na ako, heto na ang kanto ko. Salamat kung binabasa mo ! :)

Minsan..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon