Sinasabe ng mga matatanda na, maaring isang daang babae ang makikilala at makakasalubong sa daan at iilan lang dito ang kayang makapagpabago sayo. Papasok ka sa maraming relasyon, may mga iba't ibang pagkatao, minsan badtrip sa sama sa ugali, ang ilan sobrang mediocre nasa sampu sa isa ay katulad niya, may mga taong magbibigay ng kasayahan ngunit pagkakalooban ka ng matinding heartbroken scenario na kulang nalang ay magpa heart bypass operation... at may isa dun na di lang mamahalin ka pero magpapabago ng kabuuang sarili mo. Sabe nga, parte ng nakaraan mo kung sino ka ngayon... malaking parte ng ngayon ay kahapon. May mararanasan ka ng lubos na kalungkutan, isusumpa mo ang mundo, mapapangalumbaba ka tuwing umuulan, ngingiti ka ng saglit sa mga alaalang ipinapakita sayo sa tuwing tutunog sa radyo ang theme song niyo na hardcore sa kakornihan, mag eemote at kukuha naman ng matulis na bagay para itutok sa pulso kung ang tema naman nito ay someone like you ni Adelle. Ganyan ang buhay, di naman kailangan itapon ang nakaraan, magpakabitter habangbuhay. Kinukuha lang talaga satin ang mga taong akala nating mahalaga satin dahil sa di pa tayo kumpleto... sabe nga gagawa ng paraan ang tadhana para tapusin ang dapat tapusin. Malungkot ka ngayon, luluha ka... at sabay sabay na isigaw na walang forever pero bandang huli magmamahal ka pa din... magiging masaya (mas magiging masaya) sa ibang tao... at sabay sabay na sisigaw na MAY FOREVER. Tapos heartbroken ulit then malulungkot tapos luluha then magpapa-membership ulit sa WALANG FOREVER CLUB. Continuous cycle... paulit ulit... nakakahilo na...
Nagtataka tayo bakit laging ganito? Mapapakunot noo... iuuntog ang sarili sa pader hanggang mahilo... saglit na tatanungin sa sarili kung ano ba talagang problema sakin? Bakit malupit ang mundo? Bakit niya ako pinagpalit sa halimaw? Magsisisi ka, di ako nawalan bka ikaw... Ayan ang ilan sa mga nasa isip ng mga walang forever club.
Ano ba talagang problema sakin?
Walang problema sayo... yung nang iwan ang meron...
Si iniwanan ngingiti, haha kawalan niya ako without realizing what went wrong?
Bakit malupit ang mundo?
Kahit kailan hindi naging malupit ang mundo... repleksyon lamang ito ng realidad na unconsciously na kinakatakutan mong mangyari. Sa sobrang takot mo pinigilan mo ang sarili mong umunlad. Inikot mo lahat sa iisang tao ang mundo mo kaya naging malupit ito. Kung sakali lang sanang naging isa kang malupit na taong pinapangarap mo noon sana naging proud siya sayo. Bakit mo kasi nakalimutang mangarap at di lang ang pangarap mo ay ang makasama siya forever (technically speaking walang forever... we all die..)
Kung babaero o lalakero ang jowa mo, di yan ang problema. Kung sira ulo siya malamang sira ulo ka din kasi...
Kahit kailan di naging malupit ang mundo? At di titigil ang ikot nito dahil masama ang loob mo. Tandaan mo na iniwan ka nila hindi dahil sa ang panget mo, may tinga ka sa ngipin, mahaba ang buhok mo sa ilong, para kang biik tumawa, sobrang laos na ang joke mo, sintunado kang kumanta ng pusong bato, amoy patay na daga ang hininga mo, o dahil nalate ka sa date niyo...
Iniwan ka niya kasi di ka kumpleto... at may taong kukumpleto sayo...
Yun nga lang makikilala mo lang siya sa takdang panahon...
... sa takdang panahon...
BINABASA MO ANG
Transcend
Romancea tagalog english novel about a man searching for himself... for love that transcends through time