Chapter 7 Fears

33 1 2
                                    

Maniniwala ka ba kung sabihin kong gusto kita”
“Maniniwala ka din ba kung sabihin kong di ako naniniwalang gusto mo ako.”
What the hell I never expect that coming. Sa dinami dami ng puwedeng niyang sabihin ito pa. Hindi niya ba alam na it takes me a lot of courage para masabi lang ito. Sana ganito nalang ang sinabi niya.
“Bakit ano bang mayroon sakin at nagustuhan mo ako”
Madali kasing replyan kapag ganun ang sinabi niya. Matatamis na paglalarawan lamang ang ibato ko sapat na. Kesyo masaya ako kasama at kausap ka… Ang ganda mo nagpapabukas ng pintuan ng langit o kaya naman napapatulala ako sa tuwing ngumingiti siya. (Sablay din kapag yan ang feedback ko)
Madalas kasing ito ang ibinabalik na tanong sakin at sa hindi inaasahan ito ang natanggap ko. Matinding mental process, ano ang isasagot ko? Kung sa chess, 3 wrong moves checkmate na. Game over wasak ang diskarte.
“Hindi ko naman kailangan maniwala ka ngayon, ang mahalaga nalaman mo yung matagal ko ng gustong sabihin sa iyo”
“Kung pwede nga lang Fatima sabihin ko ng harapan pero ayaw mo naman akong harapin”
“Sa totoo lang, maniniwala ka ba kung sabihin kung takot ako sa lalake.” “Wala akong tiwala sa inyo”
Napakunot noo, “Bakit mo naman ginegeneralized, dahil ba ang kasalanan ni Adan pagbabayaran pa din naming mga lalake? Unang una kasalanan ninyo yang mga babae? Haha!”
“Seryoso, Bata pa man ako ay nabully na ako.”
“Pero di naman ako nang bully sayo?”
“Pero lalaki ka pa din, konti lang ang mga pinagkakatiwalaan ko”
“Hindi ba ako puwedeng makasama sa listahan?
“Di ko alam”
I dialed her number, sinagot niya agad.
“Anong bang nangyari? Paano ka ba niya binully?”
It takes time before she answer, tila yata ayaw niya pang sagutin. Maka ilang ulin kong tinanong pero wala akong sagot na narinig sa kanya.
“Ok ganito nalang Fatima, wag na nating pag usapan yan, sabihin nalang natin na kailangan mo siyang harapin, kailangan mong tanungin kung bakit niya ba ito ginagawa sayo.”
“Pinsan ko siya, lage niya akong inaaway nung bata kami kaya nagsilbi na itong lamat sa pagtitiwala ko sa mga lalake.”
“Kaya nga kailangan mo siyang harapin, maari isa lang ako sa mga daang lalaking makakaharap mo sa buhay mo pero isipin mo din na mahirap maglakbay sa mundong may bitbit na mabigat.
“Alam ko…”
“Maigsi lang buhay ng tao Fat, sa paglalakbay mong yun maaring ang dala dala mo ang magpapahirap sayo sa paglalakbay.”
“Alam ko…”
“Ano pang ginagawa mo? Wag kang takot Fatima, paano mo ako mapagkakatiwalaan kung ganyan ka.”
“Alam ko…”
Marami pa kaming pinag usapan ni Fatima at tiwala ako sa sarili na kaya ko itong burahin pagdating ng panahon. Marahil di pa tamang ang oras para dito pero alam kong kakayanin kong ibahin ang kanyang pananaw. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbukas siya ng sarili sakin at di lamang tungkol sa mga aliens, conspiracies, nature of God, Evolution at kung anu ano lang pinag uusapan namin. Ngayon, ang sarili namin ay unti unti ng naglalapit.
Di ko na masyadong papahabain ang kuwento ng ligawan…
Basta ang alam ko, nawala na ang takot niya sa mga lalake… at nagtitiwala na siya sakin.
---
(FAST FORWARD…)
Em? Sabe sa text…
Reply naman ako ng, “Oh bakit nagtext ka akala ko ba may gagawin ka?”
“Bakit ayaw mo ba ako makatext, may gagawin ka ba?”
“Wala naman, teka may tanong ako, bakit em?
“Secret :D” sabe niya.
Em? Ano kaya ang ibigsabihin nun. Em as in emotero, di naman pwedeng em as in empogi…
Matagal akong hindi nakapagreply sa kakaisip. Daig pa nito ang mga puzzle sa libro ni Dan Brown. One word tapos two words lang. Kahit yata si Indiana Jones hindi kayang idicipher ang mga katagang binitiwan ni Fatima. Bakit kaya em? Alam kaya ito ni google?
Isang palaisipan ang bumagabag, dumugo na ang utak kakaisip kung ano ang kahulugan ng Em. Em.. as in mahal.. Itinago ko na lamang ito baka sabihin assuming ako.
“Faye (Alias na tinawag ko) matagal na din akong nanliligaw sayo…”
Pinutol niya ang usapan at sinabing, “Alam mo ba kung bakit Em tawag ko sa iyo?”
“Empogi ba?”
“Sira, hindi..”
“Ano ba yan? Emsobrang pogi?”
“Ewan maikonekta lang…”
“EM kasi as in letter “M”… Mahal…”
“Faye mahal mo na ako?”
“Matagal na sinugurado ko lang kung love ba ito.”
“E di ibigsabihin mahal mo ako at mahal na mahal kita eh di tayo na”
Nagliwanag ang mundo ko ng sinabi niya na oo… Ang mga kalaro kong cute na mga duwende, unicorns, rainbows, ay naglalaho nasa imahinasyon. Ang paligid ay nagiging totoong realidad na di ko na kailangan manghiram pa ng saya sa mga inanimate objects… Magaan sa pakiramdam nasa wakas tapos na ang mahabang paghihintay. Siya ang pinakamatagal kong niligawan na inabot ng halos apat na buwan at ngayon Girlfriend ko na.
“Talaga pero sa text lang ito, baka niloloko mo ako Faye?”
“Magkita ulit tayo sa Wild Life, ikaw pa ang nagkakaganyan hah, pa girl ka at lolokohin ba kita first time kong mag boyfriend.”

TranscendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon