Tuwing umuulan nalulungkot tayo. Naghahatid kasi ang tunog ng mga patak ng mga alaalang ipinipilit nating ikahon. Ika-9 ng Mayo 2015, ngayon ito pero dahil malamang na hindi na anuebe matapos mo itong mabasa technically speaking past na ito. Super intense ang ulan. Ang hangin sumasabay pa sa galit ng di umanoy mga patak nito. Maliliit na patak ngunit sobrang dami nasa ilang minuto lang ay unti-unting tumataas na ang baha. Ang mga patak ay nagsilbing alaala, ang tunog nito ay isang symphony na walang ryhtmn, utter chaos, sobrang lakas ng tunog ngunit walang pagkakakilanlan. Kalungkutan ang hatid ng ulan pero sa pagkakataong ito'y nagsilbing kanyang musika na isang alaala.
Natatandaan mo ba ang mga araw noong elementary ka. Isinusulat mo sa slumbook ang katangian ng hinahangaan mong babae o ang ideyal bf/gf. Di mo naman talaga alam kung bakit mo ito sinusulat nagkataon lang na kailangan mo itong sagutan dahil ang nagpapasagot sayo ang ang crush mo noong elementary.
Hihirit ka na ang ideal crush mo ay maganda, mabait, matalino, mahinhin at gentleman kung babae ka. Lahat ng ilalagay natin ay kung ano ang perpekto sa panlasa at ito'y magsisilbing standard natin sa kung sino ang taong pinapangarap natin. Minsan di pa siya pinapanganak, minsan nga masyado pa siyang malayo at di mo pa nakakasama. Paminsan nama'y di mo na siya makakaharap dahil masyado kang abala sa mundo sa pagsabay sa pag-ikot nito. Minsan sa sobrang disappointed mo sa buhay di mo na siya ninais makita. Minsan swerte ka at nahanap mo na, yun nga lang may mga pagkakataong nalampasan mo ang oportunidad. Minsan kasama mo na, nagmamahalan na kayo pero...
Umuulan ngayon, lahat nagtatakbuhan para sumilong. May mga taong namomoblema kung saan susukob para di mabasa ng ulan, ang ilan pighati ang nadarama dulot ng masamang panahong hatid nito. Ang hatid daw ng ulan ay isang sakuna...
(Halos tatlong taon nakakaraan) Mga ilang araw na kaming magkausap ni Fatima sa text at paminsa'y kapag sinuwerte nagkakaroon ng pagkakataong makapag usap ng personal. Dumadaan ang mga araw na di buo ang araw kung wala siyang text, may mga araw na nag-aaway na daig pa ang mag nobyo at mag nobya. Ilang beses kung binura ang number niya, pero ilang beses ko ding sinave dahil kabisado ko naman.
Dumating ang araw tinanong ko sa sarili ko, "Gusto ko ba siya?"
Sinagot ko din ang sarili ko na "Hindi ko siya gusto..."
"Gusto ko ba siya?"
-----
Noong bata ako, normal na magkagusto ako sa mga singkit, matangkad, tahimik pero makulit, mahinhin, mukhang inosente medyo boyish. Sinusulit ko nga noong elementary days ang pagsagot sa slumbook kapag sa kategorya na describe your crush. Ayaw ko naman maging KJ na M2M (many to mention) ang kadalasan na inilalagay. Astig talaga na bata palang ay sobrang landi ko na.
"Gusto ko ba siya"
-----
Sobrang lakas ng ulan, sa sobrang lakas nga nito'y pati nga adik samin na di kumakain ay nagsipagliparan. Bukod sa mga tropang gising, ang mga bubong ng ilan bahay na walang kahandaan sa parating na delubyo ay nagsipagkalasan. Ang iba naman ay tuwang tuwa dahil wala ng bubong ang kapitbahay nila, at sa panahon ng delubyo ang ilan nakakahanap ng oportunidad kumita at binebenta ang mga bubong ng kapitbahay sa Junkshop.
Sobrang lakas ng ulan, nagkalat ang mga putol na sanga sa paligid, mga taong nakakapote, mga payong na nababalatan dahil sa malakas na ihip na kasabay nito at mga batang parang walang magulang na nagsisipaglangoy sa baha na nilikha ng malakas na buhos.
May mga balitang nagsipaglabasan. Mga lugar na apektado ng ulan. Swerteng maituturing ang lugar namin dahil kahit minsa'y di pa napipinsala ng bagyo. Malas at nakakahabag ang mga taong walang masilungan dahil ang mga bahay nila ay lumubog sa baha. Ang ilan ay nagsisipag-iyakan, ang iba'y humihingi ng saklolo... ang ilan nawawalan ng pag-asa.
"May di umano'y pader na gumuho sa Commonwealth dulot ng malakas na hangin at pag-ulan." Sabe ng commentator sa radyo.
Agad tumibok ng mabilis ang puso ko. Di mapakali at agad na nagtext... Ooopss wala akong load... Buti nalang nandito ang Lola ko na laging maasahan pagdating sa ganitong panahon
"Lola may load kayo, patext naman po"
"Smart lang unli ako"
"Kumusta ka dyan? Ayos lang ba kayo ng pamilya ninyo? May balita kasi na may bumagsak na pader dyan text ka agad nag-aalala ako" Tapos sabay send.
Text agad nag-aalala ako?
Gusto ko ba siya?
Matapos ang ilang kuko na nginatngat dahil sa pag-aalala, tumunog ang cp ko.
Unregistered number...
"Salamat sa pag-aalala malayo samin yung aksidente, ayos kami dito, kayo ayos ba? Wag text dito"
"Lola pa-text ulit"
"Smart lang ha, unli ako" favorite line ni lola
"Ayos naman kami, mag-ingat kayo dyan ha"
Napawi ang kaba sa dibdib ko, akala ko ano ng nangyari sa kanya. Di ko alam bakit ganito? Bakit ako nag-aalala? Siguro dahil kaibigan ko siya?
----
Maganda ang panahon, malamig ang simoy ng hangin na nagpapahiwatig na malapit na ang pasko. Di pa BER month noon pero ramdam mo na ang simoy na kapaskuhan. May pagbabago na sa kapaligiran na tila baga nagpapakita ng bagong buhay.
Bagamat walang load si Fatima, buo na ang araw ko dahil nasisigurado kong gusto ko siya. Malayo ang agwat ng edad namin, at kahit may mga kaibigan akong di suportado ang balak kong panliligaw ay gusto ko pa ding ituloy ito. Wala ka ng mahahanap ng iba. Lahat yata ng mga katangian nasa kanya na. Kung babalikan ko ang walang kamuwang muwang na ako na mahigit isang dekada ang nakaraan malamang makiki apir siya sakin para suportahan ang plano ko. Sasabihin niya na tama ang ginagawa ko at sa wakas may tama din akong nagawa sa buhay ko.
Gustong gusto ko siya...
Habang nakikipag-usap sa elementary version ng sarili biglang tumunog ang cellphone. Madali kong tiningnan kung sino ang nagtext. Umaasang baka siya na yun, kahit sinabi nitong di siya makakapagload dahil marami siyang gagawin sa araw na ito.
"Luigi, Miss na kita" sabe sa text... at unregistered ang number pero kilala ko ang number na ito....
BINABASA MO ANG
Transcend
Romancea tagalog english novel about a man searching for himself... for love that transcends through time