Noong bata ako, normal na magkagusto ako sa mga singkit, matangkad, tahimik pero makulit, mahinhin, mukhang inosente medyo boyish. Sinusulit ko nga noong elementary days ang pagsagot sa slumbook kapag sa kategorya na describe your crush. Ayaw ko naman maging KJ na M2M (many to mention) ang kadalasan na inilalagay. Astig talaga na bata palang ay sobrang landi ko na.
Higit isang dekada nakalipas at sangkaterbang heartbrokens, matatagpuan ko kaya siya. Sa dinami dami ng mga nilalang na sumalubong, nakasalubong at nakiapir sa akin, ngayon ba ay makikita ko na siya. Sasabihan niya kaya ako ng nahanap ko na din ang nilagay ko sa slumbook sa describe your crush section, gwapo, matangkad, matalino, macho, sobrang gwapo, oo ikaw na yata yun. (Wag kumontra gumawa kayo ng sarili niyong libro ako bida dito)
Matapos ang tatlong taong paghinto sa pag-aaral, ninais ko lang naman talaga ang makatapos dahil sa naging motibasyon ko noon ang aking ex. Di naman sa todo todo kung kinarir ang pag aaral pero mas masasabi ko ngayon na mas agresibo ako kaysa noon. Pumapasok na ako at hindi na nagka-cutting classes, kapag nasa mood nag-aaral din, nagugustuhan na din ang pagtuturo at higit sa lahat ay may plano ng maging guro. Bukod sa problema sa pinansyal, ayaw ko talaga noon na magturo kaya nga humantong ako sa pagiging certified tambay. Di ko talaga pinangarap ang maging guro paano ba naman noong bata ako ay nasa listahan ako ng mga guro sa pinaka hate nila sa tuwing discussion. Wala kasi akong pakundangan magtanong at kwestiyunin ang mga gurong ito. Malas pa nga nila minsan kapag di nila nareview ang lesson ay mapapakunot nalang sila sa tanong ko. Siguro kung nasan man ang mga pinakamamahal kung mga teachers nung high school tuwang tuwa sila sa pinili kung career. Tadhana na nga lang daw ang gaganti para sa kanila.
Saglit na puno ng hinagpis ang unang taon ko sa pagbalik sa eskwela. Pinalitan na kasi ako ng ubod ng ganda kong girlfriend noon. Saglit na tumigil ang oras ko kahit sobrang bilis na tumatakbo ang panahon. Sabe nga kahit anong gawin ko ay tila pinipilit nitong pumasok sa utak ko. Nakahanap siya ng iba, ayun “happy” na sa buhay nito. Samantalang ako naman ay naghahanap ng awa sa iba. Sobrang pinilit kung mag move forward in expense of other people. Nadamay nga pati yung bestfriend ko na syinota ko. Nasaktan siya kaya ayun di niya na ako kinakausap hanggang ngayon. Marami ding nagalit na colleagues ko ng bihagin ko ang puso ng kaklase nila at sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla biglang nagbago ang isip ko at iniwan siya. Dumami ang haters ko, kulang nalang magtatag sila ng club laban sa akin pero buti nalang napatawad na nila ako. Simula ng nasaktan ko sila, di ko naiwasang magtanong sa sarili na pakshit na buhay ito, nandadamay pa ako. Wala akong masasabi sa kabutihang loob ng dalawang babaeng sinaktan ko. Kaya nga itinigil ko ang paggamit ng safeguard kasi sa takot na lumabas yung other self para mangonsensya. Minsan nga naisipan ko na din wag maligo. What a life…?
Ayaw ko na talagang pumasok nun sa relasyon. Fresh pa kasi ang lahat. Wala pang isang taon na matapos ang great dying ng puso ko. Di pa ako lubusang nakakapag move on. Ang tingin ko sa mundo ay kulay grey… namatay na ang mga unicorns, nagtago nasa ant hill ang mga mababait at nakangiting mga duwende, naglaho na din ang mga rainbows at nangamatay na ang mga butterflies. Bangungot nga ang lahat… Hirap na din akong magtiwala sa iba at sa sarili ko. Daig ko pa ang adik noon (panahon na yun di pa ako nag use ng cannabis) tamang hinala at walang tiwala.
Ngunit isang araw…
Para hindi mag isip ng mag isip na kung ano pa mang bumabagabag sa damdamin, kailangan ko na yatang magfocus sa ibang bagay. Kung sa pag-aaral, di pwede baka lalo akong masiraan. Kung mag soul search para mahanap yung the one, di pwede woman hater at bitter pa aq sa mundo. Kung mag adventure nalang kaya at ikutin ang buong Pilipinas, lalong hindi pwede dahil tanging laman ng bulsa ay singkwenta pesos. Hay buhay…
“Tulungan mo naman kami sa org?” sabe ni Madam Pres.
“Huh? Bayad na ako sa org fee ha”
“Hindi kita sinisingil (iniisip niya siguro na sira ulo ako) tsaka di ka pa bayad sa org fee noh”
“Ikaw ang magtetrain sa sabayang pagbikas” dagdag ni Pres
Madali akong kausap kapag heartbroken ako… oo lang ako ng oo…
Sa wakas may pagkakaabalahan na. Excited ako sa aking task, pero medyo kabado dahil baka di maganda ang maging resulta nito. Humihiwalay ang kaluluwa ko ngayon, mahirap magfocus pero kahit na mapatunayan ko man sa mundo na kahit umikot siya ng umikot ay sasabay ako… Kailangan magkaroon ng silbi kahit papaano.
Habang papauwi nakita ko si ex na papauwi na din. Naglalakad siya papunta sa ibang direksyon. Sa kanang eskinita siya papunta samantalang ako naman ay sa kaliwa. Sign na ito na ang landas naming ay magkakalayo na ng tuluyan. Malungkot ako pero masaya na din. (isipin mo nalang ang itsura ng na comatose) Siguro ito na ang pahiwatig ng kalangitan na kailangan ng maging masaya sa buhay. Unti unting nagkaroon ng rainbow ang langit. Ang noo’y nagtatago sa nuno sa punso na mga duwende ay naglabasan bagamat nag aalala sila sakin ay nagpapakita naman ang kanilang mga mukha ng pag-asa. Pati ang unicorn ay mabilis na nagtatakbo sa harap para lapitan at isakay sa kanya pahatid sa bahay. Wag niyong isiping nababaliw na ako, lalong wag na wag niyong iisipin na binabae dahil sa pagkahilig ko sa mga unicorns. Kanya kanyang trip lang talaga yan. Masama bang mangarap sumakay sa kabayong may iisang sungay. Astig kaya yun, kung si Hercules nga may kaibigang unicorn at take note he is a symbol of a TRUE MAN!!
Umuwi ako sa bahay na nakangiti salamat sa mga kaibigan kong ako lang ang nakakakita. Bukas kailangan ng maghanda para sa bagong hamon sa akin… I’m ready!! Go Go!!
Kinabukasan, pagkamulat ng mata nagtanggal muna ako ng muta. Nag ayos ng hinigaan, nag senti sandali, kain ng almusal, naligo tapos alis agad sa bahay. Kailangan maaga akong makarating sa school nakakahiya naman sa mga tuturuan ko. Buti nalang di na ako nagtagal sa pagsakay dahil nakita ko agad ang kaibigan kung unicorn at sinakay niya ako sa kanya. Lumipad kami sa himpapawid na kasing bilis ng eroplano ng X-men. Sa sobrang bilis nakalimutan ko yung copy ng sabayang pagbigkas. Badtrip si unicorn kaya pagbalik naming sa bahay para kunin ang piece ay di na siya nagpakita sakin hanggang ngaun. Nakakalungkot… kaya ngayon wala na akong kaibigang matapat katulad niya.
Nang makarating ako sa paaralan, wala pa ang mga tuturuan ko. Badtrip! Ayan ang ayaw ko!! Makalipas ang limang minuto sa napagkasunduang oras dumating ang tatlo, sabe daw natraffic ang iba at matapos ang isang oras na paghihintay wala pa sa kalahati ang nakarating. Kesyo bawal daw yung iba sa araw na yun. Imbes na mabadtrip at sirain ang araw ko itinuloy na naming ang praktis.
Game! Ulet… Ulet uli. Dapat perfect… kapag sinabi kung walang hihinga wag huminga. Ano ba hindi A-RRR-aaWW AAAARAAAWW!! Bulong ko lang yan sa isip ko, nahihiya kasi akong magalit. Mas maganda siguro kung may kanta ang sabayang pagbigkas kaya itinanong ko sa kanila kung sino ang marunong kumanta. Itinuro nila ang isang babae.
“Sige ikaw nalang mukha kang mabait” Sabe ko
“Try mo na kumanta na parang nasa simbahan ung hymm niya”
“Paano po ba kuya” Sabe ng babae
“Rule no.1 bawal niyo akong tawaging kuya” Iritable kong sinabe ayaw ko nun tumatanda ako
Kumanta muna ako… (Biglang nabiyak ang lupa ng mga oras na iyon at naglabasan ang pitong demonyo sa impyerno)
“Kuha ba?”
Kumanta ang mukhang mabait na babae…
“Konti pa, dapat solemn, dapat magbukas ang langit at may bumaba na mga anghel” sabe ko
“Ganito po ba?” (Sabay kanta)
Napatulala ako sa kanya ng saglit…
“Ambait naman ng mukha nito, bulong sa isip.”
“Teka ano name mo nga pala” tanong ko
“Fatima po” sabe niya
Matapos ang praktis nagpaalam ako sa kanila at umuwi na.
Kinabukasan nagdesisyon akong magback out… sa di malamang dahilan…
___
2nd sem na sa unang taon ko sa pagbabalik sa pag-aaral. Bago na naman ang mga kaklase ko pero di ako excited. Wala naman kasi akong pakialam sa mundo nun. Bitter pa din ako sa totoo lang. Hindi dahil sa ex ko kundi sa kaibigan kong unicorn na sobra ko ng namimiss. First day of class, nalate pa ako at worst ang professor ay ang una kong professor na nagbigay sakin ng tres o pasang awa na marka. Tapos may introduction part pa na magpapakilala ang mga estudyante, badtrip hate ko yun. At bukod dun kaklase ko pa ang mga tinuruan ko na binackoutan ko sa pagtuturo ng sabayang bigkas.
