Good Day

156 3 1
                                    

Nakatulala sa kawalan. Blangko ang isip. Naglalakbay ang kaluluwa. Lumalampas ang paningin sa mga taong walang pakialam na dumadaan. Naramdaman mo na ba ang maheartbroken. Kung literal na nasisira ang puso malamang nagkalat na ng laman at dugo dito. Pero who cares naman kung sakaling sumabog ang puso ko. Kahit naman magsenti senti ako ngayon hindi titigil ang mundo para sabihan akong, “Kaya mo yan pre, daming chicks dyan, Walang forever pre…” Pero it’s not the case, hindi hihinto ang lahat dahil kailangan mo ng comfort.
Maganda ang umaga, lahat ng tao masaya dahil nanalo si Pacquiao kay Hatton. Ako naman daig pa ang na-knockdown. Maganda ang umaga, nagtatakbuhan ang mga bata na walang kaprobleproblema. Tuwang tuwa sa bago nilang tablet na bigay pa yata ng kamag anak na galing sa ibang bansa. Maganda ang umaga, nanalo na naman ang kapitbahay naming sabungero, 15,000 daw ang panalo. Naglabas agad ng isang kahong emperador, umagang umaga inuman na. Maganda ang umaga, ang dakilang PRO ng aming lugar ay masayang masaya dahil may scoop na naman siya tungkol sa magandang kapitbahay naming naging kabit ng dating gobernador sa probinsya. Nagpadala na naman daw di umano ito ng sustento. Masayang masaya siya habang ang mga kausap niya ay nanginginig pa habang nakikinig. Excited na excited sa hatid na balita ni ate.
Magandang Umaga!
Naranasan mo na bang ipagpalit sa iba sa kasagsagan ng magandang umaga? Ipagpalit ka sa panget, masamang ugali, negro, mukhang mabaho, sira ulo, feeling pogi, dugyot, ulupong, bobo, tanga, binabae (Di totoo ang sinasabe ko dito, ganyan lang talaga kabitter kapag naiputan sa ulo) Gusto kong magmura pero awkward naman ang daming tao sa daan. Gusto kong manggulpi ng kahit sino yun nga lang nagkataon ang mamacho ng dumadaan at nakapaligid sakin.  Gusto kong sumabog!
Habang kinakausap ko ang sarili, bigla siyang dumaan. Dirediretso na parang walang nakikita. Parang wala kaming pinagsamahan. Nadurog puso ko. Durog na durog. Isa ba akong alikabok na kahit isang “hi! Pinagpalit na kita kaya move on move on din kapag may time” o kaya “Hello ex, how are you syempre not fine haha” Pwede ding “Hi ex, ang saya saya ng umaga, may date kame ngayon, wala ka kasing perang pang-date.”
Para hindi halata sa mga tsismosa naming kapitbahay na apektado ako, sumipol nalang para di obvious, yun nga lang nakalimutan kung di ako marunong sumipol. Imbes na makaiwas sa kahihiyan marami pa ang tumingin sakin na tila may awa at katatawanan sa kanilang mga mata. Ilang saglit lang para hindi halata pumasok ako sa bahay para makaiwas na ma-scoop at maging headlines sa Bulgar Version sa lugar namin. Pero kahit anong gawing pag iwas bago pa man makapasok sa bahay meron agad na nag-ambush interview.
“Hindi ba girlfriend mo yun. Wala na kayo? Ano ba yan bakit mo pinalampas sayang ang ganda pa naman.”
Lintek di man lang ako nakadepensa ni di nakasagot kaya iningiti ko nalang at paiwas na sumagot ng, “Te, pasok na ako natatae na ako.” Hanep sa excuse diba…
