Chapter 9 - Betrayed (Part2)

323 22 6
                                    

Chapter 9

Maymay's POV

Dalawang linggo na ang lumipas nang mangyari ang labanan sa pagitan ng aking grupo at ang grupo ni Jacob sa basketball. Simula non ay naging parte na si Jacob sa kanila. Minsan sinasama nila ako pero kadalasan missing in action ako. Nakakaumay rin naman ang mga pagmumukha nila noh.

Kung tinatanong niyo kung may kaibigang babae rin ba ako, meron din naman pero kadalasan sa mga kaibigan kong mga babae ay yung tipong kulelat rin kagaya ko o kaya naman di kikay pero meron rin naman akong mga kaibigang babae na kikay pero karamihan talaga yung mga kagaya ko.

"Hi May!" bati sa akin ni Sean sabay kindat.

At napansin ko rin sa nakaraang ilang araw, panay kindat, pagpapacute, pick-up line at kung ano-ano pang mga bagay na ginagawa kadalasan  ng mga lalaki sa mga babaeng nadadala sa mga ganon, ni Sean sa akin.

Binatukan ko siya at hinampas ang kanyang braso na nailag naman niya.

"Pag-ate dra! Buang!" (Mag-ate ka diyan! Baliw!)

Tumawa lang siya at inaya na naman si Jacob na magbasketball. Huwag na huwag siyang magkakamali na tripan ako baka masakal ko siya. Hindi naman sa bitter ako sa pag-ibig actually nagkaboyfriend na nga ako eh. Umabot pa nga kami ng two years. Ako kasi yung tipo ng babaeng nagseseryoso sa mga ganyang bagay. I mean hindi ako pumapatol kapag may nagpapakita ng motibo sa akin. Hindi ako nagkakagusto sa mga gwapo o di kaya sa mga mayayaman.

Opposite PolesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon