Maymay's POV
Dumidilim ang aura ko pagdating sa babaeng yan. Parang sinasapian ako ng demonyo pag tungkol sa babaeng yan ang pinaguusapan.
Murahin mo na ako't lahat lahat huwag mo lang babanggitin ang pangalang yan kahit kailan dahil mas masahol pa ang pangalang Helen sa kahit anong masasamang salita sa iba't ibang lenggwahe ang mayron.
"T-the s-s-spoon"
Napatingin ako sa kutsarang hawak ko at nakita na itong nakabaluktot. Tsk! Sinubukan ko itong ibalik sa dati pero ang tigas!
"Say it again b!" utos ko sa kanya.
"The spoon?"
"No say again the girl's name you ano earlier!"
"Why?"
"JUST SAY IT!"
"HELEN!"
At ng marinig ko ulit yon ay nagsimula na namang dumilim yung paningin ko. Nanggigil na hinawakan ko ang kutsara na kanina ay baluktot.
Murahin mo na ko't lahat lahat huwag mo lang babanggitin ang pangalang yan kahit kailan dahil mas masahol pa ang pangalang Helen sa kahit anong masasamang salita sa iba't ib--
"Hey!"
Napabalik ako sa normal ng nagsalita si Edward. Nang mapatingin ako ulit sa kutsara ay naayos na ulit ito. Sayang rin kung itapon.
"Whats with you and He-- t-that girl?"
"Why do you want to know diay!? And why I will say it to you! Na you are so bad at me!"
"I'm just asking?!"
"Hilom dra!" (tumahimik ka!)
Nang matapos na akong manghugas ay binalikan ko si Sean para icheck ang temperatura niya. Mabuti at bumaba ang lagnat nito kahit papano.
Lumabas ulit ako at tumungo ng kusina para magluto na ng agahan. Habang nagluluto ako ramdam kong may tumititig sa akin sa likod ko. Lumingon ako at nakita kong nakatingin si Edward sa akin. Agad nitong nagbawi ng tingin at nagkunwaring tumitingin ng kung ano-ano.
"Huy! You slice the gulay! You're not a señorito so you have to work also!"
Lumapit ito sa akin at kinuha ang kutsilyo. Aba mabait naman pala itong batang to eh. Masunurin.
"What will I slice?"
"The ano! the vegetables! Oh here oh! Carrots you slice that!"
Nagpokus ulit ako sa pagluluto ng bihon ng maya-maya...
"I'm done."
Nagulat ako sa bilis. Wala pang magiisang minuto tapos na ito?!? Ng mapatingin ako sa ginawa niya ay walang emosyon ko siyang tiningnan at...
"Why its so big!?! You slice it small uy! You want to die because op a carrot stuck to your lungs?!?!"
"I don't know how to slice okay?!? Geez!"
Kinuha ko sa kanya ang kutsilyo at tinuruan siya kung paano maghiwa. Kumuha ako ng isa pang karot at hinayaan na siyang maghiwa.
Bumalik na ako sa pagluto ng maya-maya ay biglang umaray si Edward. Natatarantang lumapit ako sa kanya at nakita ko ang daliri niya na dumudugo. Kinuha ko ang kamay niya at sinubo ko iyon.
"Hey! Hey! Why are you sucking my finger?!? What are you a zombie?!?"
Dali-dali niyang binawi ang daliri niya at hinugasan yon ng sabon.
BINABASA MO ANG
Opposite Poles
Fiksi PenggemarAyon nga sa Science, Opposite attracts. Pero malabong mangyari yon sa dalawang tao na daig pa sa South Pole at North Pole sa pagka opposite. "Kadiri! Anong Atrak! Pagumulan muna ng baboy mangyayari yon oy!" - Maymay "Same goes with me. That will ne...