Chapter 12
Maymay's POV
"Maymay are you scrubbing that toilet or are you petting it? It's like your not exerting force in it May!"
Mas diniinan ko pa ang pagkuskus nitong inodoro. Siguro kung matanda na ako kanina pa napudpod tong mga ngipin ko sa pagngangalit ko.
"May the color of the toilet earlier and the color of the toilet now is still the same!"
Kinuha ko ang isang bote ng Domex at pinaliguan ang walangyang inodorong to ng sandamakmak na Domex. Halos kalahati na lang ang natitira sa bote at isang inodoro pa lang ang nalilinisan ko! Kinuha ko ang pangkuskos at walang tigil kong kinuskos ang lintik na inodorong to!
"Kanus-a pa man ka muputi kang inodoroha ka! Sakit na kaayo akong bukton nimong kalakiha ka!" (Kailan ka pa ba puputi? Ang sakit na ng mga braso ko ng dahil sayo!)
***
"May reach for it May! You have to clean that area also!"
Pilit kung inaabot ang area na sinasabi niya! Sino ba kasing walang magawa sa buhay ang gumawa nito! Bakit di na lang bahay nila ang pagtripan nila! Ok sana kung ang gagaling ng magspray paint eh! kaso walang kakwenta-kwenta ang mga pinanglalagay nila dito! Dave love Jenny, meron namang nagdrawing ng tae, pwet at pati na rin mga alagang ahas ng mga lalake dinamay! Bat di na lang ginawang realistic baka pwede pang gamitin sa paglecture ng reproductive system!
"Walang Forever." puna ko habang gigil na binubura ang tanda ng pagmamahalan nina Dave at Jenny.
***
"May sweep the leaves in that area also! Its getting late! Faster May!"
Eh matagal talaga kaming matatapos nito! Eh walang katapusan ang paglalagas ng dahon ng puno na to eh! Eh kung putulin kaya nila to para wala ng problema! Eh para na nga tong palikuran sa baho ng ihi!
***
Hay sa wakas natapos na rin... Sa ngayon.
Napasabunot ako ng napagtanto kong may apat na araw pa ang natitira. Mahinang pinukpok ko ang ulo ko sa inis. Maymay hindi ka kasi nag-iisip eh! Mas inuuna mo pa kabaitan mo bago ang sarili mo. O edi saan nauwi yang kabaitan mo?! Kapahamakan! Arrrrrgh!
"Walangyang girl scouts na yan! Kung bakit ba kasi active ako don! Walangya at sinabuhay ko nga talaga yung girl scout promise na yan!"
Naku naku naku! Kasalanan to ng GSP eh! Tama tama kasalanan nila! Mas matinde pa sa Hayaan mo Sila yung The Girl Scouts Promise nila kung maka-LSS eh!
"On my honor, I will do my duty
To God and my country,
To help other people at all times
And to live by the Girl-"Napatigil ako sa paguulat sa Girl Scout Promise ng makita ko ang munting biskleta ng hilaw na yon! Bwahahaha! Ngayon makakapagganti na ko sa paghihirap mo sa akin kanina! Akala niya di ko napansin? Feel na feel ang pagiging supervisor ng loko! Actually dinaig pa! Hindi na naawa gayon alam naman niya ang dahilan kung bakit ko yon nagawa.
Edward's POV
It was already six thirty when I finished the tasks of Maymay for tomorrow. I did her assigned areas for tomorrow so she can go home early. This campus is pretty big and it's not an easy assignment to clean the whole campus.
As I was getting the key for the lock of my bike's tire. I notice that the tire was flat. But its not just a flat tire with deficient air! It was intentional! Who the hell did this?!? How can I go home now?
BINABASA MO ANG
Opposite Poles
FanfictionAyon nga sa Science, Opposite attracts. Pero malabong mangyari yon sa dalawang tao na daig pa sa South Pole at North Pole sa pagka opposite. "Kadiri! Anong Atrak! Pagumulan muna ng baboy mangyayari yon oy!" - Maymay "Same goes with me. That will ne...