Masyado akong tahimik sa klase, anti-social ako kaya iilan lang ang nagtangkang lumapit sakin. Syempre di naman suplado ang bida kaya todo entertain lang. Ok naman ang pakisamahan sa klase, masaya naman kahit papaano at di ko nalang napansin na tapos na pala ang second sem. Marami akong nakilalang acquaintances, at kaibigan. Ngunit sa kanilang lahat, kahit isa o dalawang beses lang kaming nag-usap ang hindi ko makakalimutan ay ang babaeng mukhang mabait.
Kung anu ano lang naman ang pinag usapan namin, religion, law, morality (kahit wala ako nun) at mga bagay bagay na curious ang kabataan (hindi sex). Masaya siyang kausap, natuwa ako kasi nakikinig siya. Matagal kaming nag-usap at may sense siya. May pagkakataon tinawag siya ng kaklase niya para kumain habang nagkukwentuhan kame at sinabe kong balik ka agad ha. Nagulat nalang ako sa sinabi ko. Pero sa sobrang tagal niyang bumalik umuwi nalang ako… Siya si Fatima…
-----
Wala ng klase… Pero may ilang nag-aayos pa ng mga bagay bagay na may kaugnayan sa school works. Mga estudyante na naghahanap sa mga professors para sa completion at mga professors na nagpapower trip na nagtatago sa mga estudyante. Ganito ang kalakaran sa kolehiyo. Para kang si Indiana Jones na naghahanap ng lost treasure.
Ano ba ang ginagawa ko ng mga araw na ito. Magpapasa lang yata ng projects. Kuntento na ako sa buhay ko ng mga panahong ito kahit sa kabila ng pagkawalay ng aking beloved unicorn. Sapat na rin sakin na kasama ang sigarilyo, kahit nauubos kung may pera bibili ka lang sa tindahan meron na. Hihithit at ibubuga, papasok sa loob ng katawan at dahan dahang lalasunin ang iyong katawan. Yayakapin ng usok nito ang iyong kaluluwa… ayan ang yosi. Pumasok ulet ako sa school matapos makipaghalikan kay malboro. Sa entrance nakita ang kapwa kamag aral, si Fatima at ang kanyang kaibigan. Binati ko sila at tinanong kung ano ang ginagawa nito sa eskwela eh wala naman pasok. Sumagot ang kaibigan nito, ngumiti nalang kunyari interesado kung bakit nasa school sila at agad pinuntahan ang pakay ko sa eskwela.
Matapos makipag hide and seek sa mga professor, nagdesisyon na akong umuwi, excited na kasi ako sa bago kong bisyo, ang magmukmok sa kwarto. Astig kaya ito, wala kang gagawin kundi mag isip ng mag-isip. Kung talagang gusto magpaka hardcore paminsan minsan pwede rin na iuntog ang sarili sa pader o kaya maaring tumitig ng isang oras sa kisame. Oh diba productive…
Bago umuwi nagulat ako na nandun pa sila sa entrance, napakunot ulo at tumabi sa kanila. O bakit di pa kayo umuuwi. Sinabe agad ng kasama ni Fatima na may iniintay pa sila. Nabasa ko naman sa isip na Fatima, “Pakialam mo..” Ewan ko kung bakit naririnig ko ang iniisip niya siguro may secret powers ako na ngayon ko lang na discover.
“Fat, puwede ba makuha ang number mo?” automatic na tanong ko.
“Bakit?” sabe niya at sabe naman ng isip niya, “Nako may intensyon itong masama…”
“Alam mo na kasi… (medyo natagalan akong mag-isip) para may textmate lang… pwede ba yun..”
Di ko alam kung bakit para siyang galit at sinabeng, “Ano ibibigay ko ba?” tanong niya sa kasama…
“Bahala ka fat”
Ibinigay niya ang number na parang may sama ng loob at wala sa puso… Masaya na din ako dahil may dagdag akong kausap sa panahon ng pag-iwan sakin ng kaibigan kung unicorn.
“Sige uwi na ako, save mo number ko ha”
Sagot ng isip ni Fat, “MUKHA MO”
Sabe ni Fat, “Ok”
----
Gabay na Tanong
Ano ang unang nakagawiang gawin ng bida pagkagising sa umaga?
Magpray kay God
Magtanggal ng surot sa higaan
Magtanggal ng muta
Maglista ng sampung characteristic na inilalagay mo sa describe your crush sa slumbook noong elementary ka. Matapos mailagay ang limang katangian, magkaroon ng checklist kung makikita mo ba ito sa BF/GF mo. Kung walang karelasyon punitin ang pahina at sunugin.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon ng magkaroon ng matapat na alagang unicorn, ano ang ipapangalan mo sa kanya? _____________________________________

BINABASA MO ANG
Transcend
Romancea tagalog english novel about a man searching for himself... for love that transcends through time