Author's Note:Hi sayo catherinegeun! Sobrang grateful ako sa mga feedbacks mo! At yung request mo, sorry pero di kaya ng powers ko hehe! Eh kasi this is my first story. Pero thank you pa rin ^_^. And Thank you so much rin sa mga silent readers and also sa mga nagvote.
And sa mga kaibigan ko! Hindi ko kayo pinilit na magbasa nito! Alyas Julienne and Trisha!
Chapter 4
Maymay's POV
"Hoy! Hoy! Ok ka lang!?! UY!"
Pukaw ko sa kanya habang sinisipa. Ano ba naman to! Bakit kasi siya pasulpot sulpot bigla! Malay ko bang dito siya pinatulog ni Jacob! Tsk! Ang tagal naman nito mag-inda! Sinipa sipa ko ito para gumising pero umungol lang ito.
"HUY! BABANGON KA BA O HINDI?!?......" sigaw ko sa kanya. Umungol lang ulit ito at nanatiling nakahiga sa sahig.
"Bahala ka uy! Matutulog na ko!"
Umalis ako at iniwan siya doon. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ng bigla akong tumigil. Napagulo ko na lang ang buhok ko at binalikan ko siya dun. Sinipa sipa ko ulit siya ng mahina para gumising pero puros ungol lang ang natatanggap ko -_-
Tinapik ko siya sa pisngi pero napalaki na lang ang mga mata ko ng mahawakan ko siya. Grabe umaapoy siya ng lagnat!! Nataranta ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Gigisingin ko pa ba si Jacob at ipapabahala na lang sa kanya o ako na lang mismo ang magpapagamot nito.
Nagdesisyon na lang ako na dalhin siya sa kwarto ko dahil mas malapit ang kwarto ko sa kusina. Kinuha ko ang dalawang paa niya at hinila ko siya habang nasa sahig yung ulo niya.
Ugh! Ang bigat niyaa! Nang makapasok na kami sa kwarto ko ay sandaling binitawan ko muna siya para isarado ang pinto pero naipit yung kamay niya kaya napadaing siya.
"Oooow huhu! Mommy! Huhuhu!"
Binuksan ko yung pinto at kinuha ang kamay niya don. Hinawakan ng isang kamay niya ang naipit niyang kamay. Para itong bata na hinahanap ang nanay niya. Tss, bakla.
Maya-maya ay nakatulog ulit ito. Kaya bumalik ako sa trabaho at this time kinarga ko siya habang nakayakap sa kanya mula sa likod at inalsa siya sa kama ko.
Whooo! Ang sakit ng likod ko. Pumunta agad ako sa kusina at natatarantang nag-isip kung ano ang susunod na gagawin.
Ano ba una? Isusukat ba yung temperatura niya? Eh alam ko namang mainit na mainit siya! Pupunasan ko ba siya ng basang bimpo? Saan ko ibababad? Sa mainit na tubig o sa malamig na tubig o sa katamtaman ang init at lamig na tubig? O baka naman lalagyan ko ng bimpo ang ulo niya na may kasamang suka? Yun kasi ginagawa ni mama kaso parang mas lumalala ang lagnat ko kung nilalagyan ako nun. O baka naman magluluto muna ako ng instant noodles o baka papai- teka nga muna... Eh bakit ko ba inaalala yung lalaking yon eh walang naidulot na maganda yung lalaking yon sa akin.
Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko at nakita ko siya sa sahig habang nakatanday kay Sean. Eh nandito pala si Sean eh!
"Huy! Huy! Sean yung pinsan mo nilalagnat! Huy! Nandon siya sa kwarto ko! Gumising ka uy!"
Pukaw ko sa kanya habang tinatapik tapik ang pisngi niya. Nabigla ako ng bigla siyang tumayo at lumabas sa kwarto ng kapatid ko. Lumalakad siya habang nakapikit, hindi ko alam kung tulog yon o gising kaya naman sinundan ko siya. Pumasok siya sa kwarto ko at humiga sa kama ko at niyakap si Edward.
BINABASA MO ANG
Opposite Poles
FanfictionAyon nga sa Science, Opposite attracts. Pero malabong mangyari yon sa dalawang tao na daig pa sa South Pole at North Pole sa pagka opposite. "Kadiri! Anong Atrak! Pagumulan muna ng baboy mangyayari yon oy!" - Maymay "Same goes with me. That will ne...