Nagkulong ako sa kwarto… Tulala na naman… nag-iisip… umiiyak na parang bata… Kung kelan bumalik ako sa pag-aaral na nagsimulang mangarap para samin tsaka siya naghanap ng iba nasa tingin niyang nakakahigit sakin. Ano bang mayroon sa kanya na wala sakin? Ano bang nakita niya dun sa arungas na yun? Mas hamak na mas gwapo naman ako dun ng 300x. Bukod sa magandang uniform ng pagiging marino na mayroon sa kanya, yun lang naman ang kahangahanga dun. What a life? Teka baka wala akong buhay kaya iniwan niya ako. Malamang nagsisimula pa lamang akong mangarap dahil sa kanya para sa hinaharap namin. Kung kailan, “This is it na tsaka sumuko siya” Kung kelan inumpisahan ko ng lumaban sa buhay na gustong gusto niyang mangyari sakin tsaka siya sumuko. I hate her. Wala siyang kwenta. Di siya kawalan kahit kailan. Siya ang nawalan…
Ilang minuto ang nakalipas, naisip kong ako talaga ang nawalan. Nakita ko nalang ang sarili kong parang tanga na nakatingin sa larawan niya habang sinasambit ang salitang I hate myself… What have I done?
Naging mabuti ba akong boyfriend sa kanya. Oo nagkamali siya sa aspetong pinagpalit niya ako sa iba pero siya lang ba ang dapat sisihin sa mga nangyari. Kung naging mabuting boyfriend ba ako di siya maghahanap ng iba. Kung mas naging tahimik ba ako sa tuwing nag aaway kami at dinaig ko pa siya sa pagdakdak hindi ba ganito ang kalalabasan. Iniwan niya ako mag-isa sa ere. Sobrang inikot ko ba lahat sa kanya kaya walang natira kahit katiting sakin. Masyadong malungkot ang masaya sanang umaga.
Masaya kaya siya na kasama ang bago niyang mahal. Sinasabihan niya kaya ito ng mahal na mahal kita na dati’y sinasabi niya lang sakin. Magkahawak na kaya sila ng kamay sa mga oras na ito. Tumatawa kasabay ng pag-iyak ko? Mas mabuting boyfriend ba siya?
Tiniis ko ang mga panahong iniwan niya ako… Nangako sa sarili na kapag dumating ang pagkakataong nakita ko na ang tingin kung karapatdapat sakin, gagawin ko ang lahat para mas maging mabuting tao.  Ngayon may sarili na siyang pamilya, ako ngayon graduate na. Di ko na siya mahal tulad noon pero mahalaga pa din siya dahil naging parte siya ng buhay ko. Dahil sa kanya may parte na ng buhay ko ang nagbago, at sa tingin ko mas mabuti na akong tao kahit papaano. Wala na akong galit o hinanakit sa mga nangyari. Matagal ko ng tanggap ang mga pangyayaring ito. Isinama ko lang siya sa istorya para maikonekta ng maayos ang kuwento namin ng girlfriend ko ngayon na mas mahal na mahal ko at higit na minahal ako kahit pagsama samahin pa ang mga ex ko. Sa susunod na kabanata mag uumpisa ang tunay na kwento. Ang istorya kung saan inulit ulit ko ang pagkakamali ko… ang pagkakamali na sana ay may second chance pa at di pa huli ang lahat…

Gabay na Tanong
1. Ilang beses mas guwapo ang bida natin sa lalakeng pinagpalit sa kanya? ________________________
2. Sa tatlong tao na binanggit ng bida, sino ang pinakamasaya sa araw na yun? Ang lalakeng sabungero, ang  batang may bagong tablet, o ang dakilang PRO? Ipaliwanag ang sagot gamit ang pilosopiyang Taoism? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang rason kung bakit hiniwalayan ng girlfriend niya ang bida? I-rank ng 1-3 ang sa tingin mong pinaka dahilan ng pag ayaw nito. Ang 1 ang pinakamababa.
____ - Sa sobrang gwapo ng bida kailangan ng ex nito na maghanap at ipagpalit siya sa panget
____- Madakdak at sobrang madrama sa buhay ang bida
____- Ginayuma si ex kaya nawala ang pagmamahal nito sa gwapong bida

TranscendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon