How can I forget this day? My soul is in the state of transcendence. This is it pansit… We are officially mag Bf at Gf sa cellphone at its time for us to become officially mag BF at GF sa realidad. HEto na din ang officially na pag-uumpisa ng lovelife ko. For the pass 8 months I destroyed three relationship in a row so this time sisiguraduhin kong everything is in order like the universe, although chaotic and full of randomness, mayroon namang harmony. There is no more ex problems, no more doubts, no more negativity. Everything is in order, and although being stable is not in my vocabulary, this time I’m perfectly fine. Ngayon lang ako ngumingiti in no particular reason at hindi ngumingiti to hide something to other people.
Sabi ni Plato, our soul is divided into 3 parts. Reasoning, spirit at desire. Reasoning ay parte ng kaluluwa ng tao na tumutukoy sa pag-iisip ng tama hindi para sa kapakanan ng sarili kung hindi para sa iba. Ang spirit ay patungkol sa mga emosyon natin na nag-aalab na kapag binigyan ng matinding sitwasyon ay masusubukan ito. Ang pangatlo ay ang “Desire” o kagustuhan ng tao halimbawa ang pagkain ng paboritong ulam o putahe. Immortal ito tulad ng kaluluwa ko ngayon. Ang kaluluwa ko ay magdadala sakin na tama ang gagawin ko dahil sa pakiramdam na I will love her selflessly, gamit ang tama at sapat na emosyon at pagnanais na mapunan ang kalungkutan sa mundo magiging kumpleto ako bilang tao.
Medyo may kaba ang kaluluwa, mga katatakutan na pinipilit isalba ng kaunting tapang ng kalooban. Mga kapraningan na wala namang sapat na ebidensya na magpapatunay na ito’y katarantaduhan lamang. Kailangan maging matapang, kailangan wakasan ang katatakutan.
Ilang kilometro pa ang lalakbayin bago ko marating ang pupuntahan. Ilang text na malapit na ako wait lang. May matatanggap na mensaheng ayos lang. Daig ko pa ang unang beses na magka jowa. Daig pa ako ng 1st year high school na puno ng tigyawat sa mukha na nanliligaw sa babaeng may braces sa ngipin. Sinagot niya na ako… I can’t even believe it.
After the hellish traffic, narating ko na ang “Wild life” sa QC. Wala akong nakikita kundi berdeng paligid. I texted her, she told me na I’m late.
“Sorry na mahal for being late. Bumili pa kasi ako ng kakainin natin. So nasaan kana”
She texted back… tumingin ka sa monumento ni Ninoy.
I saw her, simple and beautiful. She told me that I’m 10 minutes late.
“You’re so strict.”
She doesn’t smile and show she have the authority over me.
I like the way she do it.
At first, as usual we talk things that are not concerned about us. I make her laugh. She makes me smile. Everything is perfectly fine.
She asked me if I could hug her. I nodded and she hugs me.
Sobrang higpit na parang walang pagmamahal. Gusto niya na yata akong patayin sa sobrang higpit. Sinasakal niya ako ng literal. Ganun ba talaga siya ka man hater.
“Bakit sobrang higpit?”
“Para ka namang di lalake.”
“Kahit sinong lalake na yakapin ng ganun luluwa ang mata.”
I know why she do it, to show that she is in control of the situation. Na malakas siyang babae pero I sense that inside meron siyang kahinaan that I cannot point. I’m so intrigue by her. Most of my ex’es, madali ko silang nagagamay. I predict every action they do pero siya di ko mabasa. Para akong si Edward at siya si Bella. Di ko mabasa ang utak niya.
Actually our first date na we are officially mag-bf and gf, there’s nothing romantic bukod sa pagsakal niya sakin. Sobrang casual and as if we are just friends at di pa lover. Di ko alam kung bakit may pumipigil sakin na ipakita ang nararamdaman ko. When she ain’t looking, dun ko lang ipinapakita sa pagtingin sa kanya ang paghanga ko. She’s so strong girl pero malapit ng maging woman. May mga bagay bagay din sa kanya na ramdam kong pumipigil na ipakita ang kanyang nararamdaman.
_____
After couple of months na usual things na ginagawa ng bagong mag Bf an Gf ay paghahatid sa bahay nila na sobrang layo, we’ve finally have our second date. She is fond sa mga parks which is sometimes unusual na din sa mga magkarelasyon. She told me back then na gusto niya daw sa Park kasi dun sila naglalagi ng pamilya niya nung di pa masyadong maraming problema. Sinanay kasi sila na imbes na sa Mall para maglibang mas pinili pa ng magulang nito na sa park magpalipas ng oras.
Second date namin sa “circles”. Sa mga di nakakaalam ang lugar na sinasabe ko ay malapit sa munisipyo ng Queszon City. Sobrang laki nito tulad ng QC. Makikita mo din dito ang soobbrraangg laking obelisk na itinayo para sa dating presidenteng si Luis Quezon (dito din siya nakahimlay). Mas maganda dito promise kaysa sa wild life na napabayaan na yata ng pamahalaan.
We stop first sa favorite kainin ng walang budget, ang pinaka grandiyosong fish ball, squid ball at kikiam. Isasawsaw pa sa matamis na naglalagkit na sawsawang nagsisipaglangoy ang mga bacteria na magpapa HEPA positive sayo.
After ng tuhog tuhog session, diretso na kami sa circles. Maaliwalas ang paligid at puro kulay berde ang makikita dito.
“Masyadong mainitin ulo mo mahal.”
“Yeah I know” sabe ko.
“Alam mo ba sa tuwing nagagalit ka dapat tumitingin ka sa mga berdeng bagay tulad ng halaman. Mababawasan ang galit mo.”
“Mabilis nga mag init ang ulo ko pero mabilis din mawala ang inis na ito so is it necessary.”
Hindi na siya kumibo…
BINABASA MO ANG
Transcend
Romancea tagalog english novel about a man searching for himself... for love that transcends